Chapter X

95K 1.2K 85
                                    

----

Alex POV

"I miss you!"

"Ha?"

Hindi ko alam kung tama ang narinig ko o imahinasyon ko lang yun. Gusto ko rin kasing marinig yun sa isang tao, pero hindi ko alam kung sa kanya ko gustong mangaling o sa ibang tao. Nginitian niya lang ako. Hindi na ako nagtanong pa, baka mapahiya lang kasi ako.

Nag-enjoy na lang ako sa harutan at ggames na pakulo ng dalawang bakla na host. Kung ano-anong game ang ginawa nila at pinaunlakan naman ng karamihan. Tuwang- tuwa naman akong nanonood pero wala talaga akong balak sumali. Si Doc este si Mark naman halos lahat sinalihan. Nagmukha tuloy children party ang event.

"Hey, Alex!' tawag sakin ni JP.

Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan ulit ni Mark. Hindi na 'DOC' tawag ko sa kanya, dahil ayaw niya. Masyado daw pormal.

"We're getting more than closer, right?" sabi pa niya.

Doble meaning para sa'kin yun, kinilig naman ang pantog ko dun. Hahah.

"Asan na si RJ? Mukhang iindianin ako ng mukong na yun ah?"

Kanina ko pa rin hinihintay ang MD na yun, wala kaya akong kilala dito. Buti na lang andito si Mark.

"Ah, JP sorry. Hindi ko rin alam. Wala naman si-"

"Oh, yan na pala siya."

Halos sabay-sabay naman kaming napatingin sa entrance ng bar. Si MD, may kaakbay na maganda, sexy at matangkang na babae.

"Kaya pala natagalan," makahulugan na sabi ni JP.

Nagmakalapit sila sa'min nagpalitan sila ng bati, pati na ang kasama niyang hitad este babae. So, kilala nila ang babaeng kasama ng halimaw! Nakakatanga lang, inaya nya ako pero may iba namna pala siyang kasama. Ang sweet pa nila, paakbay-akbay pa? Misis daw ako dib a?

"Hi," bati ng babaeng hitad sa'kin.

Ngayon niya lang ako napansin? Hello! Kanina pa ako dito, ngayon mo lang ako babatiin? Dahil sa hindi ako marunong makipagplastikan at umiral ang kamalditahan ko. Hindi ko siya pinansin. At ang halimaw hindi man lang ako pinansin. Mukha ba akong hindi nag-i-exist sa mundo or invisible na ba ako?

Mukha naman siyang mabait, siyang mabait at friendly, pero dahil sa kanya naghintay ako ng matagal at nagmukhang tanga. Hindi na nga ako sinundo, pinagmukha pa akong tanga. GRRR!

"Alex," kalabit ni Mark sa'kin.

"Hmm?"

"Hindi ka na nagsalita? May problema ba?" halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Wa-wala, wala. Na-nauuhaw lang ako."

Kinuha ko naman agad ang isang baso na dala ng waiter. Hindi ko na alam kung ano ang laman nun at basta ko na lang ininum. Napaubo ako sa lasa, hindi kasi ako sanay uminom ng mga alcoholic drinks.

"Hey, hey, Alex! Easy." Bahagyang hinagod ni Mark ang likod ko.

"O-okay lang ako, Mark. Thank you," ngumiti ako sa kanya.

"Huwag kasing uminom kung hindi naman kaya," pagpaparinig ni MD.

Sasagot sana ako pero agaw eksena ang maharot na boses ng mga baklang host. Actually, dapat matuwa ako sa kanya. Natuloy ang dapat na mauudlot na first date namin ni Mark. Pero bakit ganun? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Now, guys dahil sa Friday ngayon at birthday pa ni fafa JP. Pipili pa rin po tayo ng 'couple of the night.' Announce ng unang bakla.

"Bakla, nakapili na tayo. Kanina pa," pangbabara naman ni gay2.

"Oo nga pala. Kasi naman, sa dinami dami ng love birds dito sa loob ng bar, silang dalawa talaga ang nag-shine. Buti pa sila," patuloy pa nila.

Hindi ko na sila inintindi, para kasing ang corny.

"Mark, restroom lang ako," bulong ko sa kanya.

"Sure. Samahan na kita?" alok pa niya sa'kin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Lalakad na sana ako ng tumapat sa'min ang spot light. Napatingin ako sa paligid para siguraduhin sa'min lang talaga ang ilaw. Lahat sila nakatingin sa'kin, sa'min. Tumingin ako sa stage para lang manlaki lang ang mata ko. Nakaflash ang halikan namin ni mark kanina. Paanong nagyari yun?

Floor, swallow me. Nakakahiya.

Tumingin ako kay MD. Nakita ko ang galit niya sa mata niya o galit nga ba? Hindi ako sigurado.

"Lovebirds, come over here." Malanding aya ni gay1.

"Join us," gay2.

Hinawakan ako sa kamay ni Mark at bahagyang pinisil.

"Kailangan mo na bang pumunta ng restroom?"

Umiling ako, pakiramdam ko kasi umurong na pantog pati dila ko.

"Come with me. Promise, it won't takes too long. Just trust me."

Inalalayan na niya akong pumunta sa stage.

"Whooo"

"Ang tindi mo, Mark."

"Ganda ng chix mo," sigawan nila.

"Ay, ateng. Si Doc Mark Agas pala etech." Gay1.

"Oo nga, the hottest doctor in town."

Ha? Si Mark? Hottest? Sikat? Oo, hot siya pero ang dami ko namang kaagaw. Kaagaw ko na nga si author, pati mga readers? Wag ganun. Hahah

"Doc, pakilala mo naman ang jowa mo sa'min?"

"Ateng, paalala ko lang sa'yo. Walang forever," biro pa nila.

Pag-ientertain nila sa'min.

"Hi! I would like you to meet Alexandra Mendoza. The beautiful and lovely lady."

Nang-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko kasing pula ko na ang kamatis. Pero may dapat pa pala akong ikagulat.

"My girlfriend!"

--------

Hello! Sorry sorry kung medyo natagalan. Every weekends na lang po ako makakapag-update. Sobrang busy na po kasi. Sana po supurtahan ninyo pa rin po ang love story ng Monster Doctor, ng Sex Slave at ng hottest doctor in town.

Sino po ang bet ninyo para sa ating slave?

Comment ninyo na.

Just type #teamMarLex, for Mark and Alex . And #teamRoLex for Ronald and Alex.

Announcement!!!

*Para sa may mga katanungan at gusto ng advice jan. pwedeng-pwede ninyo po ako hingian ng advice o magtanong sa'kin. Anything and I willing to answer you!

Type ninyo lang, #QandA1608

Isa-isa ko po kayong sasagutin :)

*Goodnews! <3

Para sa mga sumusupurta sa Pastor and I, complete na po siya, hindi nap o kayo mabibitin. Hope you like it.

Read, vote and comment to my other stories

- SEX clan (SPG Story)

- Pastor and I (SPG short story)

- Hatsukoi (First love NEVER dies)

Add, like and follow

Add me on facebook

Like my pages on FB

Follow me on twitter and instagram

@kazuko1608

Arigatoo guzaimasu, tomodashi

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now