[7]

95 30 8
                                    






MONDAY, Tuesday, Wednesday, Thursday And Friday. Walang pinagbago, Bully dito, Bully Doon.








Problema dito, Problema Doon. Nakakapagod na..  Napapagod na ako.       Sa mga nag daang araw na iyon paulit-ulit Ang mga nangyari.









Pero kahit ganoon ang nangyayari meroong dalawang tao na dumating, Pinaparamdam sa akin Kung ano ba ang feeling ng magkaroon Ng kaibigan.








"ANO BA ANG NAGAWA SA INYO NI IYA AT GINAGANITO NYO SYA?!!" Malakas na sigaw ni Bea,  Nandito kami ngayon sa canteen.








Mag oorder na Sana ako Ng pagkain Ng may tatlong babae Ang humarang sa akin, Walang pasabi-sabi nila akong tinapunan ng mainit na kape, Buti nalang at Nakita ako ni Bea..








"Eh ikaw bea?! Bakit kaba nakikipag-kaibigan sa baboy nayan?!" Matapang na sigaw nung babae sa gitna.








Napayuko ako, Yeah right Bakit ba ako ipinagtatanggol ni Bea? I'm just a nothing but a trash.








"ANONG SINABI MO?!!  IMPAKTA!!"  Napasigaw ako ng Dali daling sinabunutan ni Bea Yung babae sa gitna.








Sa maikling araw na nakasama ko sya Nakita ko na matapang syang babae Pero walang-wala ang tapang mo Kung madami naman ang kaaway mo!!, Pinagtutulungan sya Ng mga Ito!!








"T-Tama nayan!!" Wala akong magawa Pinagtitinginan Lang kami ng mga Tao na animo'y nanonood ng sabong sa kanto, Imbis na umawat ay ganito ang ginagawa nila!!. Sinubukan Kong hilahin Ang Isa sa mga sumasabunot Kay Bea pero malakas lang akong tinulak nito.








"O-Ouch!" Daing ko nang tumama Ang pwet ko sa matigas na sahig ng canteen.









"WHAT THE F*CK?!!!" Napa angat ako Ng tingin Ng may kamay na umalalay sa akin patayo.








"ANONG NANGYARI?! AYOS KA LANG BA?" Kaagad akong tumango at itinuro Ang Pinagtutulungan pading si Bea







"Haze! Awatin mo sila.. please!" Kaagad syang lumingon Doon at patakbong lumapit.








Kaagad nyang hinila ang isa sa mga babae, Inis itong lumingon sakanya, Pero Ng mapagtanto Kung Sino Ito ay mabilis nadin itong umawat sa mga kaibigan.







"J-Jen! Abie! T-Tama na!!" Parang walang naririnig Ang dalawa pa nitong kaibigan.









Napatakip ako Ng bibig ng malakas na itinulak ni Bea Ang dalawa, Gaganti pa Sana Ito Ng mag salita si Haze.








"You three should never show up at this school.. NOW! LEAVE!!" Kaagad mabilis na tumakbo Ang dalawang babae,








"H-Haze.. P-Please wag mo naman itong g-gawin.. please Haze!" Pag mamakaawa Ng nasa gitnang babae kanina, Jen ata ang pangalan nya.









"Are you stupid? Didn't you hear what I said? I SAID LEAVE!!" Parehas kaming nagulat ni bea na ngayon ay nasa tabi Kona, Nakakatakot si Haze para syang papatay ngayon.








Kaagad na tumakbo Ang babae habang umiiyak, Lumapit na naman sa Amin si Haze.







"Sorry.. Sana Hindi nalang ako umalis"
He said in a husky way.
























"SARAP SAPAKIN TALAGA NONG JEN NA IYON!! MATAPANG LANG KASI MARAMI SILA!! PAGTULUNGAN BA NAMAN AKO?!!"









Nandito kami ngayon sa garden Ng school, Madalas ko itong tambayan kaya inaya ko sila dito, Nakaupo kaming dalawa ni Haze sa malaking bato, Habang si Bea naman ay nakatayo at kanina pa nagsasalita about sa nangyari kanina.








"ABA!! NANGGIGIGIL AKO!! SARAP INGUDNGOD SA KANAL!!" Natawa ako sa sinabi nya, Hahaha baliw talaga.









"Panong gigil?" Kaagad na sinamaan Ng tingin ni Bea si Haze








"Bwiset ka!! Panira hmp!"








Tawa Lang ako Ng tawa habang nag kwekwento si Bea, Bagay na nagpapagaan Ng loob ko.









"Hoy! Iya ikaw naman ang mag kwento, Kanina pa ako salita ng salita dito! Sige ka baka mapanis ang laway mo"










"Ano naman Ang ikwekwento ko? Kung Paano ako matulog at kumain? Walang masyadong ganap Ang buhay ko Bea"









Kaagad syang lumapit sa akin
"Hindi ka man Lang lumalabas?" Tumango ako.









"Ang boring naman Ng buhay mo! Tara sa Friday sama ka! Gala tayong tatlo tas libre ni Haze Yehey!!" Kaagad akong natawa sa sinabi nya, Ito namang si Haze ay binatukan si Bea.









Kapag kasama ko sila puro tawa Lang Ang ginagawa ko, Kapag kasama ko sila lagi Lang akong masaya, Kapag kasama ko sila nakakalimutan ko Kung ano ang realidad ko.








Nag Papasalamat ako at nakilala ko sila, Sana Hindi na Matapos ang araw na Ito.








𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐞𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐢𝐧𝐟𝐮𝐥 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon