"Ang Kwento ng Manunulat Na Hindi Na Magpapakilala"

20 3 0
                                    


(Isang pagpapatuloy)
ni Darwin Narciso
-
Nasabihan na ba kita ng, "maganda ka"?
'Pag nakikita kasi kita ay may musika.
Buti na lang, hindi ka sa'kin ipinagkait,
Mamasdan pa rin kita kahit may pait.
-
Nais sana kitang hiraman ng sandali.
Upang ipakita sa'yo, mga ngiti sa aking labi.
Masdan mo ako sandali.
Natatakot akong magkamali.
-
Sabagay, hindi na pala kailangan.
Ang pwede na lang sa atin ay pagkakaibigan.
Minsan lang ako sumaya,
Mayroon pa akong kasama.
-
Ang laban ay wala nang saysay.
Ang buhay nila ay mayroon nang kulay.
Maging masaya kayo
At igalang, pag-ibig na nasa inyo.
-
Sinadya o isang pagkakataon?
Sino'ng may sala at nagkaganoon?
Kung tadhana na ang nagsambit
Kanino ko pa ito mailalapit?
-
Patawad aking puso,
Hindi ikaw ang may dulot nito.
Ninais mo lang maging masaya,
Subalit ang kasagutan ay hindi siya.
-
'Wag kang mag-alala,
Hindi na ako magpapakilala.
Ito'y mundong hindi sinadyang mabuo.
Ako na lang ang siyang maglalaho.
-
(Wakas)  

How To Smile With Happinessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن