59

152 4 1
                                    

Gaya nang plano namin and usual get away tuwing sembreak ay si Eve ang nagplano sa lakad namin.


Inaayos ko ang maleta ko at nilagyan ng mga summer outfits dahil sa resort kami mags stay ng three days and two nights.


"Hi girls!" pumasok si Selene mula sa pinto ng condo. "Ayos ka na?" naka summer dress na kasi s'ya.


"Oo. Nasa van na 'yung gamit ko. Kasama ko jowa ko hehe" napa 'o' kaming tatlo at inirapan n'ya kami.


"Makairap naman kayo! I know naman na may nilalandi kayo for heaven sake!" she exaggerately flipped her hair. Natawa kaming lahat.



"Walang samahan dapat ng boyfriend!" Eve bitterly exclaimed. Nag aayos s'ya ng ilang snacks



"Hey. Sa kanilang resort 'yung pagi-stay-yan natin" napa formed na naman ng 'o' ang mga bibig namin.



"Bigatin" komento naman ni Alli. "Tss. Stop teasing me girls!" pikon na ata si Selene kaya tumahimik na kami.



Nagsuot lang ako ng yellow blanch dress at flats. Nakalugay ang buhok ko.



Nang matapos kami ay bumaba na kami  at sumalubong sa amin ang itim na van. Lumabas doon ang matangkad at poging lalaki. Wow, iba talaga ang taste ni Selene.



Kung ira-rate kung gaano kagwapo ang jowa nitong si Selene, pasado s'ya hanggang 100!



"Girls, si Liam" nakipagkamay kaming tatlo. Nakita ko na kinurot pa ni Eve si Selene sa tagiliran dahil katabi n'ya iyon.



Ngumiti si Liam sa amin at nagpakilala kami. He also helped us with our luggages at sumakay kami sa loob ng van.




Mahaba nag byahe pero panay kwentuhan kami sa loob dahil were trying to catch up those days na hindi namin kasama si Selene.



Si Eve ay pinilit na ikwento ang lovestory ni Liam at Selene, at kinilig naman kaming lahat.



Nakatulog ako at nagising lang din dahil naramdaman ko na tumigil ang sasakyan.



Nasa resort na kami! Excited kaming bumaba at may sumalubong agad sa aming crew.



Ah, kila Liam nga palang resort 'to! Kaya naman pala panay ang bati sa kanya ng ibang crew.



Sumalubong sa amin ang napakaganda at malinis na resort. Maraming puno at napaka aliwalas. Malaki din ito. Nae excite naman ako ng bongga.



"Enjoy your stay girls." Liam said and winked.


"Sure. Thanks" Alli exclaimed.


"I need to go, may aasikasuhin din kasi ako. Also, it's girls out di naman ako girl" tumango kaming lahat. He gave Selene a quick kiss on her lips before going away.




Sabay sabay kaming umirit dahil sa kilig. "What the fuck?! Wag nga kayong ganan! He's just like that dahil may ibang tao! Pero mukhang may kalas din ang bwisit na 'yun!" napairap si Selene but we did just gave her a meaningful look.



Umiling s'ya at sumenyas sa crew na ituro sa amin ang room.



Selene chose a villa para kung kailangan daw namin ng alone time ay pwedeng pwede. Madami kasing tao ngayon sa resort. At sabi nya hindi naman daw nawawalan dito.



We changed ito our bikinis, mag pipictorial lang kami sa labas bago maglunch.



Lumabas kami at si Alli ngayon ang pinagtutuunan namin ng pansin sa two piece red bikini n'ya.



"Ipamukha mo sa multo ng nakaraan ang nakalimutan n'yang gapangin" natawa ako sa sinabi ni Eve habang nakaluhod pa na akala mo naman ay photographer talaga.



"What the fuck Evelyn!" napairap si Alli pero nagpatuloy sa pagposing n'ya. Nanonood lang ako habang nakaupo sa beach bed nang nagvibrate ang telepono ko.


Ford

Ford
hey

kanina pa kami dito
sa room namin

where r u up to?

Sariyah
i'm with the girls

pictorial ganon

ikaw?

naglunch ka na ba
bb ko?

Ford
i'm om our way

sabi ko nga pa hotel
service na lang
but makukulit sina Jak

Sariyah
ok lang yun!

enjoy mo nga dapat eh

Hindi ko na nabasa ang reply ni Ford dahil tinawag ako ni Eve dahil turn ko na daw.


"Eto bigatin 'to. Sige, ayusin mo pose mo para tuluyan mo nang mapikot 'yang si Ford" sinamaan ko ng tingin si Eve pero natawa lang naman s'ya.



Sobra na akong nabababad sa araw dahil ayaw nila akong tantanan.


"Tama na nga!" asik ko.


"Ano ka ba? Gusto ka lang daw? Post mo 'to sa twitter hA? Kinabukasan jowa mo na 'yun! Bilis isa pa"





Pinadapa nila ako sa buhanginan at nilagyan pa ng bulaklak ang tenga ko.



Naka puti akong once piece at puno na ng buhangin 'yung katawan ko. Ang sunod naman nilang pinagawa sa akin ay pinakagat ang tangkay ng bulaklak sa bibig ko habang nakadapa pa din ako.




"Ano ba! Bat ganon?"



"Bagay naman sa'yo!" paggatong pa ni Selene. Napairap ako.



Sinasabi nila na bagay daw sa akin ang ganun. I am actually the most innocent among us. But I have the most charismatic face. Bagay daw sa akin ang mga pahot but I didn't appreciate it though.



Nagfierce ako sa harap ng camera. Ipinatong ko pa sa palad ko ang pisngi ko habang nakatukod sa buhanginan 'yung aking siko. Umanggulo ako at pumapalakpak ang mga kaibigan ko.




Humampas ang malakas na hangin kasabay ng alon kaya nabasa ako ng tubig. Sumalimpad ang buhok ko kaya hinawi ko iyon gamit ang kamay ko habang nakapikit. Unti unti kong minulat ang mata ko ng bahagyang tumigil ang hangin.



Nakatingin na sa camera ang tatlo at sa hindi ko malaman na dahilan ay nasagi ang tingin ko sa malapit na beach bed mula sa amin. Pinagsingkit ko ang mata ko.


Napakurap ako ng ilang beses dahil... fuck.. si Ford ba 'yon? Kaya ba feeling ko parang may nanonood sa akin?



Tumaas ang balahibo ko sa batok kasabay ng pagvibrate ng telepono ko sa buhangin. Kinuha ko iyon.



Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa nabasa ko.


Ford
ako na lang kagatin mo.

***

Liam Debora as Seok Jin anw ♡ & Winona Clor as Son Seungwan (Dave's cousin)

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