Want....

4.8K 80 0
                                    

HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!!! GOD BLESS AS ALWAYS!!! *wink *wink!

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Merry Christmas! Peace! Love!❄️⛄️❤️

That will do, bulong niya pagkatapos mai-post ang picture na kasama ang family niya.

Sana lang walang makahalata. Hays!

Lumipad naman ako sa buntung-hininga mo, ate!

Jus!

What are you doing here alone in your room? Malapit na ang Noche Buena, hinahanap ka na sa baba. Ano ba ginagawa mo?

Wala, nag-post lang ako ng greetings sa Instagram.

Patingin nga! Kinuha nito ang tablet niya at tiningnan ang larawan. Nice! Hindi halatang malungkot ka dito.

One quick look, hindi talaga halata? paniniguradong tanong niya sa kapatid.

Hindi naman. You look happy here nga oh. One has to zoom and look deeply into your eyes though, to know that happiness didn't even reach them. Yun ba dahilan nang malalim na buntung-hininga mo kanina?

This would be my last Christmas here with you guys. After my graduation next year, pupunta na akong Boston. Parang hindi ko kaya Jus.

I thought okay na ate? We talked about na, di ba? You study in Boston, we'll make sure we'll visit you on special occasions like this.

Yeah, pero...

Kami ba talaga ang dahilan o dahil mukhang hindi matutupad ang only wish mo this Christmas?

Don't go there, Jus! Alam naman nating imposible talaga yung mangyari!

Yet that's the only thing in your wish list, bakit mo pa rin isinulat?

Because that's the first and only thing that came to my mind. Di ba yun naman ang tradition nating dalawa?

Yeah, your deepest wish! Limang taon mo na yatang wish yan! Sa tingin mo wala talaga siyang pagtingin sa'yo?

I'm sure, wala. Ni hindi niya naisip na maging ganun ever, ngayon pa kaya?

Malay mo naman, di ba 'te?

I don't think so. The last time I heard, sasagutin niya na raw si ano...

This guy, 'te? sabay turo sa kanya ng instagram post.

Nanlumo naman siya sa nakita. It was a picture of Alyssa with her family greeting everyone "Merry Christmas! ❤️" . Masaya sana siya dahil masaya si Alyssa sa larawan. Pero iba ang sapantaha niya sa naging ngiti nito.

Was it because of that guy who was with them? They may not be standing next to each other, but the grin on their faces won't hide their giddiness.

Ibinalik niya ang tablet sa kapatid. See? Family picture, kasama siya. Anong ibig sabihin? Simple lang, sila na! Wala na! Wala na talagang pag-asa mangyari wish ko! Bumaba na nga tayo!

They did at naabutan nila ang pamilya niyang nagkakasayahan sa sala.

O Dennise, bumaba ka na rin sa wakas! salubong sa kanya ng daddy niya. Bakit ka ba nagmumukmok sa kuwarto mo ha? Paskung-pasko, nagsi-senti ka! Anong problema ng panganay namin? tanong nito havang yakap-yakap siya.

W..wala po, Dad, mahinang sagot lang niya.

Last Christmas na daw kasi niya with us, daddy. You know, after this, graduation, Boston and all. And...her wish list, of course!

Songs Where stories live. Discover now