[10]

79 27 8
                                    



Lumipas Ang mga araw at linggo, Sa mga nag daang araw na iyon heto ako at masaya, Simula ng mapalapit ako kila Haze at Bea Wala na ding ibang lumalapit sa akin, Wala nang nambubully. Oo masaya ako pero Hindi ko maiwasang makaramdam Ng kakaibang kutob, Ewan ko ba sa sarili ko at masyado nang kakaiba Maliban sa Kung ano-anong iniisip e may sakit nadin ata sa puso, Iba Kasi Ang tibok kapag nandiyan si Haze.








Tanghaling tapat ng sabay kaming lumabas ni Haze sa room, Hindi ko Alam Kung bakit kakaiba at tahimik Ang klase namin pag dating sa akin, Pero mas Lalo pa akong napaisip Ng makasalubong namin si Thea.






Akala ko ay sasabunutan nya ako o kahit sasabihan man Lang Ng masasakit na salita, pero Hindi, Nilagpasan nya Lang kami Ng may kakaibang ngisi sa mga labi.


















"What do you want to eat?"
Nakapalumbaba niyang tanong.





Huminga ako ng malalim, Hindi na nga dapat ako sasabay Kay Haze Kasi lagi nalang libre ang pagkain nakakahiya na! Tapos mag kakaroon na ata ako Ng sakit sa puso tuwing kasama ko sya, Kaso heto Nakita nya ako Hindi naman ako makatanggi kasi baka isipin nya Maarte ako.






"Kahit ano Basta masarap" Mahina Kong Sabi habang naka iwas ang tingin, Grabe naman Kasi sya Kung makatitig nakakailang tuloy. Bukod doon Ramdam ko din Ang tingin sa Amin ng ibang tao dito, Hindi nga nila ako Binubully pero Kung makatingin naman sila Parang gusto nila akong kainin ng buhay.





"Okay" Nakangiti nyang Sabi at bumili na, Hindi na sya pumila Kasi sila naman daw ang may ari ng school, Pati kahit naman ata hindi sila ang may ari ng school sure padin akong tatabi parin ang mga nakapilang estudyante para kasing patay na patay sakanya Ang lalagkit pa Kung makatingin.





Kami nga Lang pala ang mag kasama ni Haze Kasi sa hindi malamang dahilan hindi Pumasok si Bea, Ewan ko ba doon at hindi nag rreply sa chat ko.
















Nang Matapos kaming kumain dumiretso agad kami sa may garden Kung saan ang tambayan namin, Dahil kami Lang dalawa ni Haze ang mag kasama mas Lalo Lang akong nailang Mabuti nalang at tumunog na kaagad ang bell hudyat na tapos na ang lunch. School went smoothly Wala kaming masyadong activities na ginawa puro discussion Lang ang mga teacher, I feel relieved ng Hindi mag pa assignment ang mga teacher buti naman at makakapag pahinga agad ako.






Mag kasabay kaming nag-lalakad ni Haze papuntang parking lot, Sabi nya kasi ngayon daw ay sasabay sya sa kuya nyang college na, Ako naman ay Hihintayin si Manong.






"Ahm Alam mo ba ang dahilan Kung bakit Hindi Pumasok si Bea?" Basag ko sa katahimikan, Napatingin ako sakanya Ng matagalan Ang sagot.





He look bothered at the same time frustrated, "Siguro natamad Lang" Maikli nyang sagot kaya napa tango nalang ako.






Wala nang nagsalita pa sa amin hanggang sa makita na ang kanya-kanyang sundo, Bago sumakay ay nag paalam muna ako sakanya Nakatanaw pa kasi sya sa akin hanggang sa umandar ang sasakyan at maka-alis na kami.


𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐞𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐢𝐧𝐟𝐮𝐥 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Where stories live. Discover now