Chapter XXVI

6.5K 173 74
                                    

Alex POV

6 months later....

"Alex! Nandito na yung kunang pinagawa mo," sigaw ni Nana Betty.

"Opo, Nana. Salamat po," sagot ko.

"Ang baba na nang tiyan mo anak, mukang manganganak ka na." sabi niya.

"Na, 3 weeks pa po. Excited naman po kayo masyado." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Syempre, gusto ko nang makita ang apo ko sa paborito kong pamangkin." Lumapit siya sakin at mahigpit akong niyakap. "Kaya nga natuwa ako nung dito ka pumunta sakin."

Oo, nung gabing na nagyari sa bahay nila Ronald ay umalis ako nang hindi nila alam. Hindi ko na kailangan matagal pa doon at pasakitan pa ang asking puso.

Dito ako dumietso sa Bicol, sa probinsya at kapatid ng nanay ko. Kay Nana Betty.

Hindi ko sinabi sa kanila Jericka, kay Mark o kahit sa pamilya ko kung nasaan ako. Pinakiusapan ko rin si Nana na wag sabihin sa mga magulang ko.

Pero kahit lumayo ako, tumatawag pa rin ako sa mga magulang ko, para hindi sila mag-alala. Lalo na ang tatay. Nalaman ko rin na dumadalaw na ang ate Jeanina sa bahay namin. Hindi ko rin alam kung nagtatanong siya tungkol sa akin.

Ayoko nang magulo ang buhay nila. Ayoko nang magulo ang tahimik naming buhay ng baby ko.

"Ouch," daing ko ng sumakit ang tiyan ko.

"Oh, anong nangyayari sayo?" nag-aalala ng tanong ni Nana.

Napapadalas na ang sakit ng tiyan ko, pero hindi ko sinasabi kay Nana.

"Okay lang po ako Nana, sumipa lang po si Aj," nakangiti kong sabi.

"Sigurado ka ba? Baka kasi ini-stress mo naman ang sarili mo kakaisip sa kanila? Bakit di mo pa kasi sabihin sa kanila kung nasan ka? Baka hinahanap ka rin ng tatay ng anak mo? Manganganak ka na. Kailangan mo ang tatay ng bata. Hindi pang habang buhay nasa tabi mo ako." Mahaba niyang litanya. Seryoso.

" Na, sinabi ko na sa inyo, kaya ko 'to. Kaya namin' to ng baby ko. Hindi kami kailangan ng tatay niya, hindi kami kailangan ng tatay niya." halos pabulong kong sabi.

Alam ni Nana ang lahat, sinabi ko sa kanya, nung panahong nasa hospital ako. Isang araw pagkatapos kong mawala ng malay sa harap ng bahay at harap ni Nana.

Dinugo ako sa sobrang stress at pagod, buti na lang hindi bumitaw ang baby ko. Kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Oh siya, sige, hindi na kita kukulitin ulit. Maiwan muna kita." pagpapaalam niya.

"Sige po nana, ingat po."

Pero bago pa siya makalabas nang pinto...

"Nga pala, may medical mission daw sa barangay. Pwede mo ba akong samahan magpa-check up mamaya after lunch?" lambing niya.

"Sige po, wala naman po akong gagawin," sabi ko.

- - - - - -  -

Medical Mission

Tumuloy na kami sa Covered court ng barangay. Habang palapit na kami sa isa sa mga lamesa nandoon, may isang lalaking nakatalikod ang pamilya sakin. Nakasuot ng suit ng doctor.

Hindi ako maaring magkamali.

"Na," tawag ko kay nana. "Magpupunta lang po muna ako ng restroom." pagpapaalam ko.

"May problema ba?" nagtatakang tanong niya.

"Wala naman po, sige po Na."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, pero bago pa ako makalayo ay....

"Alex?!"

- - - - - -

Someone's POV

"Doc, doc?!" tawag sakin ng isa sa mga volunteer. "Dito na po tayo doc."

"Ahh, sige. Bababa na ako." bahagya akong nkatulog habang na byahe dahil siguro sa puyat at pagod.

Kakagaling ko lang sa duty sa hospital at dumiretso dito sa Bicol para sumama sa Medical Mission.

Ilan taon ko na itong ginagawa. Estudyante pa lang ako sumasama na akong mag volunteer, pero mas napadalas nung simula nung umalis siya.

Nagbabakasakaling sa mga lugar na pupuntahan namin makita ko siya. At mukang nga hindi ako nagkamali.

Kakatapos ko lang check up-in ang isang pasyente ko nang napalingon ako sa isang matandang may kausap na buntis. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Alex?!"

- - - - - - -

Author's Note:

Hi kaPervert.
Thank you sa walang sawang suporta. At para sa mga bago po dito, thank you din po.

Pardon me kung may mga nabasa kayong wrong grammar or error. I'm actually editing this. Inuuna ko lang po siyang iupdate.

Pero sana magustuhan pa rin po ninyo.

Salamat po ulit.

And please read Min Yoongi's story in tittled

Min Yoongi: Never Knew I Needed.

Original tittle po niya before is "So Far Away". Hope you like it too.

I already have it on YouTube, just search "kazuko1608". Subscribe po kayo,.

Thank you again.
Love,        
Kazuko1608

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now