"Itatanong ko lang kasi sana kung may alam siya sa kinaroroonan ni Rush ngayon?"

"Bakit? Tawagan mo kaya siya? O baka naman busy lang. May problema ba? Bago pa lang kayo naging magjowa kanina ah? Away kaagad?" nagtataka niyang tanong. 

Napilitan akong sabihin sa kaniya ang nangyari sa bahay kanina. Nagulat siya sa kaniyang nalaman.

"Wait, pupuntahan ko lang si Kuya sa kaniyang kuwarto." 

Rinig ko sa kabilang linya ang kaniyang pagmamadali. Ilang minuto rin tumahimik bago ko narinig ang boses ni Kuya Jin.

"Xophia?"

"Hi po, Kuya Jin. Pasensya na po sa abala. Itatanong ko lang po kung alam mo kung nasaan si Rush?"

"Hindi ko alam, Xophia. Wait, itatanong ko muna sa kaniya kung nasaan siya. Gusto mo bang sabihin ko na hinahanap mo siya?"

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Huwag po Kuya Jin. May pinag-awayan lang kasi kami kaya hindi ko siya makontak ngayon."

"Sige. Sasabihin ko na lang kay Mariel kung may reply na mula kay Rushvel."

"Thank you, Kuya Jin."

"You're welcome, Xophia. Sana maayos niyo kaagad ito ni Rushvel."

Nawala na sa kabilang linya si Kuya Jin na pinalitan kaagad ni Mariel. Madami pa siyang tanong, lalo na kung ano ang plano ko ngayon. 

Hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang gagawin ko.

Ilang sandali pa'y sinabi na niya sa akin ang lokasyon ni Rush. Wala na akong sinayang na oras pa at nagmadali ng lumabas. 

Mabuti na lang at maagang natulog si Mommy ngayon dahil sa sobrang pagod.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan. Hindi ko na inabala pa ang aming driver dahil kaya ko namang magmaneho. 

Nasa SRP ngayon si Rush. Medyo malayo ito mula sa amin pero dahil hindi mabigat ang trapiko ay nakarating ako kaagad doon.

Mabuti na lang at nakapagsuot ako ng blazer. Sinalubong ako ng malamig na hangin. 

Rinig ko ang mararahas na hampas ng mga munting alon sa dagat. Madilim dito dahil matagal na itong napabayaan.

Hinanap ko kung saan banda si Rush. Hindi ko siya nakita kaagad dahil sa sobrang dilim dito. Wala na ring masyadong dumadaan na mga sasakyan sa highway.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko siya sa wakas. Nakatulala lang siya sa gilid. Nakaharap sa dagat ngunit wala rito ang atensyon niya. Nilapitan ko siya.

Naramdaman niya siguro na may papalapit sa kaniya kaya tumingin siya sa direksyon ko. Nabigla siya ngunit kaagad niya itong itinago. Muli siyang tumingin sa dagat.

Mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang umupo ako sa kaniyang tabi. Tinignan ko rin ang dagat. Walang umimik sa aming dalawa. 

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Tanging hampas ng alon lamang ang naririnig ko.

Then he suddenly sighed.

"Are you happy, my Queen?"

I am not happy but... "My Mommy is happy."

Tumahimik saglit si Rush bago nagtanong muli.

"Then, are you happy too?"

Hindi ako makasagot sa kaniyang tanong. Naging tahimik ulit kaming dalawa.

"Honestly..."

Tumingin ako kay Rush nang hindi niya itinuloy ang kaniyang sasabihin. Dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mukha.

"Call me selfish pero sana... sana a-ako ang pinili mo, Xophia."

Napasinghap ako nang makita ko ang luha na tumulo sa kaniyang mga mata. Para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"A-Alam ko naman na wala akong pag-asa pero umasa pa rin ako eh. Kasi nga 'di ba, mahal mo naman ako? Sinagot mo na nga ako kanina lang." Sinubukan niya pang tumawa.

"Masaya ako para kay Dad pero kaya kitang ipaglaban sa kaniya, Xophia. Isang sabi mo lang, gagawin ko lahat. Kakalabanin ko lahat kahit kaligayahan pa ni Dad ang nakasalalay. Mahal na mahal kita eh."

Kusang tumulo ang aking luha sa kaniyang sinabi. 

Mahal na mahal ko rin naman si Rush pero hindi ako katulad niya na handang kalabanin ang lahat upang sumaya. 

Ayokong maging selfish sa mga tao sa paligid namin.

"I-I am so s-sorry, Rush... Mahal na mahal din kita pero mahal ko rin si Mommy. Importante para sa akin na maging masaya siya." 

Hinawakan ni Rush ang aking mukha at inilapit sa kaniya. Pinahid niya ang aking mga luha na walang humpay sa pagtulo.

"Shh... Stop crying please, my Queen. I don't want to see you crying. It kills me," masuyo ang kaniyang boses habang pinapatahan ako. "I understand, my Queen. And I won't hate you for it."

Kahit na sinaktan ko siya ay pilit pa rin niya akong iniintindi. Mas lalo tuloy akong napa-iyak.

How could I hurt someone like him? He doesn't even deserve this!

"I am sorry, Rush. I'm so s-sorry..." 

Niyakap ko siya ng mahigpit na kaagad naman niyang ginantihan ng mahigpit din na yakap.

Hinayaan lang niya ako na umiyak. Lumipas ang ilang minuto na magkayakap lang kami.

Inilayo niya ang kaniyang sarili upang tignan ako sa aking mga mata. Patuloy pa rin niyang tinutuyo ang aking pisngi kahit na nababasa pa rin ito ng mga luha ko.

"What do you want me to do, my Queen?"

Noon ay kinikilig ako kapag sinasabi niya ito sa akin ngunit ngayon ay nasasaktan ako na marinig ito. 

Alam ko kasing gagawin niya ang gusto ko. Alam kong bibitawan niya ako kung sasabihan ko siyang bitawan niya ako. 

And I'm not ready for that... pero kailangan.

"Let's break up, Rush... I want my Mommy to be happy," humihikbi kong saad.

He sadly smiled at me bago tumango.

"Are you sure, my Queen? Iyan ba talaga ang gusto mo?"

Suminghap ako at tinignan siya ng matiim.

"Yes, Rush. That's what I want."

Niyakap niya akong muli bago nagsalita na siyang ikinawasak ng puso ko.

"Alright, my Queen. I'll do whatever you want. Kung magiging masaya ka sa oras na isuko kita, then I'll willingly do it. Your happiness is my happiness too. So I'm letting you go now, my Queen. Be happy. I love you so much..."

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistWhere stories live. Discover now