Ramdam ko ang pagod ng aking katawan dahil na rin sa init ng panahon ngayon. Hindi ko maiwasan mapapikit. Maling mali ata ang aking  naging desisyon na mag bike ngayon.

Ilang minuto ang lumipas bago ko narating ang bahay nila Rio. Sana ay nandito s'ya, wala rin kasi ako sinasabi sa kanya na pupunta ako ngayon.

Sa sobrang taranta ko rin kanina dahil sa pag iisip sa aking misyon ay kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa aking isipan.

Pinapasok agad ako ng guwardiya ng makita ako. Kilala na rin kasi nila kung sino ako, kahit na isang beses lamang ako napadpad rito. Hindi ko alam sa paanong paraan ako pinakilala ni Rio sa mga guwardiya nila.

Pag pasok ko sa loob ng bahay nila Rio. Ang sumalubong sa'kin ay katahimikan lamang. Nakakalungkot naman tumira dito. Sobrang laki ng bahay nila ngunit napakatahimik.

Mabuti na lang pala talaga at meron kaming Ashley na laging nag bubunganga sa bahay.

"Magandang hapon po" bati sa'kin ng isang kasambahay nila Rio.

Hindi ko alam kung gagana ba ang aking plano ngayon at kung magagampanan ko ba dahil hindi ko naman 'to pinag planuhan ng maayos. Bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang pang limang hakbang.

"Nandyan po ba si Rio?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

Alam ko na ang panget kong tignan ngayon dahil sobrang pawisan ng aking buong katawan ngunit wala akong magagawa pa.

Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha dahil baka asarin lamang ako ni Rio kapag nakita n'ya na napakadungis ko at amoy araw.

"Opo nasa kwarto po n'ya" tugon n'ya sa'kin. Tumango lamang ako at hinatid n'ya ako sa may labasan ng kwarto ni Rio.

"Maraming salamat po" wika ko. Ngumiti lamang si Ate at iniwan na 'ko rito sa may harapan ng pintuan ng kwarto ni Rio.

Nakaramdam agad ako ng kaba. Itutuloy pa ba o huwag na lang?

"Pabigla bigla ka kasi" wika ko sa aking sarili.

Hinawakan ko ang door knob ng pintuan ni Rio. Nanlalamig ang aking mga kamay hindi ko alam kung bakit ako ng naramdam agad ng ganito.

Dahan-dahan ko pinihit ang pintuan ng kwarto ni Rio. Hindi ko alam kung dahil ba sa aking misyon rito kaya ako kinakabahan ngayon o may ibang pang dahilan.

Pag kabukas ko ng kwarto ay pumasok kaagad ako. Ang lawak ng kwarto ni Rio at ang linis tignan.

"Mukha naman wala s'ya rito" mahina kong wika sa aking sarili.

Lalabas na sana ako ngunit may bigla akong narinig na ingay na nang gagaling sa isang pang pintuan rito sa loob ng kwarto ni Rio.

Dahan-dahan muli ako lumapit sa pintuan. Sobrang bilis ang pag tibok ng aking puso. Ramdam ko na may hindi magandang manyayare pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi tignan kung ano ang aking narinig.

Pinihit ko agad ang pintuan at tinulak agad. Umatras ako bahagya nang mabuksan ko ang pintuan.

Nang hina ang aking mga tuhod sa aking nasilayan. Hindi ko akalain na kaya itong gawin ni Rio.

Napahiwalay si Rio sa pag kakahalik sa kanya ni Marina nang makita n'ya ako. Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng aking mga luha. Ang sakit.

Hindi ko inaasahan na may makikita akong ganito ngayon araw. Dapat pala ay hindi na 'ko tumuloy rito. Dapat pala ay umuwi na 'ko simula pa kanina.

"Faith" wika ni Rio. Aakma s'ya lalapit sa akin ngunit inunahan ko na s'ya.

"Huwag kang lalapit sa'kin!" Pasigaw kong wika.

"Nag kakamali ka ng pag kakaiintindi" saad ni Rio.

Aakma s'yang lalapit muli sa'kin ngunit umatras ako.

"Sinabing d'yan ka lang!" Sigaw ko. Tinignan ko si Marina na nakayuko lamang ngayon at umiiyak na rin "Hindi ko akalain kaya mo 'tong gawin! Mahiya ka naman nandito rin si Marina" Saad ko.

"Makinig ka muna sakin, please. Mag papaliwanag ako"

"Hindi mo na kailangan mag paliwanag. Kita ng dalawa kong mata ang lahat!" Saad ko at pinunasan ang mga luha na patuloy pa rin sa pag agos.

"Please, Faith" pang mamaka-awa ni Rio. Lumapit s'ya sa'kin ng dahan-dahan.

"Kapag lumapit ka sa'kin. Kakalimutan na kita" mahina kong wika.

Napatigil s'ya sa pag lapit at halatang nagulat sa aking nabanggit.

"Simula ngayon" wika ko habang nakatingin sa kanyang mga mata "kakalimutan na kita"

Tumalikod ako sa kanila at tumakbo papalabas ng bahay nila Rio. Sobrang sakit ng aking puso, durog na durog.

"Faith!" Rinig kong tawag sa'kin ni Rio ngunit hindi ko s'ya pinansin at inayos ang bisikleta upang makaalis.

Habang pabalik sa bahay ay hindi pa rin matigil sa pag tulo ng aking mga luha. Si Rio ang naging dahilan kung bakit nag kaletche-letche ang aking misyon. Pag katapos kaya lang n'ya ko pag taksilan.

Hindi ko lang matanggap na pati si Marina ay pinag taksilan ako. Silang dalawa na sobrang mahalaga para sa'kin.

Simula kelan pa? Bakit hindi ko napansin, nag kulang ba ko? Halos lahat ng oras ko nilaan ko na para kay Rio.

Hindi ko na nga napagtuunan ng pansin ang aking misyon para lamang mag karoon kami ng oras sa isa't isa. Tapos ngayon ganito lang?

Habang ako ay nabibisikleta ay biglang buhos ang ulan. Huminto ako sa may gilid ng kalsada.

"Napaka malas ko naman!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang aking mukha na basang basa na rin dahil sa ulan. Tumingala ako at sumigaw "pagod na 'ko! Panalo ka na" sigaw ko muli.

Umupo ako sa sahig at umiyak muli. Kung ano'man ang plano ng may akda sa'kin ngayon, wala na akong pakielaman. Sawa na ako. Ayoko na. Tao lang rin ako, napapagod.


















VeracityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora