#5 - Iyong Himig sa Aking Pagtulog

32 10 1
                                    

Tumahimik ang paligid nang magsimula kang magtipa sa piano. Ang lahat ay pinapanood ang bawat galaw ng iyong mga daliri na siyang lumilikha ng musikang masarap sa pandinig. Nakangiti ang iyong mala-anghel na mukha habang dinadama ang bawat ritmo ng awit nang nakapikit. Napakaganda mong tignan habang tinutugtog ang paborito mong kanta. Napakaganda mo habang nakaupo ka sa harap ng piano na parang iyon ang pinakapaborito mong pwesto at lugar. Napakaganda mo sa tuwing nakikita ko sa iyong mata ang dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit nahulog ang loob ko sa 'yo.

Napuno ng palakpakan ang lugar. Pinagmasdan mo sila nang may maamong ngiti sa labi. At ang ngiti mong 'yon ay lalong lumawak nang makita mo ako sa gitna ng napakaraming tao. Tumakbo ka palapit sa akin at sinalubong kita ng yakap.

"Kainis ka! Sabi mo ay hindi ka makapupunta!" Tulad ng mga itinutugtog mo, pati ang boses mo ay masarap sa tainga. Sigurado akong hinding-hindi ako magsasawang pakinggan 'yon sa araw-araw.

Mahina akong tumawa at hinigpitan ang yakap sa 'yo. "P'wede ba naman 'yon?"

Sa gabi, pagkatapos nating pagsaluhan ang inuwi kong pagkain, pagkatapos nating kausapin ang mga bituin sa langit, habang yakap ako ng iyong mga braso ay kakantahin mo sa aking tainga ang iyong paboritong kanta na hanggang sa panaginip ko'y dala-dala.

"Kapag nagkaanak tayo, kakantahin ko rin sa kanya 'to. Para bago siya matulog, boses ko ang huli niyang napakikinggan."

Napadilat ako sa sinabi mo at hindi makapaniwalang tinignan ka.

"I-Ibig sabihin..."

"Bumuo na tayo ng pamilya, Charles."

Walang pagdadalawang-isip na inangkin ko ang labi mo. Saliw sa musika, parang naging mga notang sumasayaw sa ere sa iyong paboritong kanta ang labi at katawan nating gumagalaw sa isa't isa. Ang iyong mga daing at halinghing ay itinuring kong bagong musika sa pandinig.

"Mahal na mahal kita, Aurora. Tandaan mo 'yan."

Ang kanta ng ating pagsasama ay lalong naging malakas, masigla at masaya. Kailanman ay hindi ito nanghina at lalong hindi namatay. Patuloy lang ito sa pagtugtog habang ang mga araw natin na magkasama ay lumilipas. Lalong nabuhay ang mga liriko sa awitin ng ating buhay nang dumating ang panibagong miyembro ng ating pamilya.

Kahit may luha sa iyong mata ay hindi nabawasan ng kaonti ang taglay mong kagandahan. Habang nakangiti mong tinitignan ang ating supling, hindi ko napigilang maisambit sa sarili na napakaswerte ko at ikaw ang nagsilang ng aking anak.

"Kuhang-kuha niya ang itsura mo."

Nilingon mo ako at pinunasan ko ang basa mong pisngi. "T-Talaga?"

Nakangiti akong tumango. Binalik mo ang tingin sa mahimbing na natutulog nating anak. Pinikit mo ang mga mata at tahimik na inawit ang paboritong kanta sa bata.

Simula nang dumating ang pangatlong miyembro ng ating pamilya, hindi na nawala pa ang matamis mong ngiti. Kahit pagod, kahit puyat, kahit wala kang tulog. At sa paglabas ng buwan at bituin, pareho kami ng anak natin ang nadadala mo sa mahimbing na pagtulog pagkatapos mapakinggan ang iyong pagkanta.

"Bilisan natin, Charles! Gusto ko nang makita si Sophia!"

Humalakhak ako at hinawakan ang kamay mo. "Oo, ito na, ito na. Kalma ka lang."

