Chapter 58 - The Final Score Part 1.

64K 674 34
                                    

Halos tatlong minuto na yatang nakatitig sa harap ng monitor ng computer sa tech lab ng Orion si Sandy ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Wilson na may dalang kape.

"Magkape ka na muna.." Mahinang sabi nito bago inilapag sa harap nya ang tasa. "Almost twenty four hours ka nang gising. Baka mapano ka nyan." Nag-aalala na sabi nito.

Umiling sya. "I'm fine. W-wala pa rin bang balita?"

Umiling rin ito. "Wala pa. Pati yung hawak namin na police, ang sabi wala pa rin daw sila lead. Hindi naman kasi natin pwedeng sabihin sa kanila na si Sophia ang nagpa kidnapped kay Aled. Kilala rin ang pamilya nila at siguradong malalaman ng media ang lahat. Pero wag kang mag-alala. They are doing everything they can."

"Oo nga pala, i'm studying Sophia's financial records. May tatlong transaction syang ginawa last month, nag widthraw sya sa bank. She did not used her credit cards. And malalaking halaga. Fifty thousand the first transaction, then sixty thousand then one hundred thousand." Sabi nya na ibinalik ang atensyon sa screen ng computer.

Nangunot ang noo ni Wilson. "A-ano'ng iniisip mo?"

"I'm thinking na yung mga pera na iyon yung pwede nyang pinangbayad sa mga kumidnap kay Aled, or pwedeng pinangbili ng place."

Tumango tango si Wilson. Tumayo ito at may kinuhang tablet.

"Ano'ng bank, date at time? I can hack through their security tapes. Mula doon pwede natin ma trace si Sophia o kung sino man ang nag widthraw for her."

Ipinakita nya rito ang papers. Then they called other techs of Orion to assist them.

"Very clever, Sandy. It's s start. Tayo na mismo ang makaka huli kay Sophia." Tila bata na naexcite si Wilson. Agad na rin kumilos ang lahat ng tao sa tech lab na iyon ng Orion.

Nang ma hack na ni Wilson ang security tape ng bangko kung saan nag widthraw si Sophia ay nakita nila na mismong si Sophia ang nag widthraw ng pera. May kasama ito'ng Japanese na lalaki at isa pang lalaki na malaki rin ang katawan na malamang ay bodyguard nito.

Lalo syang nagngitngit sa babae.

Nang lumabas na ito ng bangko ay nakita nila sa security camera sa tapat ng bangko na sumakay ito sa isa'ng puting kotse.

"That's the last thing we see." Sabi ni Wilson sa kanya.

"Ano'ng gagawin natin?" Nanlulumo na tanong nya.

Bago pa makasagot si Wilson ay may pumasok na lalaki sa techlab. Humahangos ito at mukhang nagmamadali.

"Madam, ano po kasi. Nasa baba ho sila Prince at may kasamang babae."

"Ha? Si Prince?" Nag-isip sya saglit bago maisip na marahil ay si Dychie ang kasama nito.

"P-papapasukin ho ba namin?" Nag-aalangan na tanong nito.

Tumayo sya mula sa kinauupuan nya. "O-oo. Samahan na kita." Nilingon nya si Wilson. "S-sandali lang ha? I'm sure gusto nilang tumulong."

Tumango na lang si Wilson.





Aled was staring blankly at Sophia while she's eating. They were on both sides of a long table. madami ang handa at maganang kumakain si Sophia ngunit sya ay hindi kumikibo.

"Ayaw mo ba ng pagkain? I can ask them to cook another dish for you." Maya-maya ay tanong ng babae sa kanya.

Again, he did not answered.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon