Chapter Four

1.4K 14 1
                                    

"Elle, saakin ka na sumabay mamaya." Ngumiti ako kay Sasha bago tumango. Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian at naghahanda na sila para pumasok sa trabaho. Hindi ko naman kailangan ng make-up sa trabaho kaya hindi nako nakikigulo sa kanila. Ako nalang ang naghugas ng pinagkainan namin.

Natapos si Sasha sa pagaayos pagkalipas ng tatlong oras. Ilang beses kasi itong paikot-ikot at papalit palit ng damit. Kanina pa naunang umalis sina Angeline at Coleen. Tumingin uli ito sa salamin bago ako tanguan. Sign iyon na pwede na kaming umalis.

"Papara na ba ako ng trisikel?" Tanong ko rito. Madalas kasi trisikel lang ang sinasakyan ko o kaya nasusundo ako ni Jake.

"Hindi. Magtataxi tayo." Aangal palang sana ako pero may huminto ng taxi sa harap namin.

Buong byahe iniisip ko kung may pera pa sa pitaka ko. Onti lang kasi ang tinira ko noong huli kong pagpapadala ng pera. Kung pwede nga lang pati pangkain ay isama ko na sakanila pero hindi naman pwede na wala akong maiambag sa apartment namin.

Ng makitang malapit na kami sa bar ay naglabas na ako ng pitaka pero pinigilan ako ni Sasha. "Libre ko ito, Elle. Huwag ka magalala."

"Pero-"

"Malaki ang tip saakin ni Joko kagabi. Barya lang ito." Ngumiti siya bago kumindat. Pailing iling nalang akong lumabas ng taxi. Hindi ko rin naman mapipigilan si Sasha e.

Lalakad na sana ako papasok sa bar pero pinigilan ako nito. Humawak siya sa braso ko at tinitigan ako ng mabuti. "Okay ka lang ba? Kung may problema ka pwede mo namang sabihin saakin." Ngumiti ako at umiling.

"Okay lang ako. Tara na." Ayokong sabihin ang problema ko. Ayokong dumagdag sa problema na meron rin sila.

"Basta andito lang ako ha? Huwag mo sasarilin ang problema mo. Kaibigan mo ako." Tumango ako rito. Sabay na kaming naglakad papasok ng bar.

Bumati muna ako sa lahat ng nandon bago pumunta sa bar counter. Nakita ko si Jake na tinitignan ang stock ng alak. Tumigil ito sa pagbibilang ng makita ako. Tumaas ang isang kilay nito at binitawan ang hawak na notebook.

"Umiyak ka ba?" Nagulat ako sa pagtanong nito kaya hindi ako nakasagot agad. "Huwag kang magsinungaling, Elle." Lumapit ito kaya humakbang ako patalikod. Hindi ko alam kung bakit pero siya ang unang nakapansin saakin. O baka napansin nila pero hindi lang nila ako pinilit na magsalita? Nanatili akong nakayuko para hindi niya makita kung gaano ako kakaba sa tanong niya.

"Bakit ka umiyak?" Sinubukan kong magisip ng kasinungalingan para may masabi lang pero tila nablangko narin ang isip ko. "Kung ayaw mong sabihin, maiintindihan ko naman." Saka lang ako nagtaas ng tingin ng marinig ang huli nitong sinabi.

Noong nakaalis na ito sa harap ko ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Nagtrabaho nalang ako ng maayos kahit na maraming tumatakbo sa isip ko.

Ng sarado na ang bar ay kasabay kong umuwi si Coleen. Nakakapagtaka dahil wala siyang customer ngayong gabi. Mukha ring may problema ito pero dahil hindi naman kami ganon ka close ay hindi na ako nagtanong.

Nasa kanto na kami ng magsalita ito. "Bibili ako ng beer. Gusto mo?"

Tumango ako sa kaniya at hinintay na siya. Ng makarating sa apartment ay pinatong niya na ang biniling alak sa maliit naming lamesita sa sala.

Nagbihis muna ako ng damit para maging komportable ako sa aming paginom.

Nakaka tatlong inom palang ako ay ubos na ni Coleen ang isang bote. Nakailang beses narin itong buntong hininga.

"Coleen? May problema ba?" Tumingin siya saakin at pilit na ngumiti. Hindi ko na napigilan na magtanong dahil nababahala narin ako sa katahimikan saaming dalawa.

"Mas madali siguro ang buhay kung simple lang ang lahat. Mas madali siguro kung hindi ako pinalaki sa mayamang pamilya. Noong nasa probinsya ka, ilang beses mong nakikita mga magulang mo?" Lumingon ito saakin at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata.

"Araw-araw."

"Swerte mo. Ako bilang lang sa daliri ang araw na nakikita ko mga magulang ko sa isang taon. Ni hindi nga siguro nila alam na wala na yung anak nila sa malamansyon nilang bahay." Uminom uli ito sa beer at naglabas ng malalim na buntong hininga. "Gusto ko lang ng atensyon ng mga magulang ko. Gusto ko lang na mapansin nila ako pero hanggang ngayon hindi parin nila ako hinahanap. Anong klase silang magulang, Elle? Paano nila nakakaya na hindi ako hanapin o kamustahin man lang?" Tumulo na ang luha nito at ang tanging nagawa ko nalang ay yakapin ito.

"Mahirap ring maging mahirap, Coleen."

Nakatulog si Coleen sa braso ko. Hindi ko inaasahan na maglalabas siya ng sama ng loob sa mga magulang niya saakin.

Lubos ko tuloy pinagpapasalamat na kahit mahirap kami ay sama-sama parin kami. Kahit madami kaming magkakapatid ay hindi naisip ng mga magulang ko na ibigay kami sa iba. Kahit mahirap ang buhay namin, kinakaya namin na magkakasama.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon