Chapter XXIV

34.9K 664 556
                                    

Jeanina's POV

Kanina pa ako nahihilo kakapabalik-balik ni RJ. Hindi siya mapakali simula ng umalis si Alex. Parang hindi niya ako kasama.

"Damn, where are you Alex?" mahina pero rinig kung sabi niya.

Hindi ko na kailangan itanong kjung bakit, obvious naman na nag-aalala siya para sa kapatid ko. Masakit para sa'kin, I admit. I know, I deserve this, iniwan at sinaktan ko siya. Di ba nga malalaman mo lang ang halaga ng PISO kapag nagkulang ang PAMASAHE mo?

Nung iniwan ko silang mag-ama hindi din naging madali para sa'kin. Masakit sa'kin ang malayo sa anak ko, para sa taong mahal ko. Oo, hindi ko mahal si RJ ng mga panahon na yun. Niloko ko siya, ginamit dahil sa nasaktan ako nung nakipaglandian si Richard dahil sa pagsulsol nila. Hindi naman nila alam na may relasyon kaming dalawa noon. Inilihim namin yun, sa kagustuhan kung wag ikahiya ni Richard. Mayaman sila, mahirap lang kami at nakita ko kung gaano kamatapobre ang pamilya niya. Kaya natakot akong matahin at hamakin nila ako.

Handa naman akong ipaglaban ni Richard pero dahil sa takot ko sa maaring mangyari, tinututulan ko siya. Kaya kami nag-away at pinatulan niya yung babaeng matagal ng nagpapacute sa kanya. Kaya sinagot ko din si RJ, it means ginamit namin silang panakip-butas.

Tumagal ang relasyon namin ni RJ, may nangyari sa'min. Alam niya na hindi siya ang akauna sa'kin perotinaggap niya. minahal niya parin  ako. Hanggang sa nagbunga, nabuntis ako. Yun ang time na ngkaayos na kami ni Richard. Inaako naman niya ang bata pero di na ako pnakawalan ni RJ sa sobrang galit niya ng tanggihan ko ang proposal niya.

Inalagaan ako ni RJ, pinaramdam ang pagmamahal niya pero di ko siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Richard. Pero all this years simulang iwan ko ang nag-ama ko. hindi ako naging masaya, ramdam ko sa sarili kong may kulang kaya bumalik ako para kunin ang dapat nararapat sa akin.

--------

Mark's POV

  "Mark? Anong ginagawa mo dito?" agad niyang pinnasan ang mga luha sa mata niya. 

"Pwede mo ba kaming iwan?" paalam kay Serich.

"Sure, basta ikaw bahala sa kanya?" nakangiti niyang sagot. "Una na ako Alex."

At iniwan na kami ni Jericka. Umupo ako sa tabi at nakatanaw lang sa dagat.

"Nakakarelax ang dagat diba? dito ka pa rin pala pumupunta?"

Napatingin parin siya sa akin na may pagtataka, nagpatuloy lang ako  ako ng pagsasalita pero sa dagat pa rin ako naka tingin.

"Nungt bata pa ako, naligaw ako dito. Ilang oras din akong nagpagala-gala hanggang sa abutan ako ng dilim. Umiyak ako ng umiiyak. Hanggang sa may isang magandang bata na lumapit sa'kin.....

FLASHBACK...

"Bata, bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba?" nakangiti niyang tanong sa'kin.

Hindi ako makasagot, para siyang isang anghel. Ang amo ng mukha niyang maliit lang.

"Wag ka ng umiyak, sabi ng nanay ko pumapangit daw ang batang umiiyak sige papangit ka. Sasamahan na lang kita."

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Ako nga pala si Alexandra, ikaw anong pangalan mo?" tanong niya ulit.

Pero para naumit ang dila ko hindi ako makasagot sa kanya.

"Inglesero ka ba? Nako, hindi pa naman ako marunong mag-english. Magsalita ka naman oh. Hindi mo ba ako naiintindihan?" parang naiiyak na niyang sabi.

Tumigil na ako sa pag-iyak at mangha pa ring nakatingin sa kanya.

"Halika nga sasamahan kita sa may Police Station."

My Pervert Doctor (Major Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin