Chapter VII

122K 1.5K 53
                                    

(Dahil natuwa ako sa inyo at kahit hindi pa naabot ang kuta natin update na ako hahah)

the hot and sexy Beauty Gonzales our own Sex Slave

---

Gabi na ng makauwi kami ng bahay, dumaan pa kami sa Tom's World at naglaro kami ni Andrew. Kami dalawa lang dahil yung isa busy sa pagkutingting ng pinakamamahal niyang cellphone. Sa isang fast food restaurant na lang kami kumain bago umuwi. Sa sobrang pagod nakatulog na si Andrew habang nakakandung sa'kin. Hindi ko din namalayan naka-iglip din ako. Sino ba naman kasing hindi aantukin? Iyong kasama mo wala man lang ginawa kundi ang kumunot ang noo at ang sama pa ng tingin.

"Wait," akmang lalabas ba ako ng kotse ng pigilan niya ako.

Sa wakas nagsalita rin ang hudas, isang word nga lang. Mabilis siyang bumaba at binuksan ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya si Andrew sa mga bisig ko, pero hindi sinasadyang nahawakan niya ang dibdib ko. Awtumatikong sumama ang tingin ko sa kanya pero siya nakangiti ng nakakaloko. Parang sadyang hinawakan niya.

"Bastos," pabulong ko.

Pagkakuha niya sa bata, hindi ko na siya hinintay. Dirideretso akong umakyat at agad na nilock ang kwarto ko. Maya-maya may kumatok sa pinto ko.

*tok tok

"Alex, gisingin mo at pagpalitin mo ng damit si Andrew." Tawag niya.

Hindi ako sumagot.

"ALEX! Ano ba?" nasisimula na naman siyang sumigaw.

"Oo, magbibihis lang ako." Balik sigaw ko.

---

Monday

Hinatid namin si Andrew sa bahay ng lola niya. Sa nanay ni Monster Doc. Ayaw pa sana ng bata, dahil gusto pa raw niya akong makasama. Pero dahil sa may pasok siya napagkasunduan na lang naming na every weekends sa bahay ng daddy niya siya pupunta.

Pagdating sa bahay nila. Agad kaming sinalubong ng isang matandang babae na nakangiti sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali siya ang mama ni Ronald. Agad na tumakbo si Andrew sa matanda.

"Grandma," yumakap siya sa matanda. "I miss you grandma."

"Oh, I miss you too, apo!" hinalikan niya ang bata sa pisngi.

Tumingin ang matanda sa'kin. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"Good Morning po," bati ko.

"Good Morning din iha," lumapit siya sa'kin.

Nagulat ako dahil bigla niya akong yinakap at hinalikan sa noo. Hindi ko alam kung gaganti ako ng yakap sa kanya, nakakahiya. Isang mayaman at sosyal na babae, yumayakap sa tulad kong dukha.

"Masaya ako at dumating ka. Pinasaya mo ang apo ko." Nakayakap pa rin siya sa'kin.

Yumakap na rin ako sa kanya.

"Masaya din po ako," naiiyak kong sabi.

Naging emosyonal na naman ako. Dahil siguro namimiss ko na rin ang nanay ko.

"Mom, ako ba hindi mo yayakapin?" agaw pansin ni Ronald sa'min.

"Oh, iho sorry sobrang natuwa lang ako sa dinala mo dito sa bahay." Bumitaw ang matanda sa'kin.

"Parang gamit lang ang dinala ko ah," natatawang sabi ni Ronald.

Napangiti ako, nakita ko rin ang isang totoong saya sa mga mata ng masungit, manyakis at ubod ng poging Monster Doc.

"Iha, sinisigawan ka ba nitong si RJ? Pagpasensyahan mo na ito, napakasumpungin yan." Natatawa niyang sabi habang yakap si MD. (Short for Monster Doc.)

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now