Chapter 8

2.4K 103 26
                                    


"Jenince's pov"



Habang papalapit ako ng papalapit sa room ay hindi ko maiwasang kabahan





Baka maalala na naman ni steve yung nangyari sakin noon





Baka lumayo na naman sya dahil doon





Nasa tapat na ako ng room namin. "Hindi ka pa ba papasok" biglang salita ng nasa likod ko. Paglingon ko dito hindi na ako nagulat na si james ito





"So-sorry pala kanina" nakayuko kong sabi





"Ayos lang, kinwento na sakin ni liana kung bakit ganun na lang ang pagkabigla mo noong isusubo ko na sayo yung spag, sorry buti na lang na tabig mo" seryoso nitong sabi





Inangat ko ang mukha ko upang makipag eye to eye sakanya. Siguro tama na tong pinaggagagawa ko





"Pwede ba tayong mag usap" tanong ko





"Sure" sabay kaming nag lakad patungong court





Ng makarating kami ay niyaya ko syang umupo muna





"Dito tayo" sabay upo ko. Umupo nadin sya sa tabi ko





"Mukhang seryosong usapan to ha" pagbibirong sabi nya





"Please be serious muna" baka kasi kapag nag sabi ako, akala nya nag jojoke lang ako





"Okay simulan mo na makikinig ako"  sabay salong baba nya





"Ahm kasi feeling ko mali yung ginagawa ko. Kasi ginagamit kita para lang pagselosin si steve, na hindi ko naman sure kung nagseselos ba talaga sya" nakayuko kong sabi





"Okay lang naman sakin kung gagamitin mo ko, kasi kaya kong mag paggamit para sayo" napa angat ako ng tingin sa sinabi nya





"What do you mean" takang tanong ko





"Manhid ka talaga" sabay ngiwi nya. "Sabagay kay steve lang naman naka tuon yung atensyon mo kaya hindi mo napapansin yung ginagawa ko" sabay tingin nya sa kamay nya





"Wait nagugulahan ako" sabi ko





"Try mong mahalin ako para hindi ka magulahan" sabay tingin nya sakin





"May g-gusto ka s-sakin?" Hindi makapaniwalang tanong ko





"Tumpak" sabay pitik nya ng kamay





"Pero bakit ako?, samantalang ayaw mo kong kausapin nung time na kinakausap kita, tapos sinumbong mo pa ko kay ms. Gonzales" sabay takang tingin sakanya





"May reason kaya ginawa ko yun, tignan mo nagpapanggap na akong boyfriend mo, speed diba" sabay tawa nya





"Anong klaseng reason naman yun, yung pagalitan ako dahil sayo" sabay taray ko





"Pwede, konti na lang mahuhulaan mo na" sabay ngiti nya. "James hindi ako nakikipag biruan ngayon, sabihin mo na" seryoso kong sabi. Syempre nagulat ako sa pag confess nya sakin ngayon. Akala ko talaga hate na hate ako ng nasa paligid ko dahil sa kaingayan ko pero may isang tao palang nag tatago lang





"Easy, ito na sasabihin ko na" sabay taas nya ng kamay na parang sumusuko





"Noong time na kinakausap mo ko dahil wala ng kumakausap sayo. Hindi kita pinansin noon dahil ayokong maging tiga salo ng taong hindi ka kinausap nung araw na yun. Gusto ko kaya kinausap moko dahil ako talaga ang kakausapin mo, hindi yung nag hanap ka ng makaka usap dahil hindi ka kinausap ng taong karibal ko" habang nag kikwento sya nakatingin lang sya sa mga mata ko, kaya tumingin ako sa baba dahil naiilang ako sa mga sinasabi nya ngayon





"Noong araw na sinumbong kita kay ms.gonzales na inip na inip ka ng matapos yung klase nya, sinumbong kita para mapansin moko. Totoo nga napansin moko" nag angat ako ng tingin sakanya at nakatingin sya sa taas ng court na parang iniimagine ang nangyari noong araw na yun





"Pero salamat sayo" biglang sabi ko. Inalis nya ang tingin nya upang bigyan ako ng nagtatakang tingin





"Salamat sayo dahil marami akong narealize noong araw na yun. Pinagsabihan ako ng ms.gonzales na pwede kong gamitin ang kadaldalan pero dapat samahan ng utak" naka ngiti kong sabi. "Noong nag test tayo sa arts nun, nakinig na ako dahil sa sinabi sakin ni ms." Pagpapatuloy ko





"Kaya pala ikaw yung highest noon" nakangiting sabi ni james





"Back to the topic tayo" sabi ko. "Saan yung sa gusto kita?" Nakangiting asar ni james. "Gusto mong masapak" sabay taray ko dito





"Ititigil ko na tong request ko sayo. lalo pa ngayong nalaman kong may gusto ka sakin. Ayokong makapanakit ng tao kaya hindi na kita gagamitin" sabi ko





"Sige pero papansinin mo na ako ha" sabi nito. "Oo naman, gusto mo pa bestfriend na tayo e" nakangiti kong sabi . Bigla namang nawala yung ngiti nya. "Oh bakit naka simangot ka?" Tanong ko. "Ayokong bestfriend tayo" sabi nito. "Oh bakit anong problema doon?" Tanong ko. "Ayokong hanggang friend lang ako" sabi nito





"Halika na baka malate pa tayo" sabay tayo nya at sinimulang mag lakad





Tumayo din ako "anong pinag sasabi mo. Hintayin mo ko" sigaw ko at habol sakanya





Ng maabutan ko na sya ay binatukan ko sya. Nginitian nya lang ako kaya napangiti din ako





Nabubulag ka nga talaga kapag sa isang tao ka kang naka focus. Kaya simula ngayon magugustuhan ko si steve pero hindi lang sakanya nakatuon ang atensyon ko, kundi kasama na sila james......

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon