44

180 6 0
                                    

Kasalukuyan kong sinasamaan ng tingin si Ford. Kami lang ang naiwan sa table namin at nasa dance floor na 'yung mga kasamahan namin.

Sina Alli pihado ay nagbo boys hunting na, sina Jak naman ay naghahanap din ng malalandi.

Hawak ko ang baso ko ng tubig habang pinapanood lang ako ni Ford, hawak ang bowl ng nachos. Inirapan ko s'ya nang magtama ang tingin naming dalwa.

"Ano?!" he sighed. "What do you want?" he asked, lumapit pa s'ya sa tenga ko para madinig ko ang sinabi n'ya

"Gusto ko nga sumayaw, saka uminom.H Hindi naman madami! Promise" he sighed in defeat before giving me the bottle of Jager.

My eyes twinkled, inilagay ko agad yun sa shot glass at ininom iyon. Tumayo ako after namin ng ilang shot.

Hinila ko s'ya para pumunta sa dance floor. I was smiling widely.


Kaharap ko si Ford at bahagya lang s'yang gumagalaw. Natawa ako kasi ang cute cute n'ya at halatang naco concious sya sa paligid.

Nakaisip naman ako ng kabaliwan. Tumiad ako at lumapit sa tenga n'ya.

"Hi pogi. Bago ka dito?" acting ko. Bumalik ang tingin n'ya sa akin, napakunot s'ya at ngumisi lang ako ng malawak.


Tinaasan ko s'ya ng kilay.


"Y-yeah" pagsakay n'ya sa trip ko. Lalo akong napangisi. "Are you drunk?" lumapit din s'ya sa tenga ko. Umiling ako agad.

"No!" hinarang ko pa sa kanya ang mga braso ko na naka ekis. "Good then," tumango s'ya. We danced again, at sobra kong kinakareer.


"So.. are you single?" pag acting ko ulit. Natawa na s'ya ngayon sa ginagawa ko.


"Yeah. Why?" sobrang lapit na namin sa isa't isa dahil sa sobrang ingay.

Hindi ko naman mapigilan na kiligin.


Nagulat pa ako ng hilahin n'ya ako palapit sa kanya dahil may lalaking sumagi sa akin. Napakagat labi ako sa kilig.


"Ohh, so.. single ka? Bakit? Parang bagay tayo! Parang lang huh" lumakas ang tawa n'ya. Hawak pa din n'ya ang bewang ko dahil nasasagi ako.


"I like someone" napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Nagbago ang timpla ko. Humagip ako ng alak sa dumaan na waiter. Ininom ko 'yun ng deretso.


Hinawakan ni Ford ang baso ko at inagaw sa akin iyon. "Ask me first who" he whispered.


Napairap ako.


Would I? Para saan? Para saktan ang sarili ko? Duh, ano ako tanga?


"Then who?" I was trembling. Tanga nga ata ako.


"You" nangunot ang noo ko. Tama ba ang basa ko sa buka ng bibig n'ya? Hindi naman kasi s'ya lumapit at sumigaw. Normal na boses n'ya ang ginamit n'ya.



"What?!" I asked him. Nakakunot na ang noo ko.


"It's you.." napanganga ako sa sigaw n'ya.



"I like you Sariyah" hindi n'ya ako binibitawan sa aking bewang. Magkadikit pa din kaming dalwa.



"HOY SANA ALL!" rinig kong sigaw ni Jak sa malayo. Napalingon kami sa direksyon n'ya sa aming lamesa. Nakaupo sila doon.



At higit sa lahat nakatingin na sa amin ang mga sumasayaw na lasing. Ngayon ko lang narealize na nakatigil ang music pero patuloy ang nakakahilong ilaw.


Napalingon ako sa pwesto ng DJ at nakangisi doon si Dave. Napanganga ako.


Lumingon ako kay Ford na nakatitig lang sa akin. Inalis n'ya ang isang kamay sa bewang ko at hinawi n'ya ang buhok patalikod.


Leche, ang gwapo!


Tinungo n'ya ulit ako at binasa ang kanyang labi bago huminga ng malalim.


"I like you Sariyah.. I like you so damn much"


I thought I will fall but he catched me that fast.


"HUMAYO KAYO AT MAGPAKARAMI!!!!" nagpalakpakan ang mga kaibigan namin kasabay ng pagsigaw ni Dave sa microphone.



Napatakip ako ng mukha sa hiya ng tuluyan akong yakapin ni Ford sa harap ng mga madaming tao.

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Where stories live. Discover now