Chapter 12

2.2K 111 15
                                    

"What? Umamin si Rushvel sa iyo?" halos mapasigaw si Avi sa sinabi ko. Bakas sa mukha niya ang matinding gulat.

Napahiya ako nang lumingon sa gawi namin ang mga kumakain dito sa cafeteria. Sa lakas ba naman ng boses ni Avi, siyempre mapapalingon talaga sila. 

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at napag-desisyonan kong sabihin sa kanila ang nangyari noong summer. Sana nga ay hindi ko na lang sinabi.

"Tapos, Xophia? Kayo na ba? Congrats!" Malaki ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Mariel. Pati si Nicole ay binati rin ako.

"Hindi..."

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Pagkatapos kasi ng pag-amin ko kay Rush, sinabihan ko siya na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon dahil na nga sa hiling ni Mommy. 

Sumang-ayon din naman siya sa akin dahil naiintindihan niya ako. Mula noon ay masasabi kong may nagbago sa pakikitungo sa akin ni Rush. 

Palagi na siyang nagcha-chat sa akin. Kapag magkasama naman kami ay hinahawakan niya ang aking kamay. 

Naging mas malambing din siya. Pero hindi siya lumampas sa kaniyang limitasyon. Aniya'y nirerespeto niya ako.

Palagi tuloy kaming tinutukso sa Joy foundation dahil hindi siya humihiwalay sa akin. Palaging nasa tabi ko siya at inaalalayan ako. 

Pati ang ibang foundation na pinupuntahan namin ay napansin din ang pakikitungo ni Rush sa akin.

"Ano? What do you mean, Xophia?" nagtatakang tanong ni Nicole. I sighed. Tinignan ko silang tatlo bago nagsalita.

"Hindi pa ito ang tamang oras para pumasok ako sa isang relasyon. Alam niyo naman iyon hindi ba?" malumanay kong pagpapa-intindi sa kanila.

"At pumayag naman si Rushvel? So M.U. kayong dalawa ngayon? Gano'n?" ani Avi.

Tumango ako. Isa pa'y hindi rin naman nagmamadali si Rush. Sa katunayan nga ay nililigawan niya ako ngayon. Deserve ko raw ang suyuin niya muna. Napangiti ako.

Araw-araw siyang nagpapadala ng pagkain sa akin. Alam niya kasing hindi ako mahilig sa bulaklak kaya mga pagkain na lang ang binibigay niya.

Mostly ay mga mamahalin na chocolates, na siyang paborito ko. Walang mintis ang kaniyang pagpapadala kahit na busy din siya sa pag-aaral.

Minsan nga'y hinarana pa ako ni Rush noong nasa Joy foundation kami. Kasabwat pa niya sila Ate Apple. Ang saya-saya ko sa araw na iyon.

Buong pagmamahal siyang kumanta, may hawak pang gitara. Masarap sa pandinig ang kaniyang boses. 

Nanatili sa akin ang kaniyang tingin habang kumakanta. May pilyong ngiti sa labi at mga matang may pagmamahal na makikita. Pagmamahal na nakalaan para sa akin.

"Hanga talaga ako sa kabaitan ni Rushvel. Mabuti't pumayag siya sa ganyan. Rare na sa panahon natin ang mga lalaking katulad niya, Xophia," sambit ni Nicole.

"Tama ang sinabi ni Nicole. Kaya kung ako sa iyo, Xophia. Itali mo na sa'yo si Rushvel kung ayaw mong maagaw siya ng iba."

I just smiled at them. "May tiwala ako kay Rush." Napatango naman sila.

"Kung sabagay. Hindi naman ganoon si Rushvel. Iyon nga lang, hindi mo kilala ang mga babae na nakapaligid sa kaniya. I heard na marami silang schoolmates na gustong magpapansin kay Rushvel. Naiinggit nga sila Kuya Jin eh. Kadalasan kasi roon ay magaganda talaga tapos matalino pa."

Hindi natanggal sa isip ko ang sinabi ni Mariel. Tama nga naman siya. Pero wala naman akong magagawa kung hindi pagkatiwalaan si Rush. 

Hindi ko siya gustong pagsabihan sa mga dapat niyang gawin. Isa pa'y malaki ang tiwala ko sa kaniya.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon