Chapter VI

140K 1.6K 80
                                    

(Dr. Mark Agas is in)

--

"Daddy, can we go out and have lunch at my favorite restaurant?" aya ni Andrew sa tatay niya.

Hindi ko pa rin pinapansin si Doc, naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

"Sure, fix yourself and, "tumingin muna ito sa relo niya. "Before 12, were going."

"Yehey," masayang sigaw ng bata. "Let's go mommy. Fix yourself too."

"Ah, baby." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Alex, sige na kasama ka." Sabi naman ni Monster Doc.

I rolled my eyes, saka tinaasan siya ng kilay. Pero sumunod na rin ako para hindi makahalata ang bata na naiinis pa rin ako sa ama niya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot na damit. Isang simpleng black floral dress na above the knee lang ang napili ko. Pumasok na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo, naglagay lang ako ng konting make-up at sinuot na ang 2 inchs black primadonna sandals ko.

Patapos na ako nagmarinig kong may kumakatok.

*tok tok tok

"Mommy, I'll wait for you downstairs." sigaw niya.

"Okay, baby. Tapos na rin ako." Pagbukas ng pinto wala na siya.

Nakita ko silang mag-ama na naghihintay sa paanan ng hagdan. They both wearing a black polo shirts and maong pants. Napangiti ako, ang cute nilang tignan at copy cut ni Monster Doc talaga si Andrew. Sana lang wag pati ang masamang ugali.

Napalingon silang pareho, nagnarinig nila ang yapak ko.

"You look so sexy and beautiful at your dress mommy." Nakangiting bati ng bata.

Gumanti ako ng ngiti at hinalikan siya sa noon g makababa ako.

"And you look handsome too. Nagmana ka talaga sa'kin," natatawa kong sabi.

"Uhhumm," agaw pansin ni Doc. "Sa pagkakaalam ko, ako ang kamukha ng anak NATIN."

Parang gusto pa niyang i-empasize sa'kin ang salitang 'anak natin.'

"Daddy, did mommy look beautiful, isn't?" tanong ng bata kay Doc.

Tinignan ko siya, umiwas naman siya ng tingin.

"Yes, she looks good." Sabi niya na parang napipilitan.

"Labas ilong," bulong ko.

"What?" sigaw pa niya.

"Daddy!" saway naman ng bata ng sumigaw siya.

"Wala, tara na nga Andrew. Naninigaw na naman niyang tatay mo," at hinila ko na ang bata palabas.

Sumunod naman siya sa'min. Binuksan ko na ang pinto ng backseat at pinauna ng pumasok si Andrew. Akmang papasok na ako ng pigilan ako ni Doc at hawakan sa may braso. Lumingon ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"What?" panggagaya ko sa tono ng sinabi niya kanina.

"Damn, Alex pagmumukain mo ba akong driver?" pabulong pero may diin niyang sabi. "Sa tabi kita."

Sinara na niya ang pinto at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Ano? Titingin ka lang ba?" pagsusungit niya sa'kin.

Padabog akong pumasok at hindi ko na hinitay na isara niya ang pinto. Padabog ko itong sinara. Gago siya.

"Are you fighting again?" pukaw sa'kin ni Andrew.

My Pervert Doctor (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon