Chapter XXIII

33.9K 608 379
                                    


------

ALex POV

"A---Ate?" tawag ko sa babaeng kahalikan ni Ronald.

Sana malki lang ako ng nakikita, pinaglalaruan lang ako ng imahenasyon ko. Hindi maaaring siya yun. Unti-unti naman lumingon ang babaeng tinawag ko at parang gumuho ang mundo ko. Ang ate ko nga, buamalik na.

"A---Alex? Ikaw ba yan?"

Lumapit siya sa'kin, tinitigan ako at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang mga luha niyang pumapatak sa balikat ko. Hindi ko magawang yumakap pabalik.

"Ikaw nga Alex, kapatid ko," sabi pa niya.

Hindi ako sumagot, nagngingitngit ang damdamin ko. Anong karapatan niyang tawagin akong kapatid? Pagkatapos niya kaming iwan at saktan ng basta basta. Hindi man lang inalam kung ano mararamdaman ng magulang namin, ng pamilya niya, ng anak niya, ni Andrew.

"Kamusta kayo? Sila nanay? Si tatay?" sunod-sunod niyang tanong.

Pero kahit isa, hindi ko magawang masagot. Nalunok ko na ata ang dila ko. Natutuwa ako na bumalik na siya, pero nandun pa rin yung nararamdaman ko yung galit at selos. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako.

AKO LANG NAMAN ANG PUMALIT SA POSISYON MO BILANG INA NI ANDREW. ANG PINAGSASAKITAN NI RONALD. NA DAPAT IKAW  ANG NASASAKTAN NGAYON AT HINDI AKO. Sigaw bg isip ko.

"She's here because..." singit ni Ronald.

"Because what?" tanong ni Ate Jeanina.

"Because she works for me. MY MAID," dugtong nya na may halong diin.

Putangina, gusto ko siyang saktan. Bakit di niya sabihing "She's my sex slave" tulad ng pinamumukha niya sa'kin?! Bakit di niya sabihing nandito ako para pagbayaran ang sakit na iniwan ng ate ko?

"Let's go babe. Dun tayo sa office mag-usap." Aya ni Ronald kay ate.

Babe? Nagkabalikan na ba sila? Whoo, ibig sabihin ba nito tapos na ang papel ko sa buhay ni Ronald? Napaluha ako sa tanong na yun. Dapat matuwa ako dahil tapos na ang kalbaryo ko sa piling niya. Pero....

"Baby, tayong dalawa na lang muna. Ang daddy kasi may ibang pamilya pero don't worry love ka rin niya, for sure." kausap ko sa sinapupunan kong di pa naman naumbok.


--------

Mark POV

Palabas na ako ng opisina ng kaibigan ko dito sa ospital ng may matanaw akong pamilyar na babaeng palabas na rin ng hospital.

"Alex!," tawag ko pero parang wala siyang narinig. Nagmamadali siya.

At sa sobrang pagmamadali niya, nalaglag ang isa sa mga papel na hawak niya. Dali-dali kong kinuha yun at hinabol siya. Pero nakasakay na siya ng taxi bago ko pa siya maabutan. Hindi ako pakialamero pero di ko mapigilan hindi basahin ang kung anuman ang nasa papel na hawak ko, na sana hindi ko na lang pala ginawa. :(


--------

Alex POV

Kasalukuyang akong nagluluto ng pananghalian namin ng lumapit ang ate ko sa'kin.

"Alex, kamusta ka na? Paano mo nakilala si RJ?" tanong niya.

Pumikit ako pra pigilan ang emosyong nagbabadyang bumuhos. "RJ" so ganun sila kaclose , oo nga pala mahal nga pala siya ni RJ na yun. Humarap ako sa kanya.

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now