[3]

114 36 31
                                    




Habang naglalakad Ramdam ko din Ang mga matatalim na tingin sa akin Ng mga estudyante



Bakit ba sila Ganyan makatingin?



Papasok na Sana ako sa canteen para Sana bumili Ng pagkain Ng may humila sa akin





Lima silang babae, Katulad Ng mga Tao kanina Ang sama din Ng tingin nila sa akin






"B-Bakit Po?" Hinila nila ako papunta sa may likod ng school, Kilala ko Ang mga babaeng Ito Hindi Ito Ang unang beses na hinila nila ako dito





"Ang kapal talaga nang taba mo noh?!, Bakit suot suot mo yang jacket Ng boyfriend ko!!" Kaagad akong napa atras sa sigaw nya




Kahit punit Ang blouse ko Dali Dali ko padin itong hinubad, Ayaw ko nang masaktan uli Nakakatakot sila




Tsaka ko Lang nalaman na jacket nya pala Ito sa basketball Kaya may apelyido sa likod




'Han'





Kaagad nyang hinablot Ang jacket, Pagkatapos ay sinenyasan nya Ang mga kasama na hawakan ako

Kaagad akong napa atras kaso nahablot ako nung babae





"T-Thea Hindi ko naman s-sinasadya e,
Kung a-alam ko Lang na may g-girlfriend pala iyon Sana Hindi Kona tinanggap.. Yung  j-jacket" Tinaasan nya ako Ng kilay at unti-unting lumapit



Kaagad akong nakatanggap ng dalawang malutong na sampal, Hindi ko na napigilan Ang pag agos Ng mga luha ko,



Mangyayari nanaman ba iyon dati? Ayaw ko nang pumunta sa hospital at mag dahilan kila papa..




"T-Thea p-parang awa mo na... N-Napunit Lang Kasi y-yung b-blouse ko.."



Kaagad syang ngumisi "Napunit Lang?! Napunit Ang blouse mo!! Napaka landi mong babae ka! Akala mo ba magugustuhan ka ni Haze?! Para sabihin ko sayo! Isa ka Lang matabang babaeng ubod Ng panget!! Walang magkakagusto sayo!"



Nasasaktan ako, Ang sakit Ng mga sinabi nya, Malandi ako? Oo mataba ako, Oo kapag tumitingin ako sa Salamin nakikita Kong pangit nga ako! Pero kahit kailan Wala akong nilalandi.. Hindi ako Malandi.. Jacket Lang ba iyong kinagagalit nya? B-Bakit Kung makapag Salita sila ganoon na ako kabasura?




"P-Patawad Thea.. p-pangako Hindi na ako lalapit sa inyo sa i-inyong lahat!" Kaagad nyang hinawakan Ang baba ko



"Dapat Lang!! Sa susunod na mangyari toh! Hindi lang Yan Ang gagawin ko! Tandaan mo Yan ha?!" Malakas nila akong tinulak dahilan para tumama Ang tuhod ko sa bato




Naiwan akong mag-isa.. Ako Lang naman Yung Tao dito Kaya pwede kong ilabas lahat Ng sakit?




Hindi lang Ito Ang problema ko, Marami akong problema. Sa Paaralan, Sa bahay, Sa pamilya, Sa mga taong nakapaligid sa akin at sa sarili ko..




Paghindi ka ba maganda Hindi kadin ba karapat dapat igalang? Naalala ko Ang nangyari kanina



Yung Joey ata pangalan non Yung galit sa akin, Nung dumating si bea halos pag silbihan nya..kase maganda, Ako? Porket ba mataba ako at panget Kailangan panget din Ang trato sa akin? Kapag maganda Kailangan igalang? Paano naman kami? Babae din naman ako ha? May puso din naman ako.. nasasaktan din naman ako..




Ang dami Kong iniyak, Ang dami Kong tanong, Ang dami Kong tanong Kung bakit ako ganito? Kailangan ko bang magpaganda at magpapayat para Lang sakanila?



Kapag ba maganda na ako gagalangin din ako?



Kailangan ko pa bang magpaganda para irespeto?









Hindi ako nakapasok sa apat pang subject, Nandito padin ako sa likod nakatulala, Ubos na Ang luha ko.. Wala na akong maiyak, Ramdam ko Ang pamamaga ng mata ko, Wala nang bago Parati naman akong umiiyak





Narinig ko Ang pagtunog Ng bell, Ibig sabihan ay tapos na Ang klase sa araw na Ito, Tapos na Ang oras ko dito, Ngayon? Ano naman Ang problema sa bahay? May problema nanaman ba?


Tumayo na ako para kunin Ang bag ko sa classroom



Ramdam ko Ang pagtawa Ng mga nakakakita sa akin, Wala na akong pake
Unang klase palang ganito na Ang nangyari sa akin, Paano pa Kaya sa mga susunod na araw?


Dire-diretso akong Pumasok Ng classroom, Rinig ko nanaman Ang pagtawa nila, Sira Ang blouse ko, Madumi Ang uniform ko, may sugat ako sa tuhod at halatang umiyak ako.



Mukha akong basura, Mukha na pala akong basura sa mga Mata nila





Pagkatapos Kong makuha Ito ay patakbo akong umalis, Nakakapagod Oo, Pero araw-araw ay ganito Ang nagyayari sa akin,
Iiyak ko Lang Ito SA bahay tapos Siguro tapos na.











"ANO NA NAMANG NANGYARI SAYO?!" Sigaw ni papa Ng Makita Ang itsura ko



"N-Nadulas Lang Po ako.."  nakayuko na ako, magagalit na naman sya

"Ano?! Gaano ka ba kalampa at araw-araw Kang nadudulas?! Nakakahiya ka talaga lily! Parehas kayo Ng nanay mo! Wala kayong mga dulot!!" Kaagad syang umakyat sa taas


Oo may taas kami, Oo mayaman nga Ang pamilya namin, Pero Hindi nga pala ako kabilang sa pamilya nila



Papa ko Ang sikat na business man sa buong Asia, May ari sya Ng mga five star hotel, Sya Si Heon Chean at ako naman si Iya Santiago.



Ganoon nya ako kinahihiya, Ayaw nyang ipagamit sa akin Ang apelyido nya, Nahihiya syang malaman Ng lahat na may anak syang katulad ko, Panget, Mataba at walang Wala sa desente nyang ayos.



Apelyido ni mama Ang gamit ko, Matagal nang patay si mama, Matagal na ding ganyan si papa..




Lahat sila ayaw sa akin






Pati sarili ko Hindi ko gusto




𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐞𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐢𝐧𝐟𝐮𝐥 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon