[5]

94 37 35
                                    



Nang imulat ko ang aking mata Bumungad sa akin ang puting kisame, Pinaglandas ko ang paningin sa kwarto, Isang private room.




Mukhang mas comfortable Ang kwartong Ito kesa sa na una kong silid nang ma ospital ako dati





Ngunit kahit gaano man ka komportable Ang silid na Ito Hindi nito matatakpan na mag-iisa nanaman ako sa malamig na kwartong Ito, Walang tao, Wala akong kasama kahit Isa, Wala man Lang bang naka alala sa akin? Alam ba Ito ni papa? Kung Alam Niya bakit Hindi man Lang nya ako binantayan kahit pilit lamang? Sabihin na nating natatakot ako sa sasabihin Niya at gagawin pero masisisi niyo ba akong hahanap hanapin Ang aruga ng isang ama?





Kasama ko nga siya ngunit bakit Hindi ko maramdaman? Kahit Mali minsan naiisip ko na Sana sinama nalang ako ni mama sa langit tutal Wala din naman akong silbi sa mundong Ito.





Bumuntong hininga ako,
Iya?! Bakit Hindi ka pa ba masanay-sanay?! Wala naman nang pinagbago diba?!






Natigil ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto, Na gulat ako ng iniluwa nito si Haze



B-Bakit siya nandito?





"Hey!, Masakit pa ba Yung ulo mo? Tatawag ako ng doctor"


Lumapit sya sa may table at Nilapag Doon Ang mga pinamili niyang pagkain at prutas Pagkatapos ay humarap siya sa akin, Nakaramdam ako nang gulat ng makitang may pag alala Ang mata Niya, Ngunit sa huli ay pinag sawalang bahala ko nalang iyon


Ayokong mag assume Ng Kung ano ano



"Mabuti naman at gising kana" Nanatili akong tahimik, Oo sya ang nagdala sa akin dito, pero Hindi ko din Alam na sya ang magbabantay sa akin


Bakit? Baka hinahanap na sya Ng mama nya, Atsaka Hindi nya naman ako responsibilidad,




P-Pero Hindi ko maiwasang matuwa lalong Lalo na at sa paggising ko ay may taong bubungad sa akin at kakamustahin ako bagay na ngayon ko Lang naranasan simula nang mawala si mama..





"S-Salamat.. Kuya Haze" Agad syang napatingin sa akin, Kung kanina ay bakas ang pag alala sa mukha nya ngayon naman ay napalitan ng pagkunot nuo


Huminga sya ng malalim



"Hindi ko Alam Kung anong magiging reaksyon, Ngingiti ba o maiinis" Nag taka ako sa sinabi nya





B-Bakit? May nagawa ba akong Mali? Nag Pasalamat Lang naman ako huh?



"B-Bakit Po?.. M-may nagawa Po ba akong masa--" Hindi nya ako pinatapos



"No, Wala Kang nagawang Masama ok?" Mabilis na sagot nya





Nawala naman agad Ang kaba ko nang sabihin nya iyon, Buti naman at Wala.
Hindi na ako muli nag salita Hindi nadin sya nagsalita at prenteng umupo sa may sofa, Agad akong nakaramdam ng pagkailang Ng maramdaman Ang titig nya sa akin, Nakahalukipkip sya habang matiim na Nakatingin sa akin





Unti inti ko syang sinulyapan, Tama nga ako Ganoon Ang ayos nya,



Dumaan Ang ilang minutong katahimikan Hindi man Lang sya gumalaw sa pwesto nyang iyon





Hindi nya ba Napapansin na naiilang ako sa titig nya?





Sa huli ay ako na Ang bumasag sa nakakailang na katahimikan





𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐞𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐢𝐧𝐟𝐮𝐥 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon