Tumingin muna ako kay Rush na kasalukuyan din nakatingin sa akin. Nagmamaka-awa ang kaniyang mga mata. 

Kung papayag ako ay tiyak magiging masaya si Mommy pero masasaktan ko rin naman si Rush.

Iniwas ko ang aking tingin sa kaniyang mga mata. Tinignan ko si Mommy na hinihintay ang sagot ko.

"Ito po ba ang gusto niyo, Mommy? Will it make you happy?" 

My Mommy smiled at me and nodded.

"Yes, anak. Magiging masaya ako kung papayag ka. You know that you are my happiness, Xophia. Pero nang dumating si Alfred sa buhay ko, naging isa rin siya sa dahilan kung bakit ako naging masaya ulit sa buhay. I know that you love your Daddy so much, and so do I. Kaya hindi kita pipilitin na palitan siya sa puso mo. He will always be your daddy."

Napa-iyak ako sa sinabi ni Mommy. Masaya ako na muling makitang masaya si Mommy mula nang mawala si Daddy at gagawin ko ang lahat upang manatili iyon. 

Kahit na ako mismo ang masaktan. 

Tumango ako sa kanilang dalawa. "O-Okay... Then I'll give you my blessing, Mommy. Tito Alfred. Please take care of my Mommy."

Tumayo si Mommy sa kaniyang upuan upang yakapin ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik habang patuloy pa rin na umiiyak. 

Hindi ko kayang tignan si Rush ngayon dahil alam kong nasaktan siya sa pinili ko. 

I am so sorry Rush...

"Thank you, anak. Thank you so much..." 

Pati si Mommy ay naging emotional na rin kaya naman tumayo si Tito Alfred upang pakalmahin siya.

"Thank you, Xophia. I promise that I'll never hurt your Mommy," nakangiti niyang sabi sa akin.

Naputol lamang ang pag-iiyakan namin ni Mommy nang tumunog ang cellphone ni Rush. Tinignan naman kaagad niya ito.

"I'm sorry, Dad, but I need to go. It's an emergency," nagmamadali niyang sabi at tumayo na. 

Tinignan niya muna si Mommy upang magpaalam, "Thank you for the lunch, Tita Divina. I need to go. Please take care of my Dad. "

Ngumiti lang si Mommy at niyakap si Rush. "Thank you, Rushvel. Mag-ingat ka sa byahe."

"I will, Tita Divina. Mauna na po ako. Dad, aalis na po ako." 

Ni hindi man lang siya lumingon sa akin upang magpaalam. Kaagad siyang lumabas ng dining area.

Nang matapos ang lunch ay sinabihan ko si Mommy na matutulog muna ako dahil napagod ako sa graduation program kanina. Pumayag naman siya.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak sa higaan ko. Sobrang tanga ko. Ni hindi ko man lang pinaglaban si Rush. Ni hindi ako nagdalawang-isip na isuko siya. 

Naalala ko pa rin ang sakit sa kaniyang mga mata. Ang pagmamaka-awa niya sa akin na piliin ko siya. 

Hinintay ko ang kaniyang tawag o kahit text man lang sa araw na iyon. Pero walang dumating.

Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala tuloy ako kung nasaan siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya. 

Huwag naman sana siyang pumunta sa bar. Ayoko siyang may makitang kaaway doon.

Tinawagan ko si Mariel. Baka kasi magkasama si Kuya Jin at si Rush ngayon. Mabuti naman at kaagad niya iyong sinagot.

"Oh, Xophia? Napatawag ka?"

"Hi, ahm... Itatanong ko lang sana kung nandiyan ba ang Kuya Jin mo?"

"Ha? Oo, nandito siya sa bahay. Bakit?"

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora