"Alam ko na ang gulo ngunit ito lamang ang isipin mo. Ang mga bagay na nakakalugmok saiyo ay ayun ang gamitin mong instrumento upang gawin mo ang mas nararapat para sa sarili mo" wika ni Ashley.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi pa rin ako humihiwalay sa pag kakayakap ko kay Ashley dahil kahit papaano ay komportable ako sa ganito.

Ang lawak ng pag iisip ni Ashley, hindi ko akalain na ganito s'ya ka-mature. Inaamin ko na napagaan ni Ashley ang aking loob at kahit papaano ay guminhawa ang aking pakiramdam.

Kahit na hindi ko sinabi ang aking problema at wala s'yang kaalam alam kung ano ba ang aking pinag dadaanan ngunit ang laki ng kanyang tinulong sa'kin.

Kahit na hindi pa ganon katanda ni Ashley ay may alam na kaagad s'ya sa buhay kumbaga mulat na s'ya sa takbo ng buhay.

"Ate. Hindi sa nang hihimasok ako sa inyo ni Rio ngunit mas maganda siguro kung kakausapin mo muna s'ya at tanungin kung ano ba talaga ang nanyare" saad ni Ashley.

Napahiwalay ako sa pag kakayakap kay Ashley at biglang nag isip. Hindi pa ba sapat ang aking nakita? May mali pa ba roon o may hindi pa ba ako nalalaman?

"Bumaba ka na at kausapin mo si Kuya Rio" wika n'ya at hinatak ako papatayo sa aking kama "mag hilamos ka na rin muna bago ka bumaba huh" dagdag pa n'ya.

Hindi na 'ko nakapalag ng itulak n'ya ako papasok sa aking banyo.

Pag pasok ko sa banyo ay agad ako sumilip sa salamin upang masilayan ang aking itsura. Magang maga ang aking mga mata at hindi ko na rin maimulat ng maayos.

Nag hilamos ako at nag suklay. Hindi na 'ko na ayos pa dahil wala na rin naman ako gana.

Sinarado ko ang aking pintuan at bumaba. Kumuha ako ng lakas ng loob para harapin si Rio. Sobrang sariwa pa rin ang nanyare kahapon at hindi ko maiwasan na masaktan.

Nasilayan ko s'ya na nakaupo sa amin sala habang kausap si Ashley. Nang mapansin nila ang aking presensya ay natigilan sila sa pag uusap.

Nang tumingin sa'kin si Rio ay nahinto ako sa pag lapit sa kanila. Nakatitig lamang ako sa mga mata. Kitang kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan na kayang dinarama.

Katulad ko ay maga rin ang kanyang mata at halatang wala pang tulog. Ngumiti s'ya mapait sa'kin.

"Ate, umupo ka na muna rito" wika ni Ashley. Lumapit s'ya sa akin at pinaupo ako sa tabi ni Rio.

"Mag usap muna kayo. Ayusin n'yo 'yan" Saad ni Ashley at umalis na rito sa sala.

Nang makaalis si Ashley ay hindi naman ako makatingin kay Rio ng deretso, hindi ako komportable sa presensya n'ya ngayon.

"Faith" mahina n'yang saad. Hindi ko alam kung kailangan ko bang masalita at kung ano ang nararapat kong gawin.

"Alam ko na nasaktan kita kahapon ngunit mali ang iyong iniisip" saad n'ya sa'kin. Hindi pa rin ako umimik at hinayaan s'yang mag salita.

"Hindi ko ginusto ang nanyare, kahit ako ay nagulat rin sa ginawa ni Marina. Kung iniisip mo na pinag tataksilan kita, nag kakamali ka. Hindi ko kayang gawin sayo 'yon" huminto s'ya saglit at nang buntong hininga. "Nakwento ko lahat kay Ashley kanina. Patawarin mo 'ko kung umabot sa ganito ang lahat" dagdag pa n'ya.

Natamihik kami panandalian. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat ko sabihin ngunit kita sa kanyang mukha ang pag sisisi sa nanyare.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Mahal na mahal kita" saad n'ya.

"Bakit naroon si Marina?" Tanong ko muli. Ngumiti lamang ako sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Nagulat rin ako na naroon s'ya" Saad n'ya. Napataas ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi.

"Ako nga hindi nakakapasok sa kwarto mo na basta-basta. Pag tapos s'ya ganon-ganon lang"

Natahimik s'ya at nag isip ng sasabihin sa'kin. Napakunot ang aking mga noo at hinintay ang kanyang paliwanag.

Nakakainis lang dahil parang hindi naman patas 'yon. Ako ang nililigawan pero may gumagawa ng mga ganon bagay sa kanya. Ang malala pa ay hinahayaan lamang n'ya.

"Huwag ka na mag paliwanag" Saad ko sa kanya at nabuntong hininga.

Napatunayan ko na ngayon na hindi ako ganon kaimportante para kay Rio. Hindi n'ya agad masabi sa'kin ang dahilan kung bakit naroon si Marina. Ganon ba 'yon kahirap? Siguro nga ay hindi dapat ako umakto na ganito dahil nililigawan lamang ako at hindi naman kami.

Wala naman ako magagawa kung ganito ang sitwasyon siguro ay dapat tanggapin ko na lang kahit na mahirap.

"Umuwi ka na. Okay na 'ko" saad ko at tumayo na. Balak ko na s'yang iwanan rito sa baba dahil hindi ko kaya makita ang kanyang pag mumukha.

Sobra akong nanlumo, akala ko mahalaga ako yun pala ay hindi. Ang hirap na umasa na mahalaga ka dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan.

"Faith. Huwag naman ganito" pag mamaka-awa nya sa akin.

"Anong huwag ganito? Hahaha ayos na tayo diba" Saad ko at tumawa na parang tanga. Gusto ko sana sampalin ang pag mumukha ni Rio upang magising s'ya sa kanyang mga pinag gagawa ngunit baka mas lalo lang lumala.

"Halata naman na hindi pa rin tayo okay. Hindi ka naman ganyan"

"Mali ka! Ganito ako dati pa" Saad ko at tinalikuran s'ya.

Tinawag n'ya muli ang aking pangalan ngunit hindi na 'ko humarap pa. Okay na siguro na ganito, Wala naman ako magagawa pa.

Mahal na mahal ko si Rio ngunit sakit lang ang dala n'ya sa'kin. Ito ata ang tinatawag na maling pag ibig.

Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat kahit na meron namamagitan samin dalawa. Akala ko magiging maayos lang ang takbo namin ngunit nag kamali ako.

Hindi'man lang n'ya nagawang sagutin ang aking tanong. Mahirap bang sagutin kung bakit naroroon si Marina? Nakakalungkot lang parang lumalabas pa ay mas mahalaga si Marina kaysa sa akin.




















VeracityWhere stories live. Discover now