Chapter 20

1.7K 81 39
                                    

"Jenince POV"

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Una kong nakita ang puting kisame


"Anak gising ka na pala". Tinignan ko ang kakapasok lang na si mommy. May bitbit itong dalawang plastic

Agad lumapit sa'kin si Mom ng nakita nya kong dahan dahan na uupo

"Mommy anong ginagawa ko dito?" Tanong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sa kinalalagyan ko ngayon. Nakita ko ang luha nyang unti unting bumabagsak.


Dahan dahan kong itinaas ang kaliwa kong kamay at hinawi ang mga luhang pumapatak sa mukha nya.


"Mom. Okay lang po ako" binigyan ko sya ng pilit na ngiti dahil ang totoo nakaramdam na naman ako ng pananakit ng tyan ko


"Anak bakit hindi mo sinabi sa'min"


Kitang kita sa mata nya na sobrang nag-aalala sya. Inalala ko yung dahilan kung bakit ako napunta dito.


"Mom. si James po?" Tanong ko.


"Pinauwi ko muna para makapag pahinga. Kanina ka pa nya hinihintay na magising" saad nya. Hinawakan nya ulit ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinasabi sa'min na may nararamdaman kana palang kakaiba" saad ulit nito.


Tumingin ako sa ibang dereksyon upang mapigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim bago ko bigyan ng tingin si mommy


"Sorry Mom...bukod po sa ayaw ko po kayong pag-alalahin. Ayoko din pong maging sagabal sa mga business nyo ni Dad" pinigilan kong manginig ang boses ko. Nakahinga din ako ng maluwag pagkatapos ko itong sabihin


"Anak naman. 'Ni kailanman hindi ka naging sagabal sa'min ng dad mo" hinimas himas nya ang kamay ko. "Sorry anak kung wala na yung atensyon namin sayo ng Dad mo. Sorry kasi naging babad na kami sa trabaho. Sorry kasi....'hindi na namin alam yung mga nangyayari sayo" Nananatili akong nakatitig kay mommy na umiiyak na ngayon.


Hindi ko narin napigilang hindi umiyak. Dahan dahan ko syang niyakap, hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hindi ako makakilos ng maayos ngayon dahil may nakaturok sa kanan kong kamay pero mas hinigpitan ko parin ang yakap kay mom. Nakakamiss din pala


"Mom stop crying please. Wala naman po kayong kasalanan. Ako lang po talaga tong matigas ang ulo. Naiintindihan ko naman po kayo ni Daddy" Pagtatahan ko sa kanya, wala naman din akong ibang magawa dahil hindi ako makatayo para mas mapatahan sya.


Inalis ko na ang yakap ko. Tumigil na din si mom sa pag-iiyak. "Mom always remember na wala ka pong kasalanan sa mga nangyayari sa'kin ngayon.... Ako po talaga ang may kasalanan, malaki na po ako pero hindi ko man lang kayang alagaan ang sarili ko.... Sorry po mom I make you worried again" sabay tungo ko.


Hinawakan nya ang chin ko at unti unti itong inangat


"Anak I will promise na hindi na aalis si mommy sa tabi mo. I'll take care of you promise" sabay ngiti nya. Ngiti na lamang ang naiganti ko


Biglang may pumasok sa utak ko kaya agad ko itong tinanong kay mommy.


"Alam po ba nila Tita Kate na may sakit ako?" Tanong ko


"Hindi pa. Sasabihin ko pa lang sana nung pagkarating ko kanina"


"Mommy wag nyo pong sasabihin kila Tita Kate at mas lalong kay Steve na may sakit ako. Please" aligaga kong sabi. In the first place naman talaga hangga't maaari ayokong may maka-alam na may sakit ako. Ayokong kaawaan nila ako dahil lang dito sa kalagayaan ko... At ayokong maging okay ang pakikitungo sakin ni Steve dahil lang sa kalagayan ko


My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon