Chapter XVII

97.1K 1.4K 103
                                    


------

Alex POV

"Ro-ronald?" 0_o nalalaki ang matang sabi ko.

Nakita niya kaya si Mark? I hope hindi, shit aawayin na naman ako nito pag-uwi sa mamaya. Ipapatikim na naman niya ang napakasarap na parusa. Teka, did i said 'NAPAKASARAP?' Erase, erase.

"Daddy," masayang salubong ni Andrew sa daddy niya.

Teka nga, di ba kahapon lang kaya sumama si sa'kin ang batang 'to dahil galit siya sa daddy niya? Chimay, baka magsumbong 'to sa daddy niya. Tiyak malilintikan na naman ako.

"Hey, Little buddy! How's your grandparents? Are they happy to see you?" masayang tanong nito sa bata.

Mukhang wala atang sumpong o dahil nasa harap kami ni Andrew at nandito siya sa teritoryo namin. Tsk, plastic.

"Lolo was sick, I heard him crying last night." may halong lungkot na sabi ng bata.

Narinig niya pala, ang talas talaga ng pandinig ng batang 'to. Ronald's patted Andrew's head and looked at me. Tumakbo naman ang bata papunta sa bahay.

"Kamusta ka?"

Nagulat naman ako. Ako ba talaga ang kinakamusta niya? Oh, dapat ba akong matuwa na sa unang pagkakataon kinamusta niya ako? O beke nemen negsesespetsye? Ansabe?

"A-ayos lang. A-aga mo atang magsundo?" nauutal kong sabi. "Uuwi na ba tayo?"

"Nope, we stay here until tomorrow. Para naman makasama pa ni Andrew ang mga Lolo't lola niya." seryoso niyang sabi.

Naiilang naman ako sa klase ng titig niya, parang nanunuri. Wala naman akong dapat itago pero feeling ko ng kasala ako sa kanya.

"Halika na, pasok na tayo sa loob. Nag-almusal ka na ba?" Tanong ko sa kanya para mawala ang awkward atmosphere.

Umiling lang siya. Nauna na akong lumakad sa kanya, naramdaman ko naman siyang sumusunod.

"Good, sabay- sabay na tayo. Hindi pa rin kami nakain ni Andrew,-" lumingon ako sa kanya.

Muntik nmana akong mauntog sa dibdib niya. (Hanggang dibdib lang kasi ako niya) Nakalapit na pala siya sa'kin ng hindi ko naramdaman. Agad niya naman akong hinawakan sa likod dahilan para lalong magdikit ang katawan namin.

"- kakagising lang kasi namin." dugtong ko sa sasabihin ko dapat kanina.

"I miss you!"

"Ha?" tama ba ang narinig ko o yun lang talaga ang gusto kong sabihin niya kaya iniimagine ko na sinabi niya? Isang part ng puso ko ang natuwa at umaasa na sana totoo.

"Do i have to repeat what i said?" masungit na naman niyang sabi. Bipolar talaga, naudlot tuloy yung kilig ko.

"Si-sige wag-"

"I said, I miss you!" Napatulala na naman ako. biglang kumabog ng mabilis ang puso o. Unti-Unti na may ngiting gumuguhit sa mga labi ko pero mawawala din pala agad.

"But it doesn't mean it's true," walang emosyon niyang sabi. "Hindi lahat ng sinasabi ko totoo, hindi lahat ng nakikita mo totoo."

Iniwan niya na akong tigalgal at nanuna na siya sa bahay. Anak ng- Basag Trip ang halimaw, ayon na. Masaya na puso ko tapos biglang may banat na ganun. Sakit ah, na-hopia ako.

"Alex, Ano pang ginagawa mo diyan anak?" Tawag ni nanay, "gutom na daw ang mag-ama mo."

Mag-ama ko? Oo nga pala, sinabi ko na sa kanila pero ang sarap sa pakiramdam iyong sabihing mag-ama ko. Parang pagmamay-ari ko n talaga sila. Haiy, nako, tama na nga pag-aasume, baka ma-hopia na naman ako.

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now