Chapter Sixteen

545 6 4
                                    

"May we have our Chairwoman to give the gifts to our 2021 Y.Co convention Muse, Ms. Elleanor Esguerra."

May eleganteng babaeng tumabi saakin. Ilang beses akong napasulyap sa kaniya dahil naaalala ko ang kaniyang mukha. Naalala ko pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Congratulations, Elleanor." Nakangiti itong iniabot saakin ang bouquet ng bulaklak at isang envelop.

Nakangiti rin akong nagpasalamat. Natapos ang welcoming dinner sa announcement ng Muse.

Sinalubong ako ni Amy na kulang nalang magtatatalon sa tuwa. Ilang beses niya rin kasing nasabi saakin kanina na malaki ang maitutulong pag nanalo ang isa saamin. Makakatulong raw iyon sa resort at mas matatandaan na raw ng kumpanya ang pangalan ng pinagtatrabauhan namin. Natuwa rin ako dahil kahit papaano malaki rin pala ang naitulong ng pagpunta ko rito.

Nagtanggal agad ako ng heels ng makapasok sa aming hotel room. Kulang nalang maghandusay na ako sa sahig kanina sa sobrang sakit ng aking paa.

Marami pa kasing lumapit saakin kanina para kausapin at syempre hindi naman ako makahindi. Tinatanong rin kasi kung saan ako galing na resort at syempre kung para sa ikakaunlad iyon ng pinagtatrabauhan ko ay makikipagusap talaga ako.

Naghugas na ako ng sarili sa banyo. Dinadalaw narin kasi ako ng antok at pagod.

"Tuwang tuwa si Madam Aileen na nanalo ka." Bungad ni Amy pagkalabas ko ng banyo. Mukhang kakatapos niya lang kausapin si Madam Aileen dahil hawak parin niya ang kaniyang cellphone. "Malaking tulong iyon sa resort, Elleanor! Grabe. Buti nalang talaga pinilit kitang sumama." Ngumiti ako kay Amy at nahiga na sa kama.

"Mauuna na akong matulog."

"Sige sige. Tatahimik na ako para makatulog ka na. Good night, buntis."

Natatawa akong sinagot ito. "Good night."

Naalimpungatan ako ng makarinig ng mga kaluskos. Tinignan ko si Amy sa katabi kong higaan at nakita itong kumakain ng chichirya. Nagulat pa ito ng makitang nakatingin ako sa kaniya.

"Elle!"

"Hindi ka pa ba natutulog?" Tanong ko rito.

"Nagugutom kasi ako. Ayaw naman kitang iwan dito magisa na tulog kaya pinagtyagaan ko nalang yung mga bitbit kong pagkain. Pasensya na, Elle. Nagising pa tuloy kita."

"Ano ka ba, okay lang ako. Halika na bili tayo sa convenient store sa baba. Hindi ka naman mabubusog dito e."

"Nagising ang buntis." Humagikgik ito bago bumangon sa kama.

Nang mabili na ni Amy lahat ng gusto niyang kainin ay umakyat na kami. Nagchikahan pa uli kami bago ako hilain na muli ng antok.

Sa unang araw ng convention, gustong gusto kong makinig sa mga nagsasalita na speakers pero antok na antok ako. Malamig kasi sa venue at para akong hinehele ng mga nagsasalita.

"Inaantok ako, Amy." Sabi ko kay Amy bago muling humikab.

"Sorry, Elle. Nagising ka pa kagabi. Gusto mo bang bumalik sa kwarto?"

Umiling ako at kinurot kurot ang sariling kamay para medyo magising. Kaya ako nandito para sa convention at hindi matulog saaminv room.

"Kukuha lang ako ng kape." Humikab uli ako bago tumayo at pumunta sa beverage station. Available lang ang mga drinks nila lalo na ang kape.

Umupo ako sa isang stool at doon hinintay ang inorder kong kape. May umupo sa katabi kong stool at dahil parang bibigay na ang mata ko ay di ko na ito tinignan. Akala ko isang attendee lang ito at gusto lang ng kape gaya ko pero nagkamali pala ako.

"One coffee." Nagangat ako ng tingin ng marinig ang baritonong boses na iyon.

Tila nakalimutan ko atang huminga nang magsalubong ang aming tingin. Malalim ang paraan ng pagtitig nito na akala mo tinitignan niya ang buong kaluluwa mo. Wala akong makitang ibang expresyon sa mata niya. Sa paraan ng pagtingin niya saakin, may taong pumasok sa isip ko.  Ngunit agad ko itong inalis dahil hindi ito yung oras na iniisip ang taong iyon.

"Enjoying the convention?" Nabalik ako sa realidad ng muli itong magsalita. Kinuha nito ang kape sa harap at ininuman bago ako balikan ng tingin.

"Yes, Sir." Agad kong inalis ang tingin rito. Kinuha ko na ang kape ko at nagpaalam na. "Mauna na po ako." Nakakahiya naman kung mananatili pa ako doon. Nahihiya parin kasi ako sa nagawa kong pagkabangga sa kaniya kagabi sa welcoming dinner. Naglalakad na ako pabalik saaming lamesa at lumingon ako sa pinaggalingan ko kanina at muntik pa akong madulas ng makitang nakatingin parin ito saakin.

Patay ka, Elleanor! Mukhang nakilala ka niya dahil sa ginawa mong katangahan kahapon. Nakakahiya talaga.

Bumalik ako sa lamesa namin na hindi napapansin ni Amy. Busy kasi ito sa pakikinig at pagsusulat.

Matapos ang unang araw ng convention, nagpahinga lang ako saaming hotel room habang si Amy, sumama sa ibang attendees na lumabas. Magiinuman ata sila at dahil buntis ako at masyado ng pagod, nagpaiwan nalang ako.

Dalawang oras matapos ang dinner, naumay nako sa loob ng aming hotel room. Boring talaga kapag hindi ko kasama si Amy. Pumunta muna ako sa convenient store para bumili ng maiinom pero bigla akong natakam ng makita ang isle ng mga pagkain. Hindi naman ako nagugutom kanina pero ng makita ko ang mga egg sandwich para akong nagcrave bigla. Napabili tuloy ako.

Nasa cashier na ako ng tumunog ang bell sa pintuan ng store. Malakas ang tunog kaya napalingon ako doon. Nakita kong pumasok si Mr. Ybarra na naka sweatshirt at khaki shorts.

Agad kong binawi ang tingin ng lumingon ito.

Mabilis akong nagbayad at lumabas sa store. Pagkapasok ko sa lobby, dumaretsyo ako ng elevator. Saka lang ata ako nakahinga ng mabuti nang tuluyan ng magsara ang elevator.

Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali. Dahil ba sa pagkain o dahil kay Mr. Ybarra? Bakit naman dahil sa kaniya?

___

Sorry for the late update! Hope you liked it.

:)

One Night MistakeWhere stories live. Discover now