Chapter 17. Dark Night

16.8K 270 30
                                    

Chapter 17. Dark Night


"I want you to be happy." sabi niya sakin habang nakatingin kami sa ulap. Naisipan niyang pumunta dito. Gabi na nga eh, hindi ko nga akalain na maalala niya pa talaga tong lugar na to, OA lang siguro talaga ako. May iba lang talagang hindi naaalala si Dave, ako naman, nilalahat ko na.

Nandito kami sa lugar kung saan siya nag propose sakin, matagal na rin yun. Naalala niyo pa ba yun? Ang daming fireworks nun diba?

Hindi ko na nga alam kung matutuloy pa ba yun.

Ang plano nga pag naka-graduate na ako diba? Mas ahead kasi si Dave sa'kin.

Napangiti lang ako ng tiningnan ko siya. Nakatingin pa rin siya sa taas, binibilang pa ata ang stars.

"Sabi mo eh." napatingin din siya sa'kin. 

"Hindi ka ba natatakot?" tanung niya sakin? Ano pa bang pwede kung katakutan?

Umiling lang ako tapos kumunot ang noo niya.

"Still so stubborn..." he let out a chuckle, "...Alam mo bang hindi ko na maalala kung nag anniversary na ba tayo? Wala akung maalalang date." natawa lang ako sa sinabi niya, bigla kasing kumunot ang noo niya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko rin alam." tapos sabay pa kaming napatawa. Hindi ko rin naman talaga alam. Ni hindi ko nga alam kung kelan kami naging official.

Ang kulit lang.

Tumingin na naman siya sa ulap, nakatitig lang ako sa kaniya.

"Pag namatay ako..." biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya, "...I'd like to be a star...your star." tapos tumingin siya sa'kin.

Wala akung masabi, baka kasi mapansin niyang nalulungkot na naman ako, mas lalo lang siyang mag-aalala. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya tapos ngumiti.

"I-I'm sure your going to be the most handsome star in the sky."  I managed to say the words then smiled as if wala lang, pero ang sakit, parang ang hirap mag pigil.

Lintik lang.

"Pag namiss mo ako, tingin ka lang sa taas. I'll be the brightest." tapos nag wink siya sakin.

Niyakap ko lang siya, baka kasi mapansin niya sa mukha ko ang lungkot. Hanggang sa hindi ko na nga mapigil ang luha, niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Ang sakit. Sobra, para na akung sasabog. Pinipigil ko lang ang humagulgol. 

Hindi ako bumibitaw sa pagkakayakap, siya rin. Alam niya naman siguro kung gaano kasakit.

"I'm sorry." narinig kung sinabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry, kaya tumahimik lang ako.

"I'm sorry for being sick." bulong niya sa'kin.

I just made a sound, sana maisip niya na hindi niya kasalanan.

Bumitaw ako at pinunasan ang luha, hinawakan niya naman ang pisngi ko habang ginagawa yun tapos napatingin na ako sa kaniya.

"Please promise me that this will be the last time I'll see you cry." he said with a serious tone. Hindi ko maiwasang ilabas ang questioning look ko. Ang hirap naman nun.

"Hindi ko ata kaya..." sabi ko.

"Kayanin mo, baby please." 

Napapikit ako. 

Kaya ko naman lahat eh, bakit hindi.

Yun lang naman.

Tumango na lang ako habang nakapikit pa rin then I felt his lips softly kiss mine. The soft, gentle knowing kiss. Para pa rin akung nasa cloud nine everytime.

Gabi na ng makabalik kami sa bahay nila Dave. Pagkatapos nun, umuwi na rin agad ako. May napagusapan kami bago kami mag hiwalay, na wag daw muna akung pumunta sa bahay nila bukas dahil may session daw sila ni Dr. Shu, yung neurologist nila.

Sabi niya sakin magpahinga na lang daw muna ako. Kitams, parang ako pa yung may sakit.

Kaya eto, inumagahan na lang ako at lahat na, parang wala pa rin akung tulog sa sobrang pag-aalala kay Dave. Parang iiyak na naman ako pag naiisip ko lang na nahihirapan niya, pero wag! Pigilan na ang pagiyak! Nag promise ako kay Dave.

"Oi bakla, di ka ba pupunta kay Papa Dave? Kamusta siya?" napatingin ako kay Kathy. Bagong gising.

"Hindi, may appointment siya sa doctor ngayon, ayaw niya akung papuntahin eh. Okay naman siya." sabi ko. 

"Be strong dear." hinawakan niya lang ako sa kamay tapos ngumiti.

All I can do is smile too.

6:30 p.m na ng tumawag ako kay Tita Viel kung pwede bang pumunta sa bahay nila. Baka kasi hindi pa sila dumating galing sa doctor, malay mo.

Sabi ni Tita, andun naman daw sila buong araw dahil ang doctor naman daw ang pumunta dun. Nagtanung nga kung bakit wala daw ako dun, hindi ko na lang sinabi na ayaw ni Dave. Kaya eto, pupunta na ako dun pero dadaaan pa ako sa mall para bumili ng prutas. 

Hinatid na rin ako ni Kathy sa mall.

Dumiretso na agad ako sa supermarket.

Aist! Eto na naman yung feeling na parang may nakatingin sakin. Palagi na lang ba? Everytime na lang na napupunta ako sa mall!

Nakakailang, feeling ko talaga napapa-paranoid na ako. May sakit rin ba ako?

Pinuno ko na agad ng pomelo, saging at kung anu-ano na ang cart ko tapos dumiretso na sa counter para mag bayad. Sa takot ko lang na parang may nakatingin nga sakin.

"Salamat." sabi ko sa cashier ng inabot niya ang sukli ko.

Bago ako umalis, naisipan kung dumaan muna sa bakery. May tinapay kasi akung natikman na binili ni Kathy dito sa SM, ang sarap. Ano ba yun? Cheese Melt daw ang pangalan eh.

Dapat bilisan ko naaa...feeling ko talaga may mangyayari. Magnet pa naman ako sa gulo, diba nga? Sabi pa yun ni Ash eh. Mag-aalala lang si Dave.

Pagkatapos ko ngang makabili, lumabas na agad ako ng mall. At sa lahat ng pwedeng malasin, ako pa. Walang nakaparadang taxi. Buti na lang andiyan si Manong guard para bantayan ako. Ang lakas pa naman ng hangin tapos parang uulan.

O_O

Is this for real?

Umulan nga.

Bigla na lang bumuhos ang ulan. 

>.<

Wag na lang kaya ako mag-isip.

Hay naku! Wala pa talagang taxi.

"Maam hintay lang po tayo, may taxi rin po na papasok." sabi ni manong guard sa'kin. Tumango lang ako. Napansin niya sigurong parang kanina pa ako balisa.

Ilang minuto pa, wala talagang dumaan na taxi. Bad terp naman oh! Gagabihin ako nito.

Ang dami ng huminto at umalis na sasakyan, pero hindi naman taxi.

*PPEEPP* Nagulat ako sa bumusinang black na mercedez. Ang yabang lang, balang araw bibili ako ng ganiyang kotse!

Tumalikod na lang ako. Ang tagal talaga ng taxi.

*PPEEP* Ang ingay pa!

"Maam, excuse po." napatingin ako sa guard tapos may tinuturo siya. Yung sasakyan na kanina pa bumubusina.

Unconciously, napasilip naman ako sa window, tapos biglang bumukas.

Teka...

Totoo ba tong nakikita ko?

Duke?


BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now