Chapter 27. The Masochist

15.9K 314 100
                                    

Chapter 27. The Masochist

"Wow girl, wala talaga akung masabi. Ikaw na talaga ang tanga. At wag mo irason sakin yang pagsama mo sa tatlong yan ha."

Napabuntong hininga lang ako, kausap ko na naman si Kathy sa Skype.

"Hindi ko naman alam na ganun pala ang mangyayari eh." sabi ko. Hiyang-hiya talaga ako sa katangahan na ginawa ko kagabi.

"Alam mo naman girl eh, it's not good na you're friends with THE friends of your former hubby." halos kainin na ako ng mga pangangaral ni Kathy.

Simula nung nag break kami ni Dave at nung umalis si Kathy, sinabihan niya talaga akung hindi na lumapit kila Elle, Ash...at kay Duke. Sabi niya hindi daw maganda tignan, sabi niya hindi daw healthy ang relationship na binubuo ko sa kanila...dahil ginagawa ko daw silang panakip sa butas na iniwan ni Dave... na hanggang ngayon hindi ko pa rin inaamin. Wala naman talagang kailangang aminin eh.

"Oo na. Alam ko na yan."

"Alam mo nga. Hindi mo naman ako sinusunod. Ah ewan ba sayo babae ka." pati siya gulong-gulo na rin sa sitwasyon ko.

"Oo na nga. Wala namang problema sa'kin eh. Aalis na ako, may klase pa." nag wave na ako sa kaniya at ginawa ang aming virtual hugs and kisses. Hhhaayyy... Kelan naman kaya ito makakauwi dito.

Wala pa naman talaga akung klase eh. Ayoko lang na kinakausap ako ni Kathy ng ganun, feeling ko kasi nasasampal ako ng katotohanan.

 Nanood na lang muna ako ng TV since 1 ng hapon pa naman ang klase ko.

Natiming namang natapat ako sa News Alert.

"At ito ang mga balitang dapat ninyong abangan," sabi ng news caster, "...Dalawa patay sa sunog sa Cavite; Bagong cellphone ng Samsung, patok! at tunghayan ang star-studded post engagement party ng soon-to-be Mr. and Mrs. Weinstein!"

Pinalabas agad ang clip nung kagabi. Pati ba naman sa balita, laman pa rin sila ng usap-usapan. Bagay nga sila.

Hindi ko talaga makalimutan ang mukha ni Dave kagabi, yung moment na nilagpasan niya lang ako, na para bang hindi niya lang ako nakita. Those eight words, parang nilamon lang ako ng buo.

Ano ba toh! Napaka bitter ko na, pinipilit ko namang maging hindi eh. 

Ako naman ang may gusto nito, pero bakit ang sakit?

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng taong matagal ko ring di nakausap. Kamusta na kaya siya, sana naman hindi kami nagsasalo ng pakiramdam ngayon.

 "Hello? Hello Cassandra?" sabi niya sa kabilang linya.

"Hhmm... Tita Beth." sabi ko. Tapos bigla na lang tumulo ang luha ko. Pinigil ko ang paghinga ko baka mahalata niya.

"Oh kamusta ka na? Napatawag ka?" tanung niya. Mas lalo pa akung napaiyak. Tinakpan ko ng kamay ko ang speaker, tapos pumikit, hoping the pain and tears would go away.

"Hello Cassandra? Andiyan ka pa ba?" tanung ulit niya.

Inilayo ko muna ang phone, "..Ahh..T-Tita, okay lang po ako. Namiss lang talaga kita." sabi ko.

"Ai naku! Nganung dili man ka mag uli? Kamusta na si Prince?" 

Nagulat ako sa tanung ni Tita Beth, oo nga pala, hindi niya pala alam na nag hiwalay na kami.

"Uuhhmm.. O-okay naman po siya Tita." sagot ko. Hindi ko rin naman ineexpect na malaman ni Tita agad, hindi rin naman kasi siya mahilig mag basa ng news o manood ng TV, simple lang siya.

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now