Give In...

5.2K 96 0
                                    

Ms. Lazaro? Ms. Lazaro, are you with us?

I'm.....Ye...yes, Ma'am!

In that case, what is your answer?

Ca...can you repeat the question, please?

Patay, she heard someone mumbled beside her.

I'll allow your daydreaming for now, Ms. Lazaro, but not because your my top student, I'll tolerate it the next. Now, sit down.

I'm sorry po.

Now, class, who can answer my question? I hope not all of you are daydreaming like our Dennise here...

~~~~~~~~~~~~~~~

Den....Den.....Dennise! Hoy!

Ella!

Lumilipad na naman ang utak mo! Kanina pa yan ha? Swerte mo, paborito ka ni Ma'am at talagang ngayon ka lang nagkaganyan. Ano ba ang nangyayari sa'yo?

W...wala!

Sabi nga ni Ma'am, nagdi-daydream ka kanina. Hanggang ngayon pa rin yata ah. Anong meron? This is a first ah! Si Ms. Superstudious may ibang iniisip bukod sa studies.

Wala nga, ang kulit mo lang!

Ganyan ka na ha! Naglilihim ka na sa bestfriend mo! Ouch, that hurts!

Oa mo!

Eh sabihin na kasi. Sige ka, nakakaloka ang mag-isip nang mag-isa. Baka mamaya niyan, tumatawa ka nang walang dahilan.

Sira!

Sige na! Sige na! Sige na! patuloy pa rin pangungulit ng kaibigan niya. Paano pa ako naging kaibigan mo kung pati ako paglilihiman mo?

Eh...eh wala naman kasi ito!

Okay, malungkot na sagot nito, sabay tayo.

O, saan ka pupunta?

Aalis na, tutal wala naman akong silbi sa kaibigan ko o kung kaibigan nga ba akong maituturing.

Haist, sige na nga sasabihin ko na! Pero mamaya na after lunch, samahan mo ako.

Talaga?

Oo na nga, ang kulit!

~~~~~~~~~~~~~~~

O anong ginagawa natin dito sa court?

Wala pa rin siyang imik na hinihila ang kamay ni Ella papasok sa loob ng niyon.

Besh, anong ginagawa natin dito? At kelan ka pa natutong pumunta dito?

Ssshhhh! Di ba gusto mong malaman dahilan bakit laging lumilipad ang isip ko?

Yeah?

I'll show you why.

Oh....kay, pero bakit ka bumubulong? At saka bakit ang dilim-dilim dito?

Malamang, walang gumagamit. At saka, pwede ba Ella, for once, itikom mo muna yang bibig mo, puwede?

Mouth zipped! Ella mouthed as they continued going inside the place, at pagkatapos ay umakyat sa pinakasulok na seat at naupo.

Two minutes, at nakaupo pa rin sila doon.

O ano na? Anong meron dito?

Three more minutes, sagot niya habang nakatingin sa relo.

Songs Where stories live. Discover now