"Ngiti ng Pag-ibig"

26 3 0
                                    


"Ngiti ng Pag-ibig"
ni NewRed

Sa mahinahong pagsikat ng araw,
Ngiti mong hangdog ng langit, sa umaga'y pupukaw.
"Bangon na, aking anak" paanyaya mong singhalaga ng musika.
Umaga pa lang, pag-ibig mo na,
Ang sa aki'y pabaon ng Maylikha.

Siyam na buwan sa sinapupunan,
Hanggang sa aking pagkasilang,
Yan ang aking una't tapat na kaibigan.
Walang personalan, trabaho lang.

Larawan ng sigla at pag-aaruga
Kapag ako'y may sakit, ikaw ang nagtitiyaga.
Minsan ma'y ako'y makulit, matigas ang ulo.
Salamat inay mahal mo pa rin ako.

Hindi man patas na karamihan ng pangarap mo'y para sa akin.
Kahit na madalas kung ako ay topakin.
Araw-araw naman sa akin ito'y magpaalala,
Na ako, sa iyo'y mahalaga.

Kaya't patawad kung damdamin ko'y di lubos na mailahad.
Salamat sa akin ay malalim na salita.
Pagkat ang taong minsan ay nasisigawan ko.
Kailangan din ng pag-aaruga.

Sa araw na 'to.
Oo, kung di pa dumating ang araw na 'to.
Pasulyap ng ngiti mo.
Ngiti mong ilang taon kong di pinansin at inintindi.
Ngiti mong paalala na nariyan ka.
Ngiti mong sagisag ng pag-ibig ng langit.
Ngiting sana, ako naman ang maglagay sa mukha mo.

I love ma.
At salamat.
Maligayang Araw ng mga Ilaw ng tahanan

#Mama
#143Mama
#MamaDay

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now