Nasa tapat na ako ng room namin, dahan dahan ko tong inihit dahil baka nasa loob na si Liana
Nilibot ko ang paningin ko. "Hay salamat wala pa yung isa".
Humanap ako ng paglalagyan ng gamit ko. Napili ko ang malaking cabinet, marami kasi akong dalang gamit at buti ay nauna ako kay Liana haha.
Mas malaki din ang pinili kong kama, bahala sya sa buhay nya. landi pa haha
Ng mai-ayos ko na ang mga gamit ko dumeretso ako sa kama ko at humiga. Tapat din pala ng kama ko yung bintana para masilip mo yung dagat
"How lucky I'am haha"
Medyo kinulang ang tulog ko kaya napagdesisyunan kong matulog muna
Nasa gitna na ako ng pagtutulog ko ng makarinig ako ng yabag.
"Ano ba wag ka ngang maingay natutulog ako" sigaw ko habang nakapikit parin.
"Bakit mo'ko inunahan ng pwesto sa cabinet na malaki, nakikita mo namang mas marami akong dalang gamit kesa sayo" sigaw nya sa'kin
Napa upo ako dahil sa sigaw nya. "Hoy hoy hoy! Wag ka ngang sumigaw...mas nauna ako kaya wag kang mag ganyan sa'kin...landi pa more" bulong ko sa huli kong sinabi.
"Anong nauna! Mas ako ang nauna kaya nga nasa akin sya ngayon tsk"
Aba talaga! Pati yun sinasali pa sa usapan... talagang gusto mo kong simulan ha... Sige pagbibigyan kita.
"Hoy wag kang umasta na nauna dyan...Remember isa ka lang ding mang-aagaw ng pwesto" sabay ngiwi
Makikita mo ang pagka-inis sa mukha nya... Sorry sinimulan mo kasi ako tsk.
"So pini-personal mo. ha" singhal nya
"Hindi ako ang nauna... Pwede ba manahimik ka na lang, sumama ako dito para mawala stress ko...kaya sinasabi ko sayo" lumapit ako sa kanya. "Wag na wag mo kong simulan" seryosong sabi ko at tinalikuran sya.
"At saan ka naman pupunta ha!" Sigaw nya ulit
"Why do you care?... Nandito yung stressful sa buhay ko kaya mas pipiliin ko na lang lumabas kesa makasama ka"
Aalis na sana ako ng mag salita ulit sya.
"At si Steve? Pupuntahan mo kasi sya ang nagpapawala ng stress mo? HA HA HA" mapang-asar na sabi nya. Hinarap ko sya at nginisian
"Wag kang mag-alala... You're the same" sabay talikod ko
May sinasabi pa sya pero hindi ko sya pinakinggan...Ma stress lang ako lalo kapag pinatulan ko pa tsk
Habang naglalakad ako nakita ko si Xander sa hindi kalayuan, nakaupo sa buhangin habang tinatanaw ang dagat...Dumiretso ako papunta sa direksyon nya.
Ng makalapit ako umupo ako sa tabi nya.
"Uy anong ginagawa mo dito?"
"Wala bakit bawal ba?"
"Hindi naman. Ang sungit mo naman ata haha"
"May sumira ng mood ko e" nanatiling naka tingin lang ako sa dagat. Kita ko sa side view ko na nakatingin pa rin sa akin si Xander.
"Sino naman" tatawa-tawa nyang tanong
"Sino bang kasama ko sa room" sabay tingin ko sa kanya...Ramdam ko ang pag kagulat nya ng bigyan ko sya ng tingin.
YOU ARE READING
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...