76

123 3 1
                                    

Nang mabasa ko ang text ni Ford na nasa ospital s'ya ay parang kinabahan ako at nawala sa sarili.

Hindi na ako nagbihis, naka grey sweat pants at shirt naman na ako. Nagpalit lang ako ng converse ko na sapatos, saka nag cap na kulay puti at inilagay sa elliot sling bag kong kulay puti ang gamit ko na importante.

I already contacted grab at hindi naman ako naghintay ng matagal sa baba ng condo.

Nakarating agad ako hospital nila Ford. Lumapit ako sa front desk at akmang magtatanong na ako nang may kumalabit sa akin.

"Iyah" nahinga ako ng maluwag nang sumalubong sa akin si Ford. Wala sa sariling niyakap ko s'ya.

Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya! "Hey," he pushed me away and cupped my face.


"Don't worry. I am fine, let's go" mahigpit n'ya akong hinawakan sa kamay. Sabay kaming umakyat sa elevator. Wala man lang gumagawa sa amin ng kahit anong salita hanggang sa makarating kami sa isang pinto.


I read the name on the door.

Freya Mendez


"Ma," sumalubong sa akin ang isang babae.. she really looked like Ford. Ang dami nilang feautures na magkakatulad.

Pinaupo ako ni Ford sa upuan sa tabi ng hospital bed. Mas nakita ko ng malapitan ang mama n'ya.

Payat ito at maputla, may ilang makina na nakakabit sa kanya. Hindi ako makapagsalita.

"Ma, si Sariyah" nabaling sa akin ang tingin ng mama n'ya.. Nakita ko ang bahagya n'yang pag ngiti. It makes my heart flutter.

"Hi" sinubukan n'yang abutin ang kamay ko kaya nagmadali akong kuhanin iyon. I gently brushed my thumb on the back of her palm.

Ngumiti ako pabalik. "H- Hi po, ma'am" bati ko dito.


"Mama na lang din hija" nahihirapan pero tumatawa na saad n'ya.



"Ma! Di pa nga ako sinasagot!" pagsingit ni Ford. Napatawa ang mama n'ya at sinamaan ko s'ya ng tingin


Pinapasama ata n'ya ang image ko sa mama n'ya eh!


"Sus. Pangit ka lang anak, ganda nitong nililigawan mo oh" napairap si Ford at lumayo sa amin dahil nagpunta s'ya sa refrigirator.



I spend one hour kausap ang mama ni Ford. Tumatawa lang ako the whole time at hindi nga naiisip na may sakit s'ya. She's very bubbly and very fun to be with.



After that ay kailangan na magpahinga ni tita. Inihatid ako ni Jimin sa lobby, pero niyaya n'ya akong maupo sa bench sa labas ng hospital sa harap ng fountain doon.


May hawak kaming ice cream in cup na kinuha n'ya pa sa ref doon sa kwarto ng mama n'ya.


"I'm sorry sa istorbo" napalingon ako sa kanya at sinamaan s'ya ng tingin


"Anong sitorbo? Gago ka" hinampas ko s'ya. But he only laughed a little.


"Bakit hindi ka pumasok?" I asked him. Binuksan ko ang dala kong bag "Here ito 'yung hand outs and letter ng prof mo for you" ibinigay ko iyon sa kanya.


Inabot n'ya iyon at tumitig sa akin.


"Thank you" he almost whispered.


"Ano ka ba! Bago pa man sabihin ni Jak, may idea na ako" I finally admitted.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at nilaro iyon. Iniintay kung ano pa ang gusto kong sabihin.


"Last week, gusto sana kitang dalhan ng dinner and kasi namimiss na kita. But, aksidente kong nadinig ang usapan n'yo ng prof n'yo" napatungo din ako. We both sighed.



"Why did you not tell me?" I almost whispered. Ako ngayon ang humawak sa kamay n'ya bago iyon bahagyang pinisil.




"I.. I don't want to bother and give you any problems anymore Iyah. You know, I already saw how you struggle on those school works of yours" ilang beses akong napailing.



"Isa pa, it's my responsibility that I need to carry with myself" sinalubong ko ang mata n'ya.


"What really happened?" I want to hear the whole story first. I don't want to nag about his decisions. It's better to listen first before I climb up with any conclusions.



He sighed and uncomfortably shifted on his seat.



"Si.. mama, matagal na s'yang may sakit. Lung cancer. Five years ago nang lumala 'yun. Dad still supporting us even though they are already divorced. But last year tumigil na s'ya sa pag support sa amin. Wala naman akong maasahan. Si kuya, hindi naman n'ya kami gusto. He was blinded by the things dad giving him. Besides, s'ya ang gusto ni Dad. S'ya ang sumunod sa gusto ni Dad na magdoctor. While I chose the path I loved." Nanatili lang akong tahimik.



Ford was nearly in tears.



"Noong.. mga nakaraang linggo lang naman lumala 'yung problema ko na hindi ko na malaman 'yung gagawin eh" he finally broke down.



Parang naiiyak na din naman ako sa lagay n'ya.



"Iniwan kami ni dad sa bahay kahit alam n'ya na ganoon ang nangyayari kay mama. Walang ibang tao ang magbabantay sa kanya. Wala akong balak na humingi ng tulong kay dad but hindi ko na kaya. Mawawala 'yung nanay ko eh." he was crying so hard.


Kahit ako ay napaluha na din.


"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naapektuhan na 'yung marka ko sa school pero wala naman akong pakealam doon. Mas masakit sa akin na madidisappoint si mama dahil hindi na ako makakagraduate" ginulo n'ya ang buhok n'ya bago ilagay ang dalwang palad sa mukha na puna ng luha.



"Natatakot ako sa sasabihin ni papa, ni kuya.." he also added. I brushed his back with tears in my eyes.



He's carrying a lot of problems and responsibilities. Ngayon ay alam ko na kung gaano na kabigat iyon.


"Shhh" I chose to keep my mouth silent. Nang kumalma na s'ya ay ako ang nagpunas ng luha n'ya sa mukha.



"Hey," tawag ko sa kanya. Hinuli ko ang mata n'ya na kanina pang umiiwas ng tingin sa akin.



"Don't carry your problems with just yourself, from now on I am with you.. I will stay with you no matter what happens okay?" he bit his lower lip and nodded.



"Let's make it Ford" nangunot ang noo n'ya at ngayon ako ang napaiwas ng tingin.

"W- what?"



"Sinasagot na kita.. Let's make it official"

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon