Chapter 11

2.3K 118 45
                                    

Hindi iyon ang naging huli naming pagbisita sa mga foundation. Kapag hindi masyadong busy ay magkasama kami ni Rush sa pag-volunteer. 

Minsan nga ay kasama pa namin sila Mariel, pati mga kaibigan nila Kuya Jin ay kasama rin. Nang matapos ang school year ay mas naging madalas ang pagboboluntaryo ko. 

Lalo na't pumayag si Mommy na kami ang mag-sponsor sa ibang foundation. Hindi lamang ang Joy foundation ang pinuntahan namin.

Halos lahat ng foundation na nandito sa Cebu ay binisita namin ni Rush. Minsan nga ay hindi na ako nakakasama dahil sa sobrang layo. 

Determinado siyang tulungan ang lahat ng mga naging biktima ng karahasan. Habang tumatagal ay mas lalo kong nakikilala si Rush. 

Tama ako na madaldal talaga siya sa personal. Iyong tipong sasabihin niya ang mga nangyari sa kaniya kahit na hindi ka nagtanong. 

Kaya marami siyang kasundo sa mga foundation. Pati nga ang mga biktima ay komportable sa kaniya. Hindi rin siya maarte kahit na lumaki siyang mayaman. 

Naalala ko nang minsang bumisita kami sa isang foundation na nag-aalaga sa mga batang biktima ng pang-aabuso. Bukal sa loob niyang pinaliguan ang mga bata at binihisan.

Hindi rin siya nagdadalawang-isip na tumulong sa kaniyang kapwa. Sa katunayan nga, may mga araw na tinuturuan niya ang mga biktima. 

Kadalasan sa kanila ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ni hindi ako makapaniwala na kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagboluntaryo sa mga foundation. 

Ang hirap kaya sa Law school. To think na nangunguna siya kahit na may iba pa siyang ginagawa, hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya.

It made me question about other people. Kung kayang gawin ni Rush ito, bakit sila hindi? 

Lalo na iyong mga politiko na walang ibang ginawa kundi ipagmayabang ang kayamanan nila sa madla.

Kung hindi pa kapanahunan ng eleksyon, hindi mo rin sila makikitang lumabas sa bahay nila. Ang galing pang magpaawa. 

Minsan may mga video pang ipinapalabas sa tv. Mga clip ng pagtulong daw nila sa mahihirap. Halata namang scripted lang.

Inaamin ko sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog kay Rush. Sino ba namang hindi? Nasa kaniya na yata ang lahat.

Pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Hindi pa kasi tama. Hindi pa oras para sa ganito. Sa ngayon ay gusto ko munang i-enjoy ang bawat oras na magkasama kaming dalawa. 

At saka, hindi rin naman niya ako gusto. Ayokong umasa.

"Hindi ba talaga kayo?"

Bumisita ulit kami sa Joy foundation sa araw na ito. Kasalukuyan kaming nakikipag-usap kila Ate Apple. 

Pati si Gina ay nandito rin. Mabuti na lang at hindi na siya masyadong na-iilang sa amin.

"Hindi po, Ate Apple. Magkaibigan lang po kami ni Rush," sagot ko.

Umikot ang mga mata ni Ate Apple sabay ngisi. Tila hindi naniniwala sa sagot ko. Tinignan pa niya kami ni Rush na magkatabing naka-upo rito sa bakuran ng Joy foundation. Pati si Gina ay hindi rin naniniwala.

"Sigurado ka, Xophia? Eh kaya naman pala magkasama kayo rito palagi ha. Tapos may 'call sign' ka pa kay Rushvel." Umismid pa si Ate Apple sa amin.

"Napapansin ko nga rin iyon. Ikaw lang ang bukod tanging tumatawag sa kaniya ng Rush..." Hindi na rin napigilan ni Gina na sumabad sa usapan.

Pati ang ibang kasamahan namin dito ay na-intriga sa amin at sumali sa usapan. Bawat isa'y may katanungan na binabato sa amin. Hindi ko napigilang mahiya sa atensyong binibigay nila.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistWhere stories live. Discover now