Nandiyan Ka Pala

26 2 0
                                    

Pwede ba kitang kumustahin?
Kung ikaw ba'y 'di nakalimot kumain?
Pasensiya na,
Alam kong paulit-ulit na.
Naaalala lang kasi kita;
Madalas kang malungkot at mugto ang mga mata.
Wala namang "tayo", talaga,
Sadya lang na ikaw sa akin ay mahalaga.

Pwede mo akong kuwentuhan,
Tungkol do'n sa iyong nagugustuhan.
Palagay ko'y may 'di kayo napagkasunduan.
Dahilan upang magmukmok ka nang gan'yan.
Halika nga,
Payakap nga.
Tahan na;
Ako'y nandito na.

Pwede ba akong mag-joke?
Alam mo ba kung sino nakaimbento ng coke?
E 'di si Kokey!
Biro lang talaga, lagi akong korney.
Pero pwede rin naman pala ang nakangiti ka;
Walang bakas ng lungkot, walang marka.
Lagi sanang gan'yan,
Sa mukha mo, aking masilayan.

Malalim na ang gabi,
Sige ka, manunuyo 'yang iyong mga labi.
Iniisip ka rin n'on.
Sadyang may pinagdaraanan lang ngayon.
Hindi nga tayo,
Pero para sa'yo, ako'y 'di lalayo.
Hanggang sa gumaan ang 'yong pakiramdam.
Kaya kong magtiis at 'di magdamdam.

Siguro nga, 'di ako importante sa'yo,
At nagtataka ka'ng lagi ako sa'yo'y may payo.
Gusto ka lang laging masaya ng puso ko.
Hayan, nadulas tuloy ako.
So, paano niyan, ako'y matutulog na.
'Pagkat gabi na.
Tahan na.
Ngiti ka na

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now