Chapter 30: James

Start from the beginning
                                    

Ayos na ‘yung mga sakit na nakita at naramdaman ko nung gabing iyon. Masyado na akong wasak at durog kapag nagmamahal. Daragdagan ko pa ba?

“Bakit ka ba nagkakaganito, James? Ano? May problema ba tayong dalawa? May nasabi ba akong masama? May nagawa ba akong mali na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo naman, James. Para hindi ako nagmumukhang tanga kaka-isip ng maaaring dahilan mo!”

“Hindi mo na dapat pang malaman ang rason ko. Wala naman iyon saiyo.” Inayos ko na ang aking sarili at maglalakad na sana ako ng biglang hawakan ni Jonathan ang aking braso.

Naging mahigpit ang kaniyang paghawak sa aking braso na siyang naging dahilan upang mapa-aray ako sa kaniyang ginawa. Agad naman nitong binitawan ang aking braso at humingi siya ng despensa sa akin.

I can’t hold my tears any longer but to let them flow down to my face. Ano bang mali ang nagawa ko, para maramdaman ang pagkabigo sa pag-ibig? Ano ba ‘yung dapat kong gawin para ako naman ang piliin ng taong nagugustuhan ko.

“I’m sorry, James. H-hindi ko sinasadya na masaktan ka.” Taranta nitong sabi sa akin.

“Jonathan, please? Ayoko na. Puwede bang layuan mo na lamang ako. Sawa na akong masaktan ng paulit-ulit. Sawa na ako—na lagi na lang ganito ang aking nararamdaman. Jonathan, please, leave me alone. Ayoko na.” While I’m saying these words to Jonathan. I saw him shrugged his head.

Halos hindi ako makabuo ng mga salita. Nahihirapan akong magsalita dahil sa pag-iyak na aking ginagawa. Sumisikip na rin ang daanan ng hanging sa aking katawan na siyang dahilan ng pagsikip ng aking dibdib.

Ayokong gawin ang bagay na ito. Ayokong tapusin ang anumang ugnayan mayroon kami ni Jonathan sa isa’t-isa. Halos ilang buwan kaming naging magkaibigan. Hindi madali para sa akin ang gumawa ng isang desisyon na kung saan parehas kaming masasaktan.

Pero, kung hindi ko na gagawin ang bagay na ito. Paano na lamang ako? Paano na lamang ang puso ko na laging lumuluha at nasasaktan? Paano naman ‘yung ako na laging nagmamahal, pero umaasa lamang pala sa wala.

Sawa na ako. Sawa na ako na laging talo sa pag-ibig. Kailan ko ba mararamdaman ang tunay at totoong pag-ibig na nararapat para sa akin. Kailan ko ba makikita ang taong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal na hinahanap ko.

I do always cried for nothing. I lost myself like it was nothing to do with it. It seems that I already losed my hope for love.

“James, why did you always do this to yourself? Do you really want to feel the pain instead to feel the happines? Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka-ganito. Please, tell me. I’m gonna help you out.” Saad niya sa akin.

How could he help me, if he’s the only reason why I’ve felt this way. I can’t. I can’t tell him my reasons. He doesn’t need to know my love for him.

Nang wala siyang salita na narinig mula sa akin. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang makapagsalita. Pero, nagulat ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. How could he know that? Paano?

“Kaya ka ba nagkakaganito—ay dahil sa may nararamdaman ka para sa akin? Alam ko ang lahat, James. Nakita kita nung umuulan. Doon ko nalaman na may kakaiba kang nararamdaman para sa akin.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. At nilapitan ako nito, hinawakan niya ang aking mukha na tila ba ay kinakabisado niya ang aking kabuuan.

“P-paano?” Nauutal kong tanong sa kaniya.

“I saw you on that day, James. Kitang-kita nang dalawang mata ko kung gaano ka nasaktan sa ginawa ko. Kung paano mo hilingin na sana ay ikaw na lang. Sana ay hindi na lamang si Alyn. Narinig ko lahat nang iyon. I tended to not to asked you that thingy. Hinihintay kong ikaw mismo ang umamin sa  akin. Pero, hindi iyon ang inaasahan ko na gagawin mo.”

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now