Pagdaloy

23 2 0
                                    


-
Kapag umiyak ako,
'Wag mo 'kong pagagalitan ah.
Masdan mo na lang ang pagluha ko.
'Wag mo sana akong pagsasabihan.

Kung gusto mo akong samahan,
Samahan mo ako,
Malungkot ako,
'wag mo sana akong pipigilan.

May gustong ilabas ang puso ko,
Ngunit di masamyo ng isip ko.
Iguguhit ko na lang sa luha ko.
'Wag mo sana akong pagagalitan.

Tabihan mo lang ako,
At makinig ka lang.
Samahan mo ako,
'Wag mo sana akong pagagalitan.  

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now