Chapter 47 - When She Smiles

102K 1.1K 123
                                    

Nagising sa sikat ng araw si Aled. Then a shadow of a woman blinded his eyes for a while.

Ang nakangiting si Sandy ang bumungad sa kanya.

"Hi!" She was smiling so sweet he forgot he's still sleepy.

"Kanina ka pa?" Hindi mapigilan ni Aled ang titigan ang mukha ng asawa. Yeah, halata ang pagpayat nito. Nakakainis isipin na imbes na dapat alaga ito sa piling nya ay kabaliktaran ang nangyayari. She looked stressed.

Umiling ito. "Hindi masyado." She sat next to his bed. "Can you go with me?"

Nangunot ang noo nya. "Where?"

She just smiled and stood up. "Basta.. Get ready in ten minutes, okay?" She winked. Naglakad na ito papunta sa pinto ng bigla sya nitong lingunin. "And oh, put on a cassual attire. See you sa baba!" Kumaway pa ito na tila matagal silang magkakalayo bago tuluyang lumabas.

Napailing at napangiti sya. Saan naman kaya sila pupunta nito?

Agad syang tumayo at nag rush shower. Sinuot nya ang kanyang paboritong lacoste collard shirt na kulay blue at cream pants. He checked his self in his mirror and went down. When he asked a maid, the maid told him na nasa kusina si Sandy.

And she is very busy preparing food!

"What's this?" Gulat na tanong nya.

Katulong nito sila Aileen at Lisa. They were all holding a tupperware with different foods and stuffing it into two different baskets.

"We're going to go picnik!" Malapad ang ngiti na sabi ni Sandy.

Napakamot sya ng ulo. "What? Saan naman tayo magpipicnik? And hell, baka nakakalimutan mo na may nag-" Bago nya pa matapos ang sasabihin ay agad na natakpan ni Sandy ang bibig nya ng kamay nito.

"Ooops, i won't take no for an answer."

"Pero-"

"Ah, ah." She raised her point finger and wiggled it saying 'no.' Hinila sya nito palabas ng kusina at yinakap sya. "Can't we just do it like normal people do?"

Bumuntong hininga sya at yinakap rin ito. "Were not normal, baby. Someone wants to kill you..." Mahinang sagot nya.

Mahinang tumawa si Sandy, his face lying on his chest. "It doesn't matter." Then she looked at him. "I have an idea."

Bigla syang hinila nito pabalik sa kwarto nya. She opened his wardrobe.

"What are you looking for?" Kunot ang noo na sabi nya.

Humarap ito sa kanya ng may hawak ng shades at scarf. Napangiti sya ng maisip kung ano ang gusto nito mangyari.






All that Sandy wants right now is to live a normal life. Bagamat hindi normal ang isang teenager na kagaya nya ang ipagkasundo kay Aled na ubod ng yaman at ipakasal sila agad, a simple and normal life as teenage husband and wife sounds good.

Yung tipong tumutulong sya magluto ng breakfast o sya na mismo magluluto ng breakfast ng asawa upang pag gising nito ay kakain na lang ito? Yung hindi na nila kailangan ng mga naka buntot na bodyguards o goons kapag aalis sila o pupunta ng mall? Yung hindi nakaka stress na pakiramdam dahil hindi kayo nag-aalala?

But it's all hard to imagine now.

Paano na lang kapag tuluyan syang mamatay?

Hindi maikakaila na natatakot sya.. pero hindi sya natatakot mamatay. Natatakot syang iwan ang mama nya at mga kapatid nya, pati na si Aled. Paano na lang ang mga ito?

I Married the Ice King (Published)Where stories live. Discover now