1-I

40.2K 695 12
                                    

I

Sick Dick. Iyon ang isinulat ni Leighton sa papel na ipinasa sa kanya ng katabi niyang kaklase. Nakiusyoso iyon at matawa-tawa nang makita ang sinusulat niya. Hindi pa iyon nakuntento at siniko pa siya nito.

"Eight, ano ka ba? Kapag nabasa iyan ng prof natin, yari ka," sabi sa kanya ng katabi niyang si Meir.

Ginantihan ng paniniko ni Leighton si Meir. "Malamang malalaman ni Miss kapag sinabi mo."

They are writing anonymously on a sheet of paper with their classmates' names na ni-consolidate kanina ng kanilang prof. at pagkatapos ay pinagbunutan nila. It was part of their weekly personality drill sa subject na Ethics- to know what people think about them.

But as far as Leighton was concerned, hindi na iyon kailangan. Kaartehan lang iyon ng kanilang prof. therefore it shouldn't be taken seriously.

Nagkunot-noo si Meir habang pinapasadahan ng tingin ang pangalan ng may-ari ng papel na hawak-hawak ni Leighton. "Magdamag mapapaisip si Kay Singh kung bakit siya sick dick."

Kay Singh as a sick dick is a true story for Leighton. Hindi niya maipaliwanag ngunit naiinis siya rito kahit wala naman itong ginagawa sa kanya. Ni hindi sila nagkakatabi o nag-uusap. Perhaps it's because of the name? Oh, dahil palagi siya nitong nauungusan sa mga quizzes and exams?

Si Kay ay isang lalake pero tunog-pambabae ang pangalan. He is a transferee last month, saktong pagbubukas ng sem. Halatang may dugong banyaga ito ngunit matatas managalog. Bukod doon ay wala nang balak pang alamin ni Leighton ang iba pang detalye. Baka mas lalo lang siyang maasar dito.

"Okay, I think all of you are done now. Pass the paper to your right. One, two, three!" Umalingawngaw ang boses ng kanilang prof. Patay-malisyang ipinasa ni Leighton ang papel ni Kay sa katabi niya sa kanan na babae naman. Since marami na ang nakapagsulat sa papel ni Kay, madali na lang niyang maitatanggi ang ginawa niyang kabulastugan.

Bahagya siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Kay. As usual, attentive ito sa klase at nakatingin lamang sa kanilang prof, oblivious sa mga sulyap ng mga kaklase nilang babae hindi gaya dati noong kakasimula pa lang ng sem na napaka-friendly nito.

Hanggang ngayon ay hindi mawari ni Leighton kung bakit ito pinagpapantasyahan ng mga kababaihan sa university. Kay looks plain to him. His hair is black as everyone else's. May mas matangkad pa kaysa kay Kay at may mas guwapo pa. Maybe they were drawn by his eyes? Kakulay ng asulang karagatan ang mga mata ni Kay na malalim kung tumitig.

Hindi sinasadyang napadaan ang kanilang prof sa gawi ni Leighton kaya ikinagulat ng huli ang panandaliang pagkakatingin sa kanya ni Kay. Iyon rin ang unang nagbawi samantalang si Leighton ay nanlaki ang mga mata.

Did they just stared at each other for atleast a couple of seconds and then Kay ignored him like nothing happened?

That sick dick! Pag-aalburoto ni Leighton sa kanyang loob-loob.

Fixation (Boy x Boy)Where stories live. Discover now