"Steve's pov"
"Anong gusto mo?" Tanong ko kay liana
"Spag na lang atsaka water" sabi nya. "Ah okay upo kana doon, ako ng bahalang mag buhat" sabi ko
"Bilhan kaya natin si jenince ng pagkain?" Tanong nya
Ngumiwi ako. "Wag na daw, pabayaan mo na sya kaya nya na sarili nya" sabi ko
"Pwede bang wag ka masyadong hard kay jenince, alam kong hindi same feelings yung nararamdaman nyo pero sana kahit bilang kaibigan lang mag care ka naman sakanya please" mahabang sabi nya
"Okay pero hindi katulad ng pag care ko sayo yung ibibigay ko sakanya, please lang sana kung may nararamdaman kana sakin sabihin mo sakin, wag kang matakot dahil lang magkaibigan kayo ni jenince, kung kaibigan ka nya matatanggap nya naman kung ano yung magiging desisyon mo" mahaba kong sabi
Tumango lamang sya at tinalikuran ako para pumunta sa upuan namin.
Masaya namang kasama si jenince dahil hindi ka mabobored, pero anong magagawa ko kung kay liana ako na aatract at hindi sakanya
Kinuha ko na ang order namin. Binilhan ko na din si jenince dahil baka magalit pa sakin si liana kapag hindi ko sinunod yung sinabi nya
"Ito yung pagkain ni jenince" sabay abot ko kay liana. Tinignan nya ito. "Same lang yan ng favorite na kinakain mo ngayon" sabi ko
"Hays magkababata nga tayo pero ako lang talaga ang kinilala mo" malungkot na sabi nya
"Ha? What do you mean?" Taka kong tanong
"Allergic si jenince sa spag" sabi nya
Nagulat naman ako dahil hindi ko talaga alam. "Sorry hindi ko alam" sabi ko. "Palitan ko na lang" sabay kuha ko ng spag na binili ko
"No need. Ako na lang ang bibili sakanya sa susunod na break time" sabay kain nya
Sa tuwing kasama ko si liana laging mukhang bibig nya si jenince kaya medyo naiirita ako kay jenince kasi kinukuha nya yung oras ko kay liana
Natapos na kaming kumain at nagpahinga konti
Ilang minuto ang lumipas at nag salita na si liana. "Halika na baka nasa room na si jenince" sabi nito
Tumayo ako at sumunod sakanya
Nasa harap pa lang kami ng room ay nakita ko na si jenince na natutulog ata sa lamesa namin
Nakapasok na kami ni liana at umupo na
Kahit na padabog akong umupo ay hindi parin sya nagigising
Wow ha parang pagod na pagod sa project na pinasa nya, samantalang wala naman syang ambag dun
Napako ang mata ko sa mukha nya. Hindi ko alam kung bakit tinitignan ko sya ng ganto katagal
Maamo ang mukha nya lalo na pag tulog. Mukhang tahimik pag tulog, mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi
"Alam ko namang nadedevelop kana sakin, pero wag ka namang lumapit na parang gusto mo na kong halikan"
Napabulagta ako ng bigla syang mag salita. "Tsk halikan in your dreams" sabay iwas ko ng tingin
Biglang kinabahan ako sa ginagawa ko. Bakit ba kasi lumalapit yung mukha ko bwisit. Mag iimagine na naman yan na may gusto ako sakanya tsk
"Jenince pov"
Naramdaman ko na nandito na sila steve kaya nag panggap akong tulog
Padabog na umupo tong si steve. Pero nanatili parin akong tulog
Dinidilat ko ng konti ang isa kong mata. Nakikita ko na nakatitig si steve sakin
Gusto kong kiligin sa ginagawa nya pero nanatali lang akong tulog
Palapit ng palapit ang mukha nya kaya nag salita na ako
"Alam ko namang nadedevelop kana sakin, pero wag ka namang lumapit na parang gusto mo na kong halikan" sabi ko
Natawa ako sa reaction ng mukha nya. Mag dedepensive na naman to haha, huling huli na e
"Tsk halikan in your dreams" sabay iwas nya ng tingin sakin
Natatawa na lang ako sa reaction nya.
"May gusto ako sayo pero hindi naman ako papayag na makuha mo yung first kiss ko ng ganun ganun na lang" pagbibiro ko
"Mas gugustuhin ko namang mapunta ang first kiss ko kay liana kesa sayo" sabay taray nya
Kalalaking tao kung makataray dukutin ko mata nya e. Pero ouch ha, nasaktan ako dun, si liana parin talaga gusto nyang makakuha ng first kiss nya
Naaalala ko kasi dati noong mga grade 1 pa kami, gustong gusto ko syang halikan para masabing ako yung first kiss nya, e kaso pinag tutulak ako ang sabi nya gusto nya kay liana lang daw mapupunta yung first kiss nya
Pero umaasa ako sa pinangako sakin ni liana na hindi nya mamahalin si steve hanggat mahal ko pa sya
Hindi ko na sya inasar pa dahil ang sabi ko ay mag aaral na ako ng mabuti
May natitira pang oras kaya nilabas ko ang notebook ko dahil hindi na natuloy ang binabalak kong matulog muna
"Wow nag rereview kana" pang aasar nya sakin
"Shut up" panggagaya ko sa linyahan nya sakin
"Tsk" pagngiwi nya
Dumating na ang teacher namin sa arts
"Good morning class" bati nya
"Good morning sir.dan we're glad to see you" sabi naming lahat
Nag simula na ang klase at syempre sinimulan ko na ding makinig
Pagkatapos mag turo ni sir ay pinag handa kami ng bolpen at papel upang mag quiz
Natapos ang quiz at hinihintay na lang namin ang result o score ng bawat isa
"Palakpakan natin si jenince" biglang sabi ni sir
Nagtatakang nagsi palakpakan naman yung mga kaklase ko
Binigyan ko ng nagtatakang mukha si sir
"Si jenince ang nakakuha ng pinakamataas na score sa quiz" sabi ni sir
Wow as in wow, bakit ako?
"Congrats jen" sabi ni liana ,nginitian ko naman sya
"Congrats" sabi ni steve. "Salamat hehe" sabay ngiti ko
"Ipagpatuloy mo lang yan jenince" sabi ni sir
"Opo sir, thanks po" sabi ko
Ang taray diba, may utak pala talaga ako kapag nag focus ako haha. Ang saya lang ngayong araw.....
YOU ARE READING
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...