"Pareng Charles!"

Sumulpot sa harapan natin ang dating manliligaw mo, may kasama itong apat pa sa likod. Dahil sa hindi magandang ginawa niya sa 'yo noon, agad kang nagtago sa likod ko sa takot.

"Oh, Aurora? Bakit naman parang natatakot ka sa akin? Grabe ka naman, parang wala tayong pinagsamahan niyan." Nakaloloko itong tumawa.

Humigpit ang hawak ko sa nanginginig mo nang braso. "Huwag kang matakot, Aurora. Walang mangyayaring masama."

"Kumusta pagiging asawa ni Aurora, Pareng Charles? Napaliligaya ka ba sa kama?" Ngumisi ito sa akin. "Sayang nga at hindi ako ang pinili niya, hindi ko siya natikman. Pero p'wede pa naman siguro ngayon? Sa tingin mo, Charles?"

Kumuyom ang kamao ko sa namumuong galit.

"C-Charles..." humihikbing tawag mo sa akin.

"P're, mawalang galang na pero aalis na kami ng asawa ko. Naghihintay sa amin ang anak namin."

"Talaga? Ano namang paki ko?" Muli siyang humalakhak. "Kunin n'yo si Aurora sa kaniya!"

Napaatras tayo ng lumapit sa atin ang apat niyang kasama. Natanggal ng dalawa sa kanila ang hawak mo sa likod ko. Sinubukan kong gantihan ang mga sinasalubong nilang suntok. Natumba ako sa sahig pero tumayo ulit para lumaban.

"Charles! Huwag! Huwag n'yong saktan si Charles! Maawa kayo! Pakiusap! Huwag si Charles!"

"Manahimik ka!" Isang malakas na hampas sa iyong pisngi ang tuluyang nagpagising sa galit sa akin.

"Aurora! Hayop ka! Huwag mong sasaktan si Aurora!" Sinubukan kong lapitan ka pero hinaharang nila ako ng suntok. Bigla ka na lang hinatak palayo sa akin at ngayon parang hindi na kita maabot.

"Masasaktan? Baka masasarapan!"

"Aurora!"

Ang suot mong magandang bestida ay walang hirap niyang pinunit sa harapan ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya pinagapang ang kamay sa buo mong katawan. Kahit na humahagulgol at sumisigaw ka na sa sakit at takot, hindi siya tumigil sa pangbababoy sa katawan mo. Sumabay sa iyak mo ang ungol ng demonyo.

Tila ang masiglang kanta ng ating buhay ay unti-unting humina ang musika hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng buhay. Unti-unting tumigil sa pagsayaw ang mga nota sa ere. Unti-unting naglaho ang ritmo. Unti-unting humina sa aking pandinig ang mga liriko. At tila ang mundo ko ay biglang naguho.

Sa mga sumunod na mga gabi, ako na lang ang kumakain ng inuwi kong ulam, ako na lang ang kumakausap sa mga butuin sa kalangitan, at sa pagtulog, ako na lang ang tahimik na kumakanta ng paborito mong awitin sa ating munting si Sophia.

Pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, hindi ko magawang tapusin ang kanta at hindi ko mapigilan ang mga luha sa pagkawala nito sa aking mga mata. Sabi mo'y boses mo ang huli naming matatandaan bago umidlip sa kawalan. Pero hindi na ang mala-anghel mong tinig habang inaawit ang paborito mong himig sa aking pagtulog ang naaalala, kung hindi ang mga hiyaw sa sakit at iyak mo nang gabing 'yon kung saan hindi ko man lang nagawang protektahan ka.

-
© Pinterest (for the used illustration)

-
hope you like this because this is my personal favorite sa lahat ng one-shots ko as of now. hihi.

and also, i have a question. bet n'yo ba 'yang may illustration akong ginagamit? baka kasi sa susunod, hindi na ko maglalagay for some reasons pero kung may mahanap pa ring image to present the story, then go. hihi.

Tangled Words on My HeadWhere stories live. Discover now