132

131 4 0
                                    

Inayos ko ang headband ng batang lumapit sa akin, tumakbo agad s'ya palayo kaya natawa ako.

Naglilikom na ang team ko dahil madilim na din. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nasagi ang tingin ko sa kay Ford kasama ang tumpok na mga kabataan sa may swing. He's holding a guitar and his singing a song to them.

For five years na naging magkasama kami alam ko na he's really fond of kids. He's very soft with them, at automatic na nakangiti agad sya kapag may mga bata sya na nakikita.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang mangha na mangha sa kanya 'yung mga bata.

"Kita n'yo 'yon si madam?" napakunot ang noo ko dahil itinuro ako ni Ford.

"Crush ko 'yan. Kaso di ako crush" napanguso ang mga bata sa sinabi n'ya. Agad akong naalarma dahil sa pang aasar nila sa amin.

"Yieee crush pala ni kuya si ate!" panloloko pa nila. I smiled awkwardly at them.

"Pogi naman si kuya ate ah, bakit di mo po s'ya crush?" napangiwi na lang ako at umiwas ng tingin sa kanila.

"Tara na ate dito! Nikakantahan ka ni kuya bilis!" di na ako nakatanggi ng hilahin nila ako palapit sa kanila at pilit pa na pinaupo sa kabilang swing.

"Kantahan mo na crush mo kuya! Yieee" naghiyawan naman agad sila at natawa na lang ako dahil ang cu cute nila. Si Ford ay napapailing na lang habang nakangiti.

"Isa lang ah, tapos sleep na kayo" saad ni Ford. Sumagot naman agad ang mga bata sa kanya.

Ford strummed in his guitar and his angelic voice rang all over the place.

I wanna make you
Whenever youre sad
Carry you around
When your arthritis is bad
All I wanna do,
Is grow old with you

Hindi s'ya nakatingin sa akin dahil busy s'ya sa gitara n'ya. Ngayon ay matapang ko s'yang tinitigan.

Bakit ngayon ko lang napansin na mas naging gwapo s'ya? Tapos kahit pawisan na kami the whole day dahil sa charity, ang bango pa din n'ya.

He looked very manly and kinda matured now also.

I'll get your medicine
When your tummy aches
Build you a fire when the furnace is break
Oh, it could be so nice
To grow old with you

This time he looked at me and gave me a small smile. Lalo tuloy kaming niloko ng mga bata.

Ngumiti na lang din ako ng tipid.

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat
When you are cold

I wanted to tear up because my heart suddenly flutter, pero sinubukan ko ang best ko para hindi iyon bumagsak.

I suddenly remember how we struggle and broke down when we are together for five years.

Need you
Feed you
Even let you hold the remote control

Sumabay ang malamig na hangin sa malamig nyang boses kung kaya't naramdaman ko ang luha na pumatak sa mata ko.

Hindi ko pinunasan dahil lalong mahahalata. But since Ford was staring at me the whole time, iniiwas n'ya ang tingin at ngumiti na lang sa mga bata.

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to the bed when you have to much to drink
Oh it could be so nice
To grow old with you
I wanna grow old with you

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang