Napailing ako dahil sa kanilang dalawa. Grabe. Ang babastos ng bunganga. Hindi 'man lang nahiya na baka may makarinig sa kanila.

"Hinaan niyo naman boses niyong dalawa. Nakakahiya sa mga makakarinig." seryosong saad ni Dike

Napatango ako. "Wala 'man lang kapreno-preno." segunda ko

"Let's play na lang. Naboboring ako ee." ani Dike

"Ano? 10 questions na naman?" Selene asked

"Oh alangan namang bato bato pick." pang babara naman ng isa.

Mahina akong natawa. Pwede naman ang bato bato pick, kaso boring din. HAHA

"Hindi na kayo makakapag laro girls. Break time na." seryosong sambit ni Juno

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Juno's right. Break time.

"So, saan tayo?" Cassandra asked

"Canteen. Nakaka
stress kayo kausap ee." sagot naman ni Dike.

Mahina akong napatawa. Totoo naman kasi. "Susunod ako. Pupunta lang ako sa Library." saad ko

"Samahan na kita." suhestiyon ni Juno

Ngumiti ako sa kanya. "Wag na. Mauna na kayo."

Hindi ko sila pinagsalita pa at nauna na kong lumabas dala ang gamit ko. Naisip ko kasing idonate ang mga novels ko sa Library tutal natanggap naman ang library ng donations.

Ngumiti lang ako Mrs. Ledezma, ang librarian ng makarating ako sa loob. Hinanap ko lang ang part kung saan pwede kong ilagay ang librong dala ko. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at bumili pa ko ng libro kahit na napanood ko na naman ang mga story na 'to. Napailing na lang ako. Nakakahawa din talaga pag si Venus ang kasama.

Saglit pa kong nagtingin-tingin sa mga libro dito. Wala naman sigurong masama kung magbabasa muna ko saglit. Tutal, hindi naman ako nagugutom. Naghanap lang ako ng magandang babasahin bago pumwesto bandang likod. Mas maganda na dito pumwesto, hindi masyadong pinupuntahan ng estudyante kaya tahimik.

Ilang page palang ang nababasa ko when I felt s sof hands wrapped in my waist. I smiled. Kilalang-kilala ko na.

"What are you doing here?" nakangiting tanong ko habang patuloy na nagbabasa

"I want to see you. Sabi kasi sa'kin ni Dike, nandito ka daw." sagot niya

I squeezed her hand and gently pinched it. "Have you eaten?" tanong ko

She shook her head. "Gusto ko kasi kasabay ka." malambing na sagot niya.

Mahina akong napatawa. "I'm not hungry."

"Hindi din naman ako gutom."

I looked at her, smiling from ear to ear. "Really?"

she nodded. "Oo naman."

I jokingly pinched her nose. Tumayo na ko para ibalik ang libro sa shelf. Hindi na rin naman ako makakapag basa dahil panigurado, kukulitin niya lang ako.

"Nagdonate ka ng books?"

Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa gulat. Hindi ko namalayang sinundan niya pala ko. "Oo. Kesa naman itambak ko lang sa kwarto ko." sagot ko

She nodded slowly. "Sabagay. Pwede na din."

"Hindi kaba mahilig magbasa ng novel?" tanong ko

She smile at me. "Hindi ee. Mas busy ako sa paggawa ng plates. Wala akong oras para sa pagbabasa." nakangiting sagot niya.

Ako naman ang napatango ngayon. Oo nga pala. Sobrang busy niya dahil sa plates. Minsan nga nagtataka na ko, ang dami niyang oras na binibigay sa'kin. "Diba, nagsite visit na kayo?" tanong ko pa.

"Yeah." nakangiting sagot niya sa'kin.

"Saan kayo nagsite visit?" tanong ko ulit

"Sa Batangas port." sagot niya

"Hindi kaba nahihirapan? I mean, sa course na kinuha mo." tanong ko pa.

"Nahihirapan, pero ginusto ko 'to ee. Pangarap ko 'to."

Kinurot ko naman ang pisngi niya. Napaka cute naman talaga. Noong time na pinakilala niya ko sa parents niya, doon ko napansin na kay Tita Jupiter niya namana ang dimples niya. Parehos silang may malalim na dimples sa magkabilang pisngi.

"Penelope."

"Hmm?"

"Can I kiss you?" she softly asked

Natigilan ako bago nilibot ang paningin ko sa loob. Walang tao sa pwesto namin. Pero syempre, nakakatakot naman. Pano kung may makakita sa'min dito diba?

I was caught off guard when she pulled me closer to her. Muntik pa kong mapasigaw pero buti na lang napigilan ko.

I wrapped my arms around her neck when she started kissing me. Wala na kong nagawa kundi ang tumugon na lang.

We kissed passionately. Napahigpit pa ang kapit ko sa ulo niya para idiin siya sa'kin.

Oh. my. gosh! Hindi ko mapigilan. I felt.. hot.

I'm the one who pulled out a kiss when we needed an air.

"That's hot." hinihingal na bulong niya

Mahina akong napatawa bago pabirong hinampas ang braso niya. "Pilya. Pano kung may makakita sa'tin?"

"Wala namang nakakita." nakangiting sagot niya

Umirap ako. "Paano nga kung sakaling may nakakita sa'tin."

"Wala naman ee."

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Napaka pilya naman talaga.

"Anong sunod mong klase?" pagiiba ko ng usapan

"Calculus." she simply said

"Wow." napangisi ako. "Favorite mo?" tanong ko pa

"Oo. Favorite kita." nakangiting sagot niya sa'kin.

Umirap ako. "Napaka harot mo talaga. Kanino kaba nagmana?"

"Kay mommy Ceres." barumbadong sagot niya sa'kin.

Napahilot ako sa sintido ko. Grabe. Napakakulit niya talaga. Mas makulit pa siya sa inaakala ko.

"Umalis kana nga. Nabubwisit lang ako sayo."

Pero ang gaga, tinawanan lang ako. Kinurot ko siya sa braso niya. Kung hindi lang talaga siya cute, ay nako.

"Galit kana niyan?" nakangiting pang-aasad niya sa'kin.


Inirapan ko siya. "Oo. kaya umalis ka sa harap ko at baka mahalikan kita."

Bahagya siyang nagulat pero kalauna'y ngumisi din sa'kin. Nakagat ko ang loob ng pisngi ko ng marealize ang kagagahang sinabi ko. Damn it! Nakakahiya!

"Hindi ako aalis." nakangising sagot niya

Napaiwas ako ng tingin. "Oh edi ako ang aalis."

Akmang aalis na ko when she immediately grabbed my hand. I was caught off guard she pulled me and kissed my lips.

I kissed her back. Gosh. I can't resist her hotness. Ang malambot niyang labi na gustong-gusto kong angkinin.


Damn it!


Napaka rupok ko.

---

short update:)

MistakeWhere stories live. Discover now