Chapter 12. The Reunion

18.8K 290 20
                                    

Chapter 12. The Reunion

"Sama ka sa'kin." biglang sabi nya sa'kin pagbukas ko pa lang ng pinto, wala man lang introduction?

"Sasama saan?" tanong ko.

"Oy bakla! Pumasok kayo dito, bad omen ang nag uusap dyan." sabat pa ni Kathy. May bago kasing jowa, Chinese,kaya nag kukunwaring mapamahiin. Naks! Devoted.

Hinila ko na si Dave papasok, "Tol." haha. Yun yung bati nya kay Kathy.

"Oh san ba?" tanung ko na ulit bago pa makapag react si Kathy.

"High school Reunion daw." natawa ako sa parang constipated look nya.

"Talaga?Aattend ka?" never kong naisip na dadalo si Dave sa mga ganito.

"Kailangan eh. Guest speaker si Mama. Sama ka ha?" kaya pala. Teka...

"Ba't pati ako kasama?" anung gagawin ko dun? Matutulog?

"Wala lang. Para makilala nila ang wifey ko." parang tumigil ata puso ko. Tubig!

Sa tagal ng pagsasama namin ni Dave,hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Sheme!

"Bakit di mo sinabi sakin to kahapon?" Oo nga, imposible namang ngayon lang nasabi.

"Tss. Sorry, nakalimutan." nagpa-cute pa -_-

"Kelan ba yun?" sasabihin nya agad,mamaya,kasi nakalimutan nya.Tsk.

"Bukas pa po. Teka, sasama ka ba?" constipated look na naman.

"Depende." Sagot ko. Magagalit to.

"Anung depende. Rape kita,gusto mo?" -_- kasalanan ni Elle to. Galing ng pang-bribe.

"Sabi ko nga,may sinabi ba akung di ako sasama?" nagtanung pa sakin na parang may choice talaga ako ha.

"Good." sabay halik nya sa noo ko.

Reunion

"Buti nga guest speaker si Tita Viel eh. Or he would'nt attend." sabi ni Ash habang nagda-drive.

Sila ang sumundo sakin. Nauna na daw kasi si Dave sa reception,since sa Marco Polo rin naman yun. Dun rin ang condo nya diba.

"By the way Alex, you look good. You should dress up sometimes." namula pa ako sa sinabi ni Elle.

"Binigay ni Dave kahapon." sabi ko. Akalain mo,naguusap pa lang kami kung sasama ako o hindi,tapos may binili na pala sya.

"Oo nga, kasama kami nung binili yan. Dapat nga yung backless yung binili pa--ARAY!" mina-maniac na ako ni Elle, sira ulo to. Napalo ko tuloy, "...masakit Alex ha, joke lang nga eh."

"Tantanan mo ako Elle!" ~_~ naka ninja-mode ako ngayon.

"Hey Alex stop.Para kang tomboy na naka-dress dyan." isa pa tong si Ash.

Ang gulo namin kapag kaming tatlo ang magkasama.

Haaayy...

Elle's POV

As usual, we got here late. I really like the dramatic-late entrance style.Attentions on me people!

And damn! Hot highschool girls everywere.

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now