Chapter 13. It's Something

17.7K 261 19
                                    

Chapter 13. It's Something


"Okay na siya, he just need some rest." sabi sa'min ng Doctor niya. Ang doctor niya, nakakapagtataka. Siya yung babaeng maganda na inabutan namin sa condo ni Dave nung pinuntahan namin siya noon. Yung umalis siya ng bansa.

"Can I talk to you for a moment?" sabi ng Doctor ni Dave sa'kin. Tumango lang ako, hindi pa talaga ako maka-get over na doctor siya ta hindi yung alam mo nang iniisip ko.

"Ah teka doc! Ako na po..." hinila agad ako ni Ash, nagulat naman ako, "...ako na dito Alex, bantayan mo na lang si Dave." 

Ganun na lang at siya na ang kumausap sa doctor.

Teka, merong mali eh. May maling nangyayari dito pero hindi ko alam kung ano. Una, yung envelop na binigay ni Lance dati, sabi ni Lance para yun kay Dave. Ni hindi ko man lang nalaman kung anung laman nun, at bakit pagkatapos nun hindi ko na agad nakita si Lance?

Ikalawa, yung pag-alis ni Dave. Pinalagpas ko lang yun, pero hindi ko makalimutan na umalis si Dave na walang paalam papuntang America, anung meron dun at ang bilis niyang nawala. Natiis niya ako ha.

Ikatlo, yung doctor. Siya rin yung babaeng nasalubong namin papasok sa condo ni Dave noon. Anung meron sa kaniya at  parang ayaw ni Ash na ako ang kausapin ng doctor? May nangyayari ba kay Dave na di ko alam?

"Oi Alex!" bigla akung naalimpungatan sa pag-snap ng finger ni Elle sa harap ko. "... kanina ka pa tulala diyan."

Ngumiti lang ako at tinabihan si Dave.

May bandage siya sa ulo, meron din sa katawan. Masyadong matindi ang pag-bugbog sa kaniya, hindi ko alam kung anung motibo ng mga 'kaibigan' niya, wala na rin akung balak alamin kasi andiyan naman si Elle at Ash para asikasuhin ang mga bagay na yan. Kahit na tanungin ko pa man, wala rin akung makukuhang matinong sagot.

Pero si Dave.

Anung nangyayari na hindi ko alam? Meron ba akung dapat ipag-alala?

Ito na ba yung moment na malalaman kung mamamatay si Dave dahil may sakit siya? At iiyak ako tulad sa mga nababasa kung sad story? 

"Elle?" mahina kung tawag.

"What?" 

"May nangyayari ba?" seryoso kung tanung.

"Well, technically. Yes, your boyfriend got beaten and you're speaking to me and..." hinayaan ko na lang mag mumble si Elle ng mga kung anu-ano. Sabi sa inyo hindi rin ako sasagutin ng matino eh.

Hinimas ko ang buhok ni Dave, sana magising na siya. Ah hindi, wag muna, kailangan niya pang magpahinga kasi alam ko pag gising niya, ako na naman ang aatupagin niya. Enrolment na sa school bukas, I mean sa school nila Dave.

Okay lang naman siya kahit na mahuli siya sa enrolment kasi sila naman ang may-ari ng school. Pero kahit na boyfriend ko siya, gusto ko ako pa rin ang nagpapa-enrol sa sarili ko, yun nga lang hindi ko alam kung paano, pero sabi nila Ash tutulungan naman nila ako, kasi nga 'scholar' nga daw ako dun, nino? eh di ni Dave ( _ _")

Mayamaya pa pumasok na si Ash.

"Oh asan na ang doctor?" tanung ko ng hindi ko makita na kasama ni Ash pumasok.

"Umalis na." sabi niya at umupo sa stool malapit sa kama. Oo nga pala, nandito kami sa bahay nila Dave, wala sila Tita Viel at Tito King kasi nasa ibang bansa pa daw, at napagdesisyonan namin na wag na rin sabihin sa kanila ang nangyari kay Dave.

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now