Chapter Thirteen

703 9 1
                                    

"Ate namumutla ka. Hindi ka ba nakatulog?" Ngumiti ako kahit na ang totoo ay masama talaga ang pakiramdam ko. Ilang araw ng mabigat ang pakiramdam ko pero hindi ko lang sinasabi sa kanila. Baka pag nalaman nila ay hindi nila ako papasukin sa trabaho. Sayang rin ang sweldo.

Nang tuluyan na kaming lumipat ng Dumaguete, doon unti unting nagbago ang aming buhay. Nagkaroon kami ng trabaho sa tulong nina Kuya. Binigyan kami ng trabaho sa resort na pinagtatrabauhan nila Kuya. Mababait naman ang mga amo namin. Bumalik rin ako at ang mga kapatid ko sa pagaaral. Tilungan kaming lahat ni Madam Aileen at Sir Robert- ang may-ari ng resort.

"Okay lang ako. Pumasok na kayo." Umupo na ako at hinipan ang kape na kina pa gawa.

"Sigurado ka ba?" Tumango ako kay Mae. "Aalis na kami." Ngumiti ako at kumaway sa  mga nakababatang kapatid. Papasok sila sa eskwela habang ako papasok muna sa resort bago sa eskwela.

Nang tuluyan na silang makaalis ay saka ko uli naramdaman ang pananakit ng aking sikmura. Wala pang ilang segundo ay napatakbo ako sa aming lababo.

Parang pinipilipit ang aking sikmura sa sakit. Wala pa nga akong nakakain ngayong araw pero eto nanaman ang tiyan ko. Mabuti nalang at wala akong kasama ngayon.

Hawak ko ang aking sentido ng makaupo uli. Kanina ang tiyan ang masakit ngayon naman ang aking ulo. Ilang araw na akong ganito at umiinom naman ako ng gamot pero hindi nawawala. Nagsimula lang ito noong magdalawang buwan kami rito sa Dumaguete. Ayoko namang magpatingin sa doktor dahil sayang lang sa pera.

Nasa ganun akong estado ng bumukas ang pintuan. Napaayos ako ng upo ng makita si Kuya Sandro na papasok ng bahay.

"Nandito ka pa?" Tumango ako at inisang lagok ang kape na hindi na mainit. "Ang daming tao ngayon. Palapit nanaman kasi ang summer." Gumawa ito ng sariling kape at umupo sa harap ko. Tumayo naman ako at hinugasan ang basong ginamit.

"Sabi sayo nay e. Pokpok nga yun." Narinig ko naman ang boses ni Kuya Eman. Pagkalingon ko ay sunod sunod na pumasok sila Kuya Eman, Nanay at Tatay.

"Ang ganda naman nung babae para maging gamitang babae. Sayang lang." Lumapit ako kina Tatay at nagmano.

"Namumutla ka ata, anak? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Napatingin rin tuloy saakin sila Nanay. Ngumiti ako kay Tatay at tumango. Kahit iniiwasan kong mapansin nila ako ay mas lalo lang ata akong napapansin. "Sigurado ka? Baka kinukulang ka sa tulog kakaaral."

"Okay lang ho ako, Tay." Pumasok na uli ako sa kwarto at nagbihis na ng damit.

Tama nga ang sinabi ni Kuya Sandro. Maraming guest ngayon sa resort. Nalalapit na nga talaga ang summer season. Hindi lang ang magandang beach ang pinupuntahan ng mga tao rito, marami kasing atraksyon rito kaya talagang dinadagsa kapag nalalapit na ang tag-init. May malawak na rancho kung saan pwede sumakay sa mga kabayo, may mga iba pang alagang hayop na pwedeng tignan ng mga naka check-in. May kalayuan rin ito sa syudad kaya bago ka pa makapasok sa mismong resort ay mabubusog na ang mata mo sa magandang tanawin.

Sa reception ang trabaho ko. Ako ang nakatoka sa pagsagot sa lahat ng tawag. Madalas room service at ang iba naman ay reservation.

Pagkarating ko sa Reception ay ngumiti ako kay Amy. Siya ang supervisor ko at kahit mataas ang pwesto nito ay ayaw niyang natatawag na ma'am dahil nalalapit lang naman daw ang edad naming dalawa at ayaw niyang magmukhang matanda.

"Elle! Buti dumating ka na. Ihing ihi na kasi ako."

"Pasensya na, Amy."

"Nukaba. Okay lang. Saglit lang ako." Ngumiti ito bago nagsimulang tumakbo. Bumalik rin naman ito ilang minuto pagkatapos.

Nakatayo lang ako at ngumingiti sa mga guest na nadadaan sa lobby. At sumasagot sa mga tawag na madalas tungkol sa mga activities na ginagawa ng resort. Kung tutuusin, madali lang naman ang trabaho ko. Ang medyo nahirapan lang ako ay sa paggamit ng computer pero nang tumagal na ay nasanay na ako.

"Ang daming guests ngayon. Hindi pa makakapasok si Marie." Napatingin ako kay Amy na pasimpleng inilabas ang kaniyang telepono.

"Anong nangyari kay Marie? Okay lang naman siya kahapon."

"Ang gaga, buntis ata." Mabilis na itinago ni Amy ang kaniyang telepono ng may lumapit na guest at nagtanong. Itinuloy ko nalang ang ginagawa ko sa computer na nasa harap.

Nang sumapit ang lunchtime, sabay kaming pumunta sa locker ni Amy. Nakasalubong pa namin si Kuya Sandro na kinindatan si Amy. Sinuntok naman ni Amy ang braso nito na nagpatawa kay Kuya habang hawak ang braso.

Madalas silang ganito dalawa, hindi niya tuloy alam kung nagaasaran ang dalawa o may pagtingin na sa isa't isa.

Sa locker room nila ay may maliit na pantry. Mayroon ref at paglutuan doon para sakanilang mga tauhan.

Si Tatay ang madalas na nagluluto ng pangtanghalian namin. Pinagbawalan na kasi ito nila Kuya na magtrabaho dahil nga naoperahan ito sa ulo kaya siya na ang laging naiiwan sa bahay.

Umupo si Amy sa harap ko at binuksan ang kaniyang baunan. Tuwang tuwa pa itong pinakita saakin ang kaniyang baon. Nakangiti pa ako pero ng maamoy ko na ito ay parang babaliktad ang aking simura. Hawak ko ang bibig kong tumakbo papasok sa cr. Agad kong inilabas ang dapat kong ilabas.

Hindi naman ito ang unang beses kong makaamoy ng paksiw pero bakit ako nagkakaganito?

Hindi...

____

:))

One Night MistakeWhere stories live. Discover now