Chapter 23

2.9K 118 140
                                    

Ilang araw na ang lumipas since nung nagkita kami ni Steve. Bukas ang alis namin papuntang Aklan, Si James ay mas naging busy sa bahay nila. Nagka sakit ang Mommy ni James, Umalis ang Daddy nya para ayusin ang Business nila. Walang mag aalaga sa Mommy nya kaya hindi sya makakasama sa Aklan bukas. Since nung nauna sya sa'kin umuwi hindi na kami nag kita pa. Hindi sya pumasok ng ilang araw noon kaya sobrang nalungkot ako.

Wala naman akong ibang kasama kundi sya lang. Pero wala namang may kasalanan kung bakit nag kasakit ang Mommy ni James kaya hinayaan ko na lang na lumipas ang araw na hindi sya nakakasama.

Tsini-check ko ulit ang mga gamit ko baka kasi may maiwanan ako.

Si Mommy at Daddy ay nag aayos pa lang sa room nila. Nagpapasalamat narin ako dahil may ganitong Vacation kami. Pampawala stress narin kila Daddy.

Kinalikot ko muna ang Phone ko. Inopen ko ang Facebook acc ko. Grabe kakaopen ko lang nung nakaraang araw tapos ngayon ang dami na ulit notif and friend request.

Hindi ko na lang ito pinansin. Agad ko ding binack at kinlick naman ang  Instagram. Naka private ang Acc ko kaya hindi pinagpi-pyestahan ang mga ina-upload kong picture. Pagkatapos kong iclick ang Notification nagtungo naman ako sa Message.

Nangangamusta pala sila Tita Allaine sa'kin. Ngayon ko na lang kasi inopen ang Ig ko makalipas ng ilang buwan. Agad ko tong nireplyan. Nag sabi na lang ako ng ngayon ko lang nabasa kaya ngayon ko lang din nareplyan  Which is totoo naman

Scroll lang ako ng scroll ng mapukaw ang atensyon ko. Tinitigan ko tong mabuti.

'Wait. Talaga bang nag message sya sa'kin?' Gulat kong tanong saking sarili. Hindi ko pa to siniseen pero base sa date 7 weeks ago na ang nakakaraan ng imessage nya ko.. so it means nung time na hindi na kami nga papansinan. Nag bilang ako saking sarili. Nang mapagtanto ko na nung time na tumawag sya sa'kin nung hapon na akala ko si James ang tumatawag, tapos binanggit nya na miss nya daw ako.. What nalilito na ko

Nananatiling naka tingin lang ako sa message na nakalagay doon. Ang nakikita lang doon ay 'Alam kong ayaw mo.....' Shit hanggang dyan lang yung kita. Naka online sya kaya baka makita nya rin na naseen ko to. Bahala na, di ko muna to bubuksan saka na lang.

Pagbalik ko ng Home sa Ig ay bumungad sa'kin ang Itsura nya. Naka blue na t-shirt sya at nakangiti sa camera. Kakapost nya lang nito 2 minutes ago, inislide ko ang pic nya para ma kita ang susunod. Naka poker face naman ito.

"Anak ready na ba ang mga gamit mo?"

Napabalikwas ako ng makarinig ng boses. Agad kong nabitawan ang phone ko. Hawak hawak ko na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Pano ba naman gabi na tapos biglang may mag sasalita. Hindi ko man lang narinig yung pag bukas ng pinto ashhh aatakihin talaga ako sa puso nito e.

"Mommy! Bakit po ba nang-gugulat kayo" I said. I'm still catching my breath dahil sa pang-gugulat

"Sorry anak. May masakit ba sayo?" Alalang tanong nya. Inalis ko na ang kamay ko na nakahawak sa dibdib.

"Wala po, I was so shock lang po" Then I smiled. Agad lumapit sa'kin si Mommy at umupo sa tabi ko

"Are you ready tomorrow?" Nakangiti nitong tanong. Ngumiti naman ako bilang ganti, i don't know kung ready na ba ako bukas. Ang alam ko lang ay ready ang gamit ko pero ang sarili ko?...I don't think so.

Lumabas din naman kagad si Mommy. Agad kong hinanap ang Phone ko nung mabitawan ko ito. Binuksan ko ulit at automatikong nanlaki ang mga mata ko.

"What the!!!" Pasigaw kong sabi. Pano ba naman kasi na heart ko pala ng hindi sinasadya yung picture nya. 5 minutes ago nya na itong na post so it means 3 minutes ago ko ng na like yung picture nya at ang malala naka online parin sya. Gusto kong magsisigaw dahil sa nangyari, Kahit naman bawiin ko alam kong nag notif narin sa kanya yun.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon