Chapter Seventeen

588 11 7
                                    

Tahimik akong kumakain ng aking egg sandwich habang nakatingin sa madilim na langit nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng garden.

Tatayo na sana ako pero narinig ko ang dalawang boses na parang nagaaway na. Hindi naman ako tsismosa pero mas nakakahiya kung makikita nila ako sa kalagitnaan ng pagaaway nila. Kaya pinili ko nalang na huwag gumawa ng ingay.

"You can't do this to me, Mamita. I'm trying to find her!"

"Just let her go, Rio! Tinakbuhan ka na nga ng babaeng iyon! I did not raise you to be this desperate!"

Narinig ko amg pinagbukas sara ng pinto bago ang malulutong na mura. Matapos non ay tahimik na muli. Sinubukan kong tignan kung may tao pa pero ang tanging nakita ko ay si Mr. Ybarra na nakaupo sa dati kong inuupuan.

Nanlaki ang mata ko ng maalalang nandun ang mga pagkain ko at ang aking room card. Sumilip uli ako at napamura saaking isipan ng magtagpo ang tingin namin.

"What are you doing there?" Nakakunot ang noo niya at halatang galit.

Patay ka, Elleanor!

"S-Sir." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Muntik pa akong maout of balance dahil sa pagmamanhid ng legs ko. "Hindi ko ho sinasadyang makinig. Kanina pa po ako nandito. Kumakain lang po ako ng sandwich at nagpapahangin." Tinuro ko yung sandwich ko na katabi niya. Tumingin siya roon bago ako tapunan ng tingin uli.

Yung tingin niyang binabalanse kung nagsasabi ako ng totoo.

"It's late." Tumayo na siya at lumabas na ng garden.

Napabuntong hininga ako ng tuluyan na itong lumabas. Nakakadalawang strike na ako sa kaniya. Nakakahiya. Bakit ba lagi nalang akong napapahiya sa harap niya.

Naabutan ko si Amy sa loob ng aming kwarto. Mukhang kakauwi niya lang at papasok palang sa banyo para magbihis.

"San ka galing?"

Nanlumo akong umupo saaking kama.

"Elle? May masakit ba sayo?" Bumuntong hininga ako bago umiling. "E bat ang lungkot mo? May nangyari ba?"

Doon ko na sinimulang magkwento kay Amy.  Simula yung nangyari noong welcome dinner hanggang sa nangyari kanina. Alam ko naman na sana iyon iniisip ng masyado, pero para saakin na nagtatrabaho sa maliit na resort na kailangan ng tulong sa malaking kumpanya, malaking bagay na. Kaya nga kami nandito ay para magkaroon ng good shot sa kumpanya nila tapos puro ganito pa nangyayari.

"Hindi ko naman sinasadya e. Nagpapahinga lang naman talaga ako kanina. Tapos... Tapos mukhang galit pa siya. Ni hindi ko narin natapos yung egg sandwich ko." Nagpunas ako ng pisnging may luha na. Di ko narin namalayan na umiiyak na ako.

"Anong iniiyakan mo? Yung egg sandwich o yung pagkagalit niya sayo?"

"Bakit ko naman siya iiyakan?"

"Ay nako. Kung hindi ka lang buntis, tatadyakan na kita." Umiiling itong pumasok na ng banyo.

Ha? Mas nakakalitong kausap si Amy. Humiga nalang ako sa kama ko. Di ko na namalayan ang paghila saakin ng antok.

Nagising ako kinabukasan sa pagyugyog ni Amy. Kahit inaantok pa ako, pinilit kong bumangon ng kama at maligo. Alasingko palang pero kailangan na naming bumangon kahit alas nuwebe pa ang start ng convention. Kaya napapaaga ang gising namin dahil kailangan kong kumain ng agahan. Madalas kasi ang pagsuka ko kapag hindi ako kumakain. Sabi naman ng doktor ko, normal lang dahil nasa unang trimester palang ako.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, bumalik na kami saaming hotel room para mag-ayos. Kumulo ang aking tiyan pagkapasok namin ng aming hotel room kaya napatakbo ako agad sa banyo. Sinalubong ko nanaman ang inodoro at doon inilabas ang gustong ilabas ng aking katawan.

Normal naman yung mga kinain ko kanina pero ganito nanaman ako. Naghugas ako ng bibig at nagsipilyo at lumabas na ng banyo.

Hindi ko pinahalata kay Amy ang pananakit ng aking ulo. Alam ko kasing pagbabawalan niya akong umattend ng convention.

"Umupo ka muna, Elle. Namumutla ka nanaman. Sigurado ka bang okay ka lang?" Tumango ako at ngumiti. "Magpahinga ka kaya muna? Tandaan mo, maselan ang pagbubuntis mo."

"Alam ko. Okay lang ako, Amy. Sabi nga ni doc normal lang ito diba?"

"Ay nako Elleanor. Ang tigas ng ulo mo. Basta sabihan mo ako kung hindi mo na kaya, okay?" Tumango ako ng nakangiti.

Papasok na sana kami ni Amy sa venue ng may isang babaeng lumapit saamin.

"Ms. Elleanor? Pinapatawag ka ni Madam Chairwoman. Sama ka nalang po saakin." Nagkatinginan kami ni Amy bago niya ako tanguan.

Malayo kami sa venue ng convention. Tila top floor ng mismong hotel ang pupuntahan namin dahil ibang elevator pa ang aming sinakyan. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Tumigil ang elevator sa 7th. May pumasok na babae na nginitian si Ms. Chris ang babaeng sinamahan ko. Tumingin rin siya saakin at nginitian ako. Nakascrub suit ito at may nakalagay na Tammy sa maliit na nametag.

"Ikaw yung nanalong muse no?" Tumango ako.

"Bakit pinapatawag ni Madam?" Siko niya kay Ms. Chris.

"Hindi ko rin alam."

"Ikaw ang kauna unahang nanalong muse na pinatawag ni Madam. Pero huwag kang kabahan, mabait naman si Madam." Ngumiti ito at kahit kinakabahan ako ay ngumiti parin ako.

Tumigil ang elevator sa 25th floor. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko ng papalapit na kami sa opisina ni Madam Chairwoman.

"Madam," unang lumapit si Ms. Tammy bago ituro kami ni Ms. Chris.

Nakangiti si Madam na lumapit saakin. Tinitigan niya ang mukha ko ng ilang segundo. Naconscious tuloy ako dahil sa pagtitig niya saakin.

"Finally." Nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako.

Anong nangyayari?







___

Hope you liked it!
Stay safe. 😊


One Night MistakeWhere stories live. Discover now