Workers Appreciation 2017

6 1 0
                                    

Una po sa lahat, para lamang klaro,
Hindi po ako si Juan Miguel Severo.
Ako lamang po ito, sa paglilingkod isa lamang bagito.
Nais sumubok, ibahagi itong isang kwento.

Ito'y hindi isang alamat,
Pagkat tunay itong naganap,
Mga taong araw-araw na nagsisikap,
Tumitiis ng hirap;
Mga nawawala'y kanilang hinahanap.
Pagka't nais nila, pagkatapos ng lahat, sa pagpapala, tayong lahat ay lalasap.

Umpisahan po natin,
Sa mga buhay na regalong kasama natin,
Hindi barko, hindi hayop.
Pero hindi ka hahayaang dumanop.
Dahil pag-aalaga nila'y mula kay Ama.
Na sa tuwina'y ating nakakasama.

Sila iyan, mga lingkod Diyos.
Na 'di kailan man mamamaos,
Maihayag lang mga pangako't salita,
Ng ating manlilikha na puno ng awa.

Kayo'y tulad ng mga haligi.
Na kung saan kayo'y mga pinili.
Sa amin ma'y may isa o dalawang 'di makasali,
Kayo'y handang humalili.
Hindi iisipin ang sarili.
Buhay ninyo, sa paglilingkod, inyo nang itinali.

Hindi ko lubos maisip.
Kahit hanggang sa panaginip.
Gusto ko mang magmadali, ako'y hindi mapakali.
Ibig ko kayong pasalamatan,
Ngunit ang isasagot ninyo'y "to God be the glory" lamang.
Kakaiba talaga, pero inisip ko na lang.
Ito ang halaga ng buhay,
Sa kapatid, ika'y umagapay.

Ito'y isa lamang tula,
Ngunit magsilbi sanang paalala.
Na sa inyo man ay wala nang makaalala.
Ang inyong Ama sa kalangitan,
Sa inyo'y higit na nakakakilala.

Hindi ninyo man sinasadya,
Ngunit sa amin, may namumuo nang saya.
Salamat maniniwala na ako sa forever.
Dahil ipinakilala ninyo si Hesus na tunay nating lover.

For all the leaders and workers of JIL Macabebe...

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now