"Time Out"

14 1 0
                                    

Hindi ko na alam kung ano ang hihilingin ko;

Nakikita ko lahat ng gusto ko,

Mapansin kaya ng mundo na kailangan ko sila?

Nakakayamot na kasing maghintay sa wala.

Hihintayin pa ba kita?

Hindi na marunong umiyak ang aking mga mata.

Puso ko ang dumaranas.

Ang masakit pa, ito'y dumadalas.


Bakit may mga taong masaya?

Bakit 'di ko sila magaya?

Panahon lang ba ito?

Ba't gan'on, nakakainsulto?

Pero nananatili pa rin ang buhay.

Gusto ko lang sana ng kaakbay.

Pero, ayoko nang magmakaawa at mamilit,

Mahirap humirit nang saglit

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now