Chapter 6

2.3K 115 12
                                    



"Jenince pov"



"Nasaan kana!?" Tanong ko sa kabilang linya





"Wait lang, ikaw na nga lang nanghingi ng favor ikaw pa nagmamadali" sagot ni james sa kabilang linya





"Dalian mo baka dumating na si liana" sabi ko





Nandito ako sa tapat ng school at nakikita ko na si steve na naghihintay kay liana





"Ano naman kung dumating si liana" sabi nito





Napakamot ako sa ulo ko. "May isip kaba?! Kaya nga nanghingi ako ng favor para ipakita sa kanila na sabay tayong pumasok" patuloy na pag hawak ko sa ulo ko





"Ito na nakikita na kita, bye na" sabay patay nya ng telepono





Saktong pag lipat ko ng tingin kay steve, nakangiti ito sa isanh direksyon at ng tignan ko ito napataranta ako dahil nandito na si liana.





"Baka mauna sila. Nasan na ba kasi tong si james" sabay libot ko ng mata





Nagulat ako ng biglang may nanghila sa kamay ko patungo sa school





Ng makita kong si james ito, nagmadali nadin akong makitakbo gaya ng ginagawa nya





"Bakit ba kasi ang tagal mo" patuloy kong takbo





"Hindi naman kasi ako excited sa pinapagawa mo, bakit ako mag mamadali" hawak kamay naming takbo





Huminto kami ng malapit na kami sa pwesto ni steve





"Huminahon ka, wag mong pahalatang galing tayo sa takbo" sabi ko





"Oo na" angal naman nito





Hindi ko na sya pinansin at diretchong naglakad patungo sa direksyon ni steve





Nakalapit na si liana kay steve at nanakit ang mga mata ko ng makita ko na naman ang paghawak nya ng kamay kay liana





"Wow holding hands while walking tsk" bulong kong sabi





Tumalikod na sila, mukhang hindi nila kami napansin na nasa likod lang nila kami





Habang tinitignan ko ang magkahawak nilang kamay biglang may pumasok na kalokohan sa isip ko





"Akbayan moko" utos ko dito sa kasama ko





"Ayoko baka isipin ng lahat na tayo talaga, ang usapan lang natin sa harap lang ni steve tayo magpapanggap" angal nya na naman





"Nasa likod naman nya tayo, dali na" ako na ang kumuha ng kamay nya at pinatong ito sa aking balikat





"Kung sila may holding hands while walking, tayo naman may akbay while walking" bulong ko





"Harutin mo ko mamaya" bulong ko sakanya





Hindi na sya nag salita dahil alam nyang kahit anong reklamo nya wala parin syang magagawa





Hindi naman sa ginagamit ko yung kapangyarihan namin para mapasunod ang isang tao, napasunod ko sya kasi may kasalanan sya sakin





Hinawi ako mag ka hawak na kamay nila steve at liana. Sinadya ko talaga yun para mapansin nyang may kasama akong iba





Gaya ng sabi ko, haharutin ko si james at susundan nya naman ito





"Ano ba" pabebe kong sabi





Tinusoktusok nya lang ang bewang ko





"Nakikiliti nako hihi" inartehan ko talaga ang bawat pag sabi ko ng salita





"Ang sakit nyo na sa tenga, ang sakit nyo pa sa mata, tabi nga" sabay tulak nya sakin, buti na lang nasalo ako ni james





"Anong problema nun" takang tanong ni james





Imbis na magalit ako ay bigla akong napangiti sa naisip ko





"Bakit pa ngiti ngiti kapa dyan, e tinulak ka na nga" sabi nito





Tinignan ko sya sa mata. "Hindi mo ba napapansin, mukhang tumatalab yung plano ko" sabay hampas ko sa braso nya





"Ay ewan ko sayo, mauna na nga ako" sabay iwan nya sakin





Naiwan akong parang tangang nakangiti lang dito sa gitna





Ng marialize kong mukha na akong tanga dito ay napagdesisyunan ko ng pumuntang school





"Yes successful ang plan A ko" sabi ko bago ako pumasok sa loob ng room





Pagka-upo ko ay nakita ko si steve na nag eearphone na naman





Paglingon ko kay james ay ganun din ang ginagawa nya, nagpapatugtog lang





Nakaisip na naman ako ng kalokohan. Lumapit ako kay james at hinawi ang braso nya





"Baby wag ka ng mag earphone, kwentuhan na lang tayo" sabay puppy eyes ko





Yung mukha nya parang umaayaw na talaga sa pinaggagagawa ko. Kaya napagdesisyunan kong pabayaan ko muna sya






Kasi first day ko pa lang syang kinukulit bilang gf kunwari e parang depress na e





Pinabayaan ko muna sya kasi naaawa naman ako, atsaka pinaghahanda ko lang sya sa susunod na plano ko




Ang susunod na plano ko ay lilipat ako sa upuan nya para maisip ni steve na wala na talaga akong feelings sakanya





Dumating na ang teacher namin at sinimulang makinig.

My Childhood CrushWhere stories live. Discover now