Dear lahat,

13.1K 227 52
                                    

Hello!

It's been over 2 years ng simulan kong isulat ang Book 1: For The Love of a Gangster, yun yung first time na sumulat talaga ako na alam ko talagang tatapusin ko, though hindi ko expected na may magbabasa talaga nun.

So ang letter na ito ay para sa mga readers simula pa noong una, hindi talaga ako aabot sa point na dumami na talaga ang 'recruit' ko kung hindi dahil sa pagbabasa niyo ng mga stories ko. Hindi ko na kayo iisa-isahin baka may makalimutan pa ako XD

A year ago, may nag message sa'kin, siya talaga yung first-ever super fan ko. Kaso sa tingin ko wala na siya sa Wattpad, isa rin siya sa mga reason kung bakit talagang gusto ko dito mag stay. 

Pasensya na rin kong masyadong maraming typographical/grammatical errors, hindi ko na binabasa after kong itype, nakakapagod kaya. Kahit sa softcopy hindi ko naman ini-edit *sigh* pasensya na talaga. Pasensya na sa mga hindi ko narereplayan agad sa mga messages or comments, binabasa ko naman yan. 

Alam kong hindi talaga na 'live-up' ang hinahanap niyong gangster theme na story, pero I really tried my best. Sana sa ibang story na mga nagawa/ginagawa ko makikita niyo ang improvement. Naks!

Salamat sa mga votes, comments pati na rin sa pagtatyaga lalo na sa pag hihintay ng updates, alam ko yung feeling. At kung sakali mang umabot sa point na talagang may magba-bash or criticize  sa stories ko, good luck na lang ;) 

Salamat sa mga newfound friends, sa mga nagme-message. 

Salamat sa mga nagre-recommend sa mga classmates/relatives/friends nila. Sa gumawa ng FanFic, salamat!

Salamat sa mga nagpupuyat basahin ito. Yung sa mga uma-absent diyan (ahem) naaalala ko pa kayo.

Naaalala ko kayong lahat. Yung mga halos inuumagahan na, at yung mga naghihintay talaga sa update, yung alas-3 na ng umaga may notification pa ang newsfeed ko ng votes or comments niya, yung mga super sweet mag leave ng message na halos hindi ko na alam paano rereplayan, yung mga nagdedicate sa akin ng stories nila, yung mga naglagay ng reviews and recommendations at sa mga aliens sa Facebook group. Salamat sa inyo.

After so many years, matatapos na naman ang Book 2: Never Forget. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano gagawin ang ending, baka kasi ma-disappoint ko kayo sa ending na gusto ko. Gusto ko lang malaman niyo na years do not guarentee a forever or even a happily ever after. Gusto ko sana maging reality ang story na ito, pero naiisip ko, sayang naman kung ma-disappoint ko kayo. 

Sa mga nagtatanong, bakit ang dami nilang problema? Wala pa akong boyfriend, lahat ng mga sinusulat ko ay base sa mga naririnig ko or love story ng mga friends ko...so malamang nahawa ako sa mga problema nila.

Oo nga pala, bago ko makalimutan. Ang dalawang book na ito ay dahil kay FRIDAY GUY. Nainlove kasi ako sa taong hindi ko pa alam ang pangalan at nakita ko lang sa bus noong August 12, 2011. Share lang. Click the external link!

So yun lang. Sana hindi niyo ako makalimutan, ako pala si April ^_^ Kalimutan niyo na ang lahat, pati characters, wag lang AKO! Importanteng tao ako. HAHAHA.

Thank you!

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now